10 π–πˆπ’π‡π„π’ ππ„π…πŽπ‘π„ πˆπ“ 𝐄𝐍𝐃’𝐒 Chapter 4


10 π–πˆπ’π‡π„π’ ππ„π…πŽπ‘π„ πˆπ“ 𝐄𝐍𝐃’𝐒
Chapter 4: Warm hug-
Bumalik ako sa silid na aking kinaroroonan. Matamlay akong nakahiga sa kama na kay lambot, malayo ito sa hapag na aking higaan doon sa bahay. Gusto ko ng makita ang nilalang na nag nagdala sa akin dito, siguro ay siya din ang ligtas sa akin mula sa kapahamakan.
Tiningnan ko ang orasan na nakasabit sa dingding at malayo pa ang alas onse ng gabi, alas sais palang ng hapon. May limang oras pa akong hihimatayin. Napakatahimik naman ng paligid, wala akong nakakausap at wala akong makitang ibang tao.
Ilang sandali pa sa nagmumuni-muni ay nakaramdam ako ng antok hanggang sa dahan-dahang bumigat ang talukap ng aking mata.
Nagising ang aking diwa ng may naramdaman akong mga matang nakamasid sa akin. Iminulat ko ang aking mga mata at nasilaw ako sa liwanag na bumungad sa akin. Muli kong ipinikit ang aking mata at iminulat muli. Sa aking pagmulat ay isang matipunong lalaki ang aking nasilayan. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil nakaharang ang hood ng kanyang suot.
“Sino ka? Paano ka nakapasok sa aking silid?” Matapang kong tanong sa mapangahas na pumasok sa aking silid ng walang pahintulot.
Kita ko ang pag ngiti ng lalaki. Isang napakagandang ngiti na nang aakit.
“Pasensya na at nagising kita, mahal ko. Gusto ko lang pag masdan ang iyong maamo at magandang mukha. ” paumanhin ng lalaki.
“Sino ka?” ulit kong tanong.
“Heaven, Hevean ang aking pangalan, mahal ko.” sagot nito at nag lakad patungo sa aking gawi.
“Ikaw ba ang prinsipe sa kahariang ito? Paano ako napunta dito? Anong kailangan mo sa akin?” Sunod sunod kong tanong sa kanya.
“Dahan-dahan lang, mahal ko. Sasagutin ko ang lahat ng iyong katanungan. Oo ako ang prinsipe dito sa kaharian na ito pati na din sayo. Paano ka napunta dito? Dinala kita, mahal ko. Hindi ko gustong mapahamak ka. Anong kailangan ko sayo? Wala akong kailangan sayo, nais ko lang na maramdaman ang pag-ibig ko sa iyo, mahal ko.” sagot nito sa aking mga katanungan.
“Maari ko bang makita ang iyong mukha? Kung hindi mo mamasamain.” pangungulit ko sa kanya.
“Pasensya na mahal ko ngunit hindi pa ito ang tamang panahon para masilayan mo...


ang aking mukha.” Hinging paumanhin nito sa sinserong paraan.
“Kung ganoon, kailangan ko masilayan ang iyong mukha?” tanong kong muli sa kanya.
“Balang araw, mahal ko. Bakit, hindi mo ba ako kayang ibigin kapag hindi mo nasilayan ang aking mukha?” nalulungkot na tanong nito sa akin .
“Bakit nakarating na tayo sa pag iibigan gayong nakakakilala ko pa lamang sa iyo.” pangatarungan ko sa kanya.
“Matagal mo na akong kilala, mahal ko. Hindi mo lang natatandaan sapagkat nandito Kana sa mundo ko.” Aniya na labis na ikinapagtataka ko.
“Magkakakilala? Kaano ano ba kita sa mundo ko?” Naguguluhan kong tanong sa kanya.
“Malalaman mo rin balang-araw, sana ay huwag lang mahuli ang lahat ” makahulugang sabi nito na hindi ko naman naiintindihan.
“Ano ang iyong ibig sabihin?” Kunot noong tanong ko sa kanya.
“Wala. Maari na ba akong mag pahinga, ako ay inaantok na, mahal ko.” reklamo nito na wari’y pagod na pagod na talaga.
“Magpahinga Kana. Bukas nalang ako magtatanong muli.” pagpayag ko sa kanya.
Matunog itong ngumiti at naglakad patungo sa akin at umupo sa aking tabi na ipinagtataka ko.
“Anong ginagawa mo dito?” takang tanong ko.
“Dito humimlay sa iyong tabi. Gusto kong makatabi ka mahal ko at sana ako ay iyong payagan. Wala akong masamang gawin sa iyo, pangako.” Aniya
Wala akong nagawa kundi ang payagan siya sa kanyang hinihiling. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman, kay lambot ng aking puso pag dating sa kanya. Nagwawala ito sa itong nasa malapit siya. Ngayon ko lang nararamdaman ang ganitong klaseng pakiramdam.
Nahiga siya sa aking tabi at sininyasan akong mahiga na din. Sinunod ko ang kanyang kagustuhan. Ilang sandali pa ay umusog siya palapit sa akin at pumulupot ang kanyang mga bisig sa aking bewang at kanyang mukha ay naka sosob sa aking leegan. Hindi na ako Naka alma pa dahil siya agad na nakatulog. Hinayaan ko lamang siyang yakapin ako.
Ang sarap pala sa pakiramdam na makulong sa bisig ng isang ginoo. Napakagaan ng aking pakiramdam at ang aking puso ay buong buo naniwala sa kanyang ipinangako.
Ilang sandali pa ay hinila na din ako ng antok at nakatulog habang kulong sa kanyang matitipunong bisig.
> >Enjoy reading! Lovelots!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top