HABANG BUHAY KITANG MAMAHALIN, MAHAL KO


Written by:Miss Sy,
Pa approved kyutt nah adminn,,
WARNING: GRAMMATICAL ERRORS AHEAD!
“Love, kapag nawala na ako wag kang iiyak ah? Ayaw kong nakikita kang umiiyak sa harap ng puntod ko.” Pout na sabi ng girlfriend kong si Alyza.
Ganito nalang siya palagi, palagi niyang sinasabi na kapag nawala na siya mag-iingat daw ako at hindi magpapalipas ng gutom. Masakit para sa akin na nakikita siyang nahihirapan.
She have an breast cancer stage 4. Sobrang putla na niya at nanghihina, hindi na siya ang dating Alyza na nakikila ko.
“Wag mo ngang sabihin ‘yan, love. Hindi ka mamamatay okay? Still positive lang.” Pinapalakas ko ang loob niya para lumaban.
She’s my first love, and also my last. Siya yung babaeng hindi ko hiniling pero dumating, I’m glad that she came in my life.
Bumili ako ng batchoy sa labas, tamang-tama mainit pa ang sabaw. This is good for her.
“Love, look. Bumili ako ng pagkain para sayo. Kain kana.” Nilagay ko ito sa bowl at nag prepare para sa kanya.
Napansin kong nakatingin lang siya sa akin habang nakangiti. “What?”
Hinawakan niya ang kamay ko. “Love, thank you. Salamat dahil dumating ka sa buhay ko. Hindi ko inaasahang makikilala kita sa simbahan kung saan doon tayo nagkakilala.” Mapait itong ngumiti. Dinugtungan ko ang kamay niya.
“I’m glad too my love. I love you.” Paos kong sagot. “I love you too..” Mahina pero sakto na para marinig ko.
——
Days passed mas lalong lumala ang sakit niya, halos lantang gulay na siya. Minsan, lumalabas ako ng kwarto niya dahil ko kayang nakikita siyang ganyan. Kung pwede lang, ako nalang ang nakahiga dyan sa kama hindi lang siya.
Sinulit namin ang mga araw na magkasama kami, namasyal kami sa plaza at bumili ng ice cream. Naka wheel chair ko siyang nilabas. Nagpicture, nagkasiyahan at nagtatawanan. This the best feeling and memory ever, wala ng maipapalit sa kahit anong bagay ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko.
Iniisip ko na baka balang araw bumitaw siya, iwan niya ako. Hindi ko kaya ‘yun, mamamatay ako kapag nawala siya sa buhay ko. She’s my life and breath.
“Love, i have a favor.” Ang hina na ng boses niya.
“Ano ‘yon love?” Malambing kong tanong.
“Kung hihiling ba ako, papayagan mo’ko?” Tanong niya....


Kumunot ang noo ko.
“What do you mean?” Huminga siya ng malalim. Parang kinakapos siya sa paghinga. Nataranta ako.
“Hindi ko na kaya. Pagod na ako.” Nanghihina niyang sabi. No!
“Sorry kung mahina ang girlfriend mo, Clark. Pero ayaw ko na talaga.” Panay iyak niya.
Hinalikan ko ang kamay niya. “Love, ayoko. Fight for me please, kahit sa akin lang.” Paki-usap ko.
“Let me go, love. Masasaktan ka lang. Marami pa namang babae dyan na handang mahalin ka habang buhay at hindi ako ‘yun. Sa kanya mo tuparin lahat ng mga pangarap natin, love her kagaya ng pagmamahal mo sa akin, respect and understand her kagaya ng pagrespeto at pag-iintindi mo sa akin. Pwede ba ‘yon?” Hiling niya.
Mas Lalo akong naiyak. “Ikaw lang ang babaeng gusto ko, Alyza. There’s nothing more.”
“You deserve to be happy, Clark. Makakalimutan mo rin ako, makakamove on karin. Siguro hindi talaga tayo ang para sa isa’t isa. Thank you to make me happy my love, your the man i will love forever.” Humihikbi siya.
“Kung pagod ka na talaga, sige pahinga kana. Papalayain na kita mahal ko. Always remember that I love you no matter what.” I kiss her forehead.
Ngumiti siya. “Thank you so much, love. Sa wakas makakapagpahinga na rin ako. Hinihintay ko lang na sabihin ‘yan sa akin ng lalaking mahal ko. I love you, Clark.” Sabay hawak sa pisnge ko. I love you too mahal ko.
“For the last time, goodbye.”
Kasabay ng pagbitiw ng kamay niya ay ang pag flat line ng monitor niya. Humagulhol ako ng malakas. Sobrang sakit, sobra!
Hindi na matutupad ang pangarap naming makapagpakasal at bumuo ng masayang pamilya. Paano ko matutupad ‘yun kung ngayong wala ka na, Alyza.
——
Nasa libingan na kami ngayon, kasama ko si mommy at si Tita. Sobrang sakit na mawalan ng babaeng minamahal. Para akong pinapatay.
She is sleeping peacefully, ang ganda niya pa din. Nanginginig akong lumapit sa kabaong niya na may hawak na bulaklak.
“Mahal ko, ito na. Ito na yung gusto mong mamahinga. Kahit masakit kailangang tanggapin. Mas mabuting ganito ang nangyari kesa makita kitang nahihirapan dahil sa sakit mo. You will be my last and forever, love. Hanggang sa muli, mahal na mahal kita.”
THE END.
WORK OF FICTION,,,






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top