MAKE THE GAY TURNS TO A GUY CHAPTER 8


STILL AXEL
Masyadong clingy! Pagkatapos ng nangyari ay agad akong pumunta sa dati kong upuan. Panahong kasama ko pa si Ellise. Masayang memories at malungkot ay nandito. Ayaw kong magpa -upo dito dahil upuan ‘to ni Ellise. Marahil mahal ko pa sya. Hindi pa ako maka-move on sa kanya. Simula ng umalis sya ay wala akong pinaupo dito. Maski, ang ibang ka-close ko.
Lumabas naman ang higad na Stacey kasama ang mga alagad nya. Mukhang gagawa pa sila ng kalokohan. Magugulo talaga sila eh. Wala na silang magawang tama.
Nagsimula na ang klase pero wala pa sila. Parang kinakabahan na naman ako.
“Ok! Class Dismiss!”. Sabi ng prof namin at umalis na. Agad akong pumunta sa room ni Julia para makasabay sya sa lunch break kaso wala daw sya sabi ng classmates nya. Siguro busy yun! O baka kinakabahan na naman sakin. Ang hilig gumawa ng kalokohan pero hindi kayang harapin ang parusa. Babae nga naman!.
Agad akong pumunta sa secret place ko at umupo. Ako lang ang nakakaalam nito eh. Iisa lang ang table dito pero malaki naman ito. Sapat para sa apat.
Agad akong kumain. Habang nagmumuni ako ay nakarinig ako ng nag -uusap.
“Kamusta na kaya si Kate!”. Tinig ng isang babae.
“Malay ko! Sana ok lang sya bes! I wanna hug her na talaga!”. Bakla ba yun. Kalahi ko! Iba din.
Bigla na lang sumulpot ang isang babae at isang LALAKI? kanina may narinig akong bakla. Baka sya yun. Alangan naman yung babae.
“Hey, bro! Can we sit?!”. Tanong ng lalaki sakin. Agad lang akong tumango. Mukhang hindi na lang ako ang nakakaalam nito.
Agad naman akong nagtaka muli ng marinig kong tumili ang lalaking nasa harap ko. Kinunot noo ko lang sya habang sya ay nagkibit balikat lang ito. Siguro nga ay guni-guni ko lang yun.
Medyo natagalan din ako dito. Dahil sa mga nire-review ko para advance na ko. Pero hindi ako maka-concintrate sa dalawang ‘to. Naglalandian pa talaga sa harap ko.
“Hala, ano ba?”. Pabebeng tugon nung babae.
“Ikaw talaga babe! Ang cute mo!” Kurot pa ng lalaki sa pisngi ng babae.
“Uy, bes! Anong babe ka dyan? Bes lang, walang babe!”. Deny pa nya ba walang sila.
“You’re so noisy. Hindi ako makapag-review dahil sa inyo. Deny pa talaga kayo na walang kayo eh! Halatang -halata na nga!”. Mariin kong tugon sa dalawang kaharap ko at nag walk-out. Ang bitter ko, noh!. I don’t want to see a couple that happy. I hate damn so much!
Instead to stay for a while in the canteen, I decided to go to the classroom to continue by reviewing myself. Pagkarating ko sa loob ay matiwasay akong umupo at nag review.
“That jerk woman, is so annoying!”. Usapan ng mga higad. Mukhang may napag-tripan sila,eh!
Hindi ko na lamang sila pinansin at binalik ang tuon sa binabasa.
Maya-maya dumating na ang prof namin. Hayyyssssst! Salamat makakauwi na rin ako pagkatapos nito. Agad kong tinago ang gamit ko.
Pagkatapos bumati ng prof namin ay agad itong nagturo.
“Goodbye! Class Dismiss! Don’t forget, we will have quiz tomorrow.”
Sabi nito at umalis.
Pumunta ako ng parking lot at dun na hintayin yung babae na yun.
