Baka Sakali “1”


Baka Sakali “1”
Panimula
Naranasan mo na bang mainlove sa isang playboy? Yung minahal mo talaga at akala mo magseseryoso na siya sayo pero di naman pala. Isa ka lang pala dun sa maraming nainlove sa kanya at pinaglaruan niya?
Dumudungaw ako sa libro ko habang nagbabasa sa canteen ng school, binabalewala Ang mga taong tumitingin sakin at nag-uusap tungkol sa mga nangyari.
“Iniwan siya ni Calix, diba? Kawawa naman! Kita mo yung eyebags? Sa kakaiyak siguro yun.”
Napatingin ako sa mga babaeng narinig ko na agad namang tumingin sa malayo at nagkunwaring di nag-uusap tungkol sakin. Kakaiyak niyong mukha niyo!? HINDI AKO UMIYAK DAHIL SA LUNGKOT! Umiyak ako sa inis sa sarili ko!!!
Niyaya akong makipagsex ni Calix at tinanggihan ko siya kaya iniwan niya ako!!!...


Yun ang totoong nangyari!
I have no friends, literally. Lalo na nung dumiskarte na si Calix sakin dahil halos lahat ng babae sa school ay may gusto sa kanya! Syempre, sinong hindi magkakagusto? Gwapo, mayaman, basketball star player at charming pa! Kahit ako ay nadale talaga! Hindi ko naman alam na ganun yun! Manyak naman pala!
Mahal ko siya pero natakot ako sa alok niya. Sabi ko sa sarili ko, kung kaya niyang maghintay, ibig sabihin mahal niya talaga ako. Pero kita niyo anong nangyari? Nasanay pa naman ako sa paghahatid sundo niya gamit ang sasakyan niya sakin! Nasanay ako sa mga bouquet of roses na binibigay niya sakin halos araw-araw at sa pagpupunta namin ng mall para kumain sa mamahaling restaurant at mag shopping na sagot niya ang lahat!
Mas lalong lumakas ang bulung-bulungan sa paligid.
“Kita niyo, sabi na ehh, di nga sineryoso, nag fefeeling pa kasi ang Aranjuez na yan!”
“Ayan na si Calix!”
Napatingin ako sa paparating. Ang gwapo, matipuno, matangkad na Calix ko. Nakasoot ng basketball jersey at ball cap kasama ang mga kaibigang varsity din.
IPAGPAPATULOY!!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top