NAKITA KO ANG BRIEF NI CRUSH


NAKITA KO ANG BRIEF NI CRUSH”
written by—Solene Terpischore
—take time to read this.
Nagulat ako sa malamig na tubig na bumasa sa akin, jusko naman si mama ang aga-aga pa nanggigising na. Wala pa nga akong maayos na tulog dahil sa kakanood ng k-drama, binuhusan na ako ng tubig para magising.
“Anong oras na tanghali na! tulog ka parin jusmeyong bata ka, alam mo ba faith kanina pa kitang ginigising riyan!” sumimangot na lamang ako at nakinig sa rap ni mama, trabaho na niya ang mag-rap kada umaga.
Hindi ko na lamang siya pinansin at dire-diretsong pumasok sa cr at naligo, mabuti pang pumasok na nga ako nauumay na ako sa sermon ni mama, paulit-ulit.
_________________
Bigla akong na-alarma ng marinig ang malakas na tunog ng bell, hudyat na oras ng pumasok.
Nagulat naman ako ng makaramdam ng pag-kulo ng tiyan, kapag minamalas nga naman, ’di bale na malapit lang naman ang cr mula rito. Agad akong tumakbo at mabilis na itulak ang cr, nagulat naman ako ng makita ko si—.
“KIEL!?”
“FAITH?”
sabay naming wika na tila hindi makapaniwala na nagkita kami, jusko. Anong ginagawa ng crush ko sa cr ng mga babae, agad naman akong napatingin sa suot niya at nakitang butas pala ito.
“Anong nangyari Kiel?” tanong ko ngunit tuloy-tuloy ako sa pag-uusisa, agad ko namang hinawakan ang pantalon niya at nagulat ng bumagsak ito sa sahig sapagkat nabitawan niya ito, napatakip ako ng mukha ng makita ang design ng suot niyang brief, spiderman.
Hindi ko na napigilan at pinagtawanan ko siya, p*t*ng*na college na kami at lahat ganiyan parin ang suot niyang pang-ibaba.
“Bago mo ako pagtawanan alamin mo kasi muna ang nangyari sa akin.” wika niya at seryosong-seryoso pa.
“Huhulaan ko, dahil ’yan sa babae na naman ’diba?” wika ko at siya naman ay dahan-dahang tumango sa akin, sabi ko na pustahan hinabol na naman...


siya ng mga babae o ’di kaya’y bakla kaya ang suot niya ay gula-gulanit na naman.
“Kaya ba nandito ka sa cr na pambabae? btw ang ganda ng brief mo ah spiderman.” wika ko kasabay ng malakas na pagtawa, hudyat para mainis siya.
“Hindi ka ba titigil riyan, Faith?” hamon niya at akmang lalapit sa akin.
“Bakit sino ka ba? tandaan mo kapag may ginawa ka sa akin ngayon, ikakalat ko na ang ultimate crush ng halos buong department dito sa campus ay nagsusuot parin ng brief na spiderman ang tatak.” at muli ko siyang tinawanan dahil sa unti-unting pagkunot ng kaniyang noo, at pagkainis sa akin.
“Anong gusto mong gawin ko, faith?” tanong nito na parang nakikiusap, takot rin naman pala, papatol pa.
“Gusto kung maging girlfriend mo.” makapal na kung makapal, baka maagaw pa ng iba.
“G-Girlfriend ko? seryoso ka?” medyo nauutal niyang tanong sa akin.
“Seryoso ako, itsura ba akong nagbibiro?” wika ko at siya naman ay nangiti ng malaki sa akin.
“Bakit ka tumatawa riyan!” tanong ko sa kaniya na may pagtataka.
“You know what I am planning on courting you, since ikaw na mismo ang nag-apply na gusto mo akong maging boyfriend mo so hindi na pala.” wika niya at tila masayang-masaya pa, t*ng*n*.
Nagulat ako ng tumawag si mama agad ko naman itong sinagot at nagulat ako ng inagaw ni Kiel, “Ito po ba si Mrs. Cortez? ako po si Kiel anak ng may ari ng Lux Company gusto ko lang pong sabihin na girlfriend ko na ang anak niyo.” wika niya at sabay ibinalik sa akin ang cellphone ko.
“Ma? mamaaaaaa!” tawag ko ngunit patay na pala ang tawag, lagot paano ako magpapaliwanag.
Nang dahil sa brief na spiderman ngayon kami na ni crush, na ngayon ay boyfriend ko na enebe pereng tenge eh.
Kaya ito, okay lang ma-late basta si crush ang kapa-LATE.





1
Share On Whatsapp

Leave a Reply






top