But, I almost wait for her in 1 hour! Pasalamat sya mahaba pa ang temper ko. Pero galit na ko!
Hinanap ko sya sa loob ng university. Halos lahat ng spot dito,pinuntahan ko na. Except to the library. Hindi ko sinayang ang oras ko at pumunta na dun.
*sniff* malas ko naman! *sniff* kabago bago ko pa lang, gan’to agad ang nangyari!”. Salita ng isang babae sa loob ng library. Agad kong natanaw ang tao na yun habang may hawak-hawak na libro.
Agad akong lumapit…. yung babae pala yun, yung babaeng pinaghintay ako ng isang oras.
Anong nakakaiyak sa pagbabasa ng “How to find a boyfriend easier”. Desperada na ba sya? Need a boyfriend.
Agad syang napatingin sa gawi ko. Nang makita nya ako ay agad nyang pinunasan ang luha nya. Pero, naasar talaga ako sa kanya. Nakakagigil!
“What happen to you?!”. Sinuri ko pa sya. Hinipo ko pa leeg nya saka noo. Pero hindi naman sya mainit.
“Maybe you’re so despirate to have a boyfriend!”. Mapang-asar na tugon ko rito.
“Utot mo, Min!”. Sagot nito.
“Mabango!”. Mapang-asar na dugtong ko. Kanina naaasar ako sa kanya ngayon hindi na.
Agad ko syang hinawakan sa braso para umalis na kami dun. Kaso hindi ko natuloy. Napadaing sya sa sakit.
“A-aray, Min! Dahan-dahan naman!”. Sambit nito.
“Who did this?”. Turan ko sa kanya habang nakatingin sa braso nya na may pasa. Tumingin naman sya sakin.
“Wala! Nadapa kasi ako!”. Agad akong napatingin sa gilid ng labi nya at may pasa rin yun.
“Talaga lang ha! Sinungaling! Again! Who did this?”. Tanong ko ulit sa kanya.
“Nadapa nga lang ako kasama pati mukha ko. Pero kasamaang palad, sa gilid ng labi ko pa tumama!”.
“Nadapa? Pero may mga kalmot ka! Nakipag-away ka ba sa pusa? Again! Who that bitches do that?. If you won’t tell, I will search for THEM and I will kill THEM!”. Turan ko sa kanya. Alam ko na kasi kung sino yung mga yun. Tinatanong ko lang talaga tong babae na ‘to. Masyadong mabait. Pinagtatakpan pa nya.
“Yung mga babae sa section A!”. Mabilis na sagot nito. Kinabahan ata. Sino ba naman ang hindi kakabahan kung bigla ka na lang sisigawan?
Agad ko syang hinatak ng marahan sa kamay at lumabas na kami sa library at tinungo na ang parking lot.
~~Mansion~~
Agad kaming nakarating. Hinatak ko sya papunta sa kwarto ko. Oo, kwarto ko lang! Hindi kami magkatabi ng babaeng ‘to. Pero swerte sya dahil sya pa lang ang unang nakapasok dito. Kahit si Ellise, hindi pa nakakapunta dito.
Tinungo ko agad ang lagayan ng mga first aid ko. Pagkatapos kong makuha yun ay agad akong pumunta sa gawi nya at hinatak sya papaupo sa sofa. Ang tibay! Hindi talaga sya umupo. Ibig bang sabihin nito, ‘pag inutusan ko sya na tumalon pababa sa building, gagawin nya?. Syempre, joke lang!
Nanatili syang tahimik habang ako naglalagay ng betadine sa bulak. Binasag ko ang katahimikang nababalot sa pagitan namin.
“Bakit hindi ka man lang lumaban? Pa-api masyado”. Panimula ko at dinikit ang bulak sa gilid ng labi nya. Parang pumutok labi nya. May dugo pa nga eh.
“A-aray!”. Agad syang napahawak sa kamay ko na may hawak na bulak. Madiin ata...


ang ginawa ko.
