POGING PASAHERO


POGING PASAHERO
-work of fiction
“Oy beh ala-” hindi ko na matapos ang ichichismiss ko sana sa kaibigan ko nang may bigla poging binata ang sumakay sa jeep.
Agad ko naman sininyasan ang best friend roon sa poging lalaki na nasa harapan namin ngayon.
“Oy kuya type ka raw nitong kaibigan ko, ano raw number mo.” Saad ng kaibigan ko na tumatawa at itinuro ako.
Ayy ang g*go nito parang t*nga pinahalata pa nakakahiya tuloy, pero okay lang ipapakita ko na ang malandi side of me WA HA HA HA baka siya na ang future ko.
“Hoy para kang t*nga oo nga kuya ano number mo, tsarot.” Pag pa cute ko pa sakanya, mabuti nalang at kami lang tatlo ang nakasay dito sa jeep.
“Ay ang landi bes ah, pero support ako GO POKP*K!” Kaya love na love ko ‘tong bestfriend ko eh napaka supportive.
Nakita naman namin yung poging lalaki na napangiti nalang sa kalandian ko.
Enebee step et ang cute nye peg ngumengete seye.
Ilang minuto ko rin siyang hinaharut at parang wala lang sakanya yun, ngumingisi lang siya samin. Nalungkot na lang ako kasi malapit na bababaan ko at hindi ko pa nakukuha number niya huhuhu bye pogi.
“Kuya para po! Bye na bes una na ‘ko, kita nalang tayo bukas.” Pagpaalam ko at bumaba na.
Nang maka baba na ‘ko nagulat ako kasi yung poging pasahero ay bumaba...


rin. OMG!! Don’t tell me rito rin siya nakatira banda samin?! We are meant to be siguro.
Nang papa-uwi na ako sa amin nag tataka pa rin ako kasi naka sunod pa rin siya sa ‘kin, sinusundan niya ba ako?
Nang papalapit na ako sa bahay namin mabilis ako tumakbo sa may gate namin kasi kinakabahan na ‘ko, kanina pa siya sunod nang sunod sa ‘kin baka rapist siya huhuhu joke lang naman yung kanina eh. Wala na akong pake kung pogi siya na mag r*pe sa ‘kin may pangarap pa ‘ko noh!
“Mama huhuhu, mama yung lalaking naka puti oh kanina pa naka sunod sa akin.” Pag sumbong ko sakanya kay mama kasi nasa harapan na siya ng gate namin.
“Sino ba ya- ay Jeffrey anjaan kana pala.” Lumapit si mama sakanya at agad na niyakap
Wait what?! Mag kakilala sila ni mama? Sino siya?!
“Hoy Erica! Halikana rito at batiin mo si kuya Jeffrey mo.”
K-kuya? Don’t tell me…
“Ma sino ba yan?”
“Ay oo nga pala, ‘to yung kuya mo na lumaki sa lola mo roon sa ilo-ilo yung kinukwento ko sayo, hindi mo pa nakakilala kuya mo kasi bata pa siya nung ipinakita ko sa ‘yo yung mga picture niya at wala rin silang cellphone roon sa lola mo kaya’t ‘di ko napakita mukha niya sayo. Batiin mo na kuya mo Erica.”
T*NGINAA?!
By : Janin Panganiban






Share On Whatsapp

"3" Comments
  1. nabitin ako don ah ahahhaha

  2. kakabitin naman best BWAHHH

  3. kaka bitin BWAHHH

Leave a Reply


top