“May galit ka ba?”. Tanong nito sakin.
“Meron! Kat*ng*han mo na naman. Dinala mo pa talaga sa eskwelahan, hindi mo man lang iniwan dito”. Saka nilagay muli ang bulak. Napadiin kong muli kaya nahawakan nya ulit ang kamay ko. Nahigpitan pa nga nya ang hawak sakin. Kaya napasigaw ako.
“F*ck! Woman! It’s hurt!”. Turan ko dito. Babae ba talaga ‘to? Ang sakit ng kamay ko dun,ah!. Napamura tuloy ako. Shit! Ang ingay ko! Mamaya kung ano na naman ang iisipin ni Nanay Nena.
“S-sorry,Min! Sinadya ko talaga yun ay este hindi ko sinadya”. Baliw talaga ‘to.
Agad kong tinapos ang pag-gamot sa sugat nya. Baka kasi ano pang mangyari sa mga buto ko. Baka mabali eh!.
“Thank you,Min!”. Ngiti nitong tugon sakin.
“Hoy, may utang ka pa sakin,ah!”. Mukhang na-gets nya yung sinabi ko at tumakbo ng walang paalam. Kinabahan na naman sya.
Agad akong nagpalit ng damit. Saktong pagkatapos nun ay may kumatok. Binuksan ko naman ito. Si Nanay Nena lang pala.
“Bumaba ka na,hijo! Kumain ka na para makatulog ka na agad.
Mabilis akong bumaba at naabutan ang babaeng yun na nakaupo na at kumakain na. Umupo ako sa harap nya at sinimulan na ring kumain.
“Hoy,sign of the cross ka naman! Hindi yung kain agad”. Hampas pa nito sa kamay ko. Inirapan ko lang sya at ginawa ko naman ang sinabi nya.
Pinagpatuloy ko lang ang pagkain. Pagkatapos kong gawin yun ay agad akong umakyat.
Nakakapagod! Parang ang daming nangyari, simula nang nakasama ko yung babae na yun. Agad akong pumasok sa cr at nag half bath. Pagkatapos nun ay nagsuot na ko ng pantulog and then nag beauty rest. Hala! Tanga lang! Ano na naman bang kalokohan ‘to. Hinahanap ko kasi cp ko ngayon. Ngayon ko lang naalala na nasa kwarto pala yun ng babaeng yun. Kasi hindi ko yun nadala. Nakalimutan ko yun sa kwarto nya. Kaya hindi ko sya na- contact kaya lalo kami natagalan sa pa-uwi.
Bumangon ulit ako sa pagkakahiga at tinungo ang kwarto nung babae na yun. Kumatok ako pero walang sumasagot. Ilang beses ko pang ginawa pero wala talaga. Tinulak ko yun.
“Shit! F*ck that door!”. Mura ko sa pinto ng babaeng ‘to. Nakabukas lang pala yung pinto.
Nagulat kasi ako eh. Kaya ayun sumubsob ako sa sahig. Malay ko ba na nakabukas pala ‘to. Kahit kailan talaga! Mukhang naa-adopt ko na yung katangahan ng babaeng tulog na tulog sa kama. Tulog mantika!
Agad akong tumayo at kinuha ko sa study table nya ang phone ko. Dmn! Ang sakit talaga! Pagigiba ko ‘tong pinto na ‘to eh.
Umupo muna ako sa gilid ng kama ng babaeng ‘to. Pahinga muna ako sa katangahang nagawa ko.
Agad napadako ang mata ko sa hawak nyang litrato. Marahan ko yung kinuha mula sa kamay nya at tiningnan mabuti.
Mukhang litrato ito ng pamilya nya nung maliit pa sya. Ang dungis naman na bata ito. May sipon pa! Yuck! May nakita pa ako na isang picture habang yakap-yakap sya ng magulang nya. Mukhang kapus palad sila pero masaya silang pamilya. Sana ganun din yung sakin.
Pagkatapos kong titigan yun ay agad ko itong nilagay sa study table. Bago ako umalis ay tinitigan ko muna sya. Maganda sya, mabait, angelic face saka sabi ni Nay Nena…. na madali lang mahalin ang katulad nya. Palangiti daw, totoo naman na palangiti sya. Sabi pa ni Nay Nena, mababakas mo sa mukha nya na mukhang walang problema pero deep inside,tinatago nya. Sya daw yung tipo ng tao na hindi pinapakita sa iba yung kahinaan. Once na sya na lang ang mag isa, binubuhos nya ang lahat ng lungkot. In short, lumalaban syang mag-isa. Matatag na tao,malakas ang loob na mag advice sa ibang tao pero hindi nya mai-apply sa buhay nya.
Pero hindi ibig sabihin nun ay mamahalin ko agad sya. Hindi kasi ganun kadali ibalik ang tiwala. Eh, paano kung pakitang tao ‘tong babae na’to. Pero sa tingin ko naman ay hindi sya ganun.
“Maganda ka pala!”. Sambit ko sa kanya kahit alam kong hindi nya naririnig yun. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok nya na nakaharang sa mukha nya. Gusto nyo ba malaman kung ano itsura nya? Geh! Describe ko na lang. Maputi, may mahahabang pilik mata, matangos ang ilong…. iba din! Meron syang makapal na kilay. Hindi nya na kailangan pang kortehan ang kilay nya dahil ayos na ‘to. Actually,ang kulay ng mata nya ay brown. Hindi ko nga alam kung mahirap ba talaga ‘to.
Syempre ‘di pahuhuli yung labi nyang manipis na may pagka-pinkish yun. Hindi sya ganun katangkaran, hanggang balikat ko lang sya. Parang anak mayaman sya.
Hindi ko maiwasan na mainis o magalit sa kanya dahil nakikita ko ang katangian ni Ellise sa kanya. Parehas sila ng ugali pero may mga bagay sila na pinagkaiba pa rin. Katulad sa pananamit, si Ellise elegante at tunay na bagay sa kanya ang mga damit na sinusuot nya habang ang babaeng ‘to naman ay simple kung manamit at walang kaarte-arte kahit siguro sira sira na yun ay gagamitin pa nya. Sa pananalita, si Ellise yung tipo ng tao na hindi nya sinasabi sa tao yung totoo. Katulad ng kapintasan kasi ayaw nyang mapahiya yung tao pero ang mali nya, kinukwento nya sa iba para daw may magsabing iba. Imbes na maging prangka sya sa isang tao…. hindi nya ginagawa. Kala siguro nya tama pa yung ginagawa nya. Habang ang babaeng ‘to. Hindi sya prangka. Pero alam ko na paiikutin ka nya gamit ang mga salitang binibitawan nya. Minsan mapapaisip ka kung ano ba talaga ang gusto nyang ipahawatig! Ang totoo nyan, nandun na yun sa sinabi nya pero hindi mo ma-gets kasi feeling clueless ka pa rin.
Yun lang naman ang alam ko sa pinagkaiba nila. Pero hindi ko pa talaga sya lubos na kilala. Agad akong tumayo at lumabas na kasabay ng pagsara ng pinto. Bahagya ko pa itong sinipa. Kala mo talaga, masasaktan yung pinto,e! Mapagpatol talaga ako.
Alam nyo ba kung bakit babae lang ang tawag ko sa kanya? Syempre hindi. Hindi ko pa naman sinasabi eh! Gan’to kasi yun, tinatamad kasi akong banggitin ang pangalan nya. Yun lang! Kala mo talaga importante,eh!
Agad ko namang narating ang kwarto ko kaya pagkapasok na pagkapasok ko ay agad akong humiga saka ipinikit ang mga mata.
A/N:Kindly visit my timeline in my account meron dun na completed story enjoy your readingā¤






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top