BEING HE’S PERSONAL MAID CHAPTER FOUR


SUHO ✔️
“nakauwi na si Tita Maria? ” tanong ko kay mommy habang magkaharap kami sa mahabang mesa para maghapunan.
“Oo, O ‘ himala at Tita Maria na ang itinawag mo? Samantala kahapon lang ay Narinig kong Maria ang tawag mo sa kanya?” makahulugang tanong sa’kin ni mommy. “Dahil ba don sa magandang anak nya? Huh? ” nakangiting panunukso ni Mommy.
“Ano bang sinasabi nyo? ” ngumiwi ako kunwari para tumigil sya.
“Sus, papunta ka palang ay pabalik na’ko, anyway okay lang ba sa’yo na si Kezia ang makakasama mo sa Condo unit? ”
Pilit kong itinago ang Kilig sa sinabi ni mommy, ang makasama ang babaeng iyon ang pinaka matagal kong pinangarap “Ayus lang naman! Basta pagsabihan nyo sya na limitahan ang galaw.” sabi ko tsaka ako sumubo ng kanin.
“Bakit? Pino naman kung gumalaw ang batang iyon..ikaw! Ikaw ang iniisip ko baka mamaya kung ano ang gawin mo sa kanya! ” ani mommy.
“Ako? Mommy? Seriously? Pinag iisipan nyoko ng masama! v*rgin pa’ko mommy at wala pa’kong alam sa mga binibintang nyo! ”
“ano bang pinag sasa-sabi mong bata ka! Ang ibig kong sabihin ay baka i-bully mo sya at ipagkalat mo sa school na personal maid mo sya! ” noo’y bigla akong napakalma. “v*rgin-v*rgin pinag sasa-sabi mo.”natatawang ani mommy. ” kamusta pala yung Crush mo? Ano pinansin kana ba? ”
“Ewan ko po, pero iniiwasan nya yata ako. ” nagbuntong hininga ako.
“Bakit di nalang si Kezia ang i crush mo? Maganda na mabait pa. ” bigla akong napa ubo sa sinabi ni mommy
*cough! Cough! Kinabog ko ang dibdib ko ng ilang ulit para mawala ang kanina na bumara doon.
“oh, dahan-dahan kasi heto ang tubig. ” nilagok ko ang tubig na iniabot ni Mommy.
ZOE ✔️
“Maricon! “tawag ko sa pangalan nya nang natanaw ko sya sa hallway nagtatakbo ako para makahabol sa kanya, Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang kaugnayan...


nya kay Suho.” nalimutan kong ikwento sa’yo.. .nakausap ko nung party si Suho, ang bait nya pala talaga! ” pinakita ko kung gaano ako kasaya. ” feeling ko may Crush sya sa’kin!..ay hindi! Mukhang may gusto na sya sakin! ” kailangan kong mapaibig ang lalakeng iyon para maiahon ko ang sarili ko sa Hirap!
Nawala ang atensyon sakin ni Maricon tsaka sya napakurap-kurap”Zoe…Mauna na’ko ah.. “saad nya tsaka mabilis na naglakad palayo.
“Zoe.. “tawag pansin sa’kin ng senior na si Gino.
“Hello senior…”nakangiting bati ko.
“Tungkol sa sinabi mo sa’kin ?” siguro ay tungkol sa sinasabi ko na crush sya ni Maricon.
“Isa kang Campus Heartthrob para sa’kin kaya hindi nako nagtataka kung napaka raming nagkakagusto sa’yo sa gilid-gilid mo .”
“Teka…ibig mo bang sabihin ay may Gusto ka rin sa’kin? “hindi makapaniwalang aniya.
Nagbaba ako ng tingin “pero Alam mo naman siguro na magkaibigan na kami ni Maricon, kaya ayoko din na maging Tayo habang may Gusto sya sa’yo.”
“Pero.. Ikaw na ngayon ang gusto ko Zoe. Wala na’kong pakialam kay Maricon. ”
“Pasensya na senior Gino.” saad ko tsaka palihim na ngumisi. Naglakad ako papasok sa Room namin, matalas ko silang tinanaw ni Suho na nag uusap.
‘bw*sit talaga ang babaeng to! Kunwari ay ayaw nya kay Suho!
Ngumiti ako kunwari at naupo sa tabi ni maricon. “Pwede din ba’kong magpaturo? “nakangiting saad ko habang ang mata ko ay napako kay Suho, Napaka Gwapo nya talaga.
“Humanap ka ng ibang magtuturo sa’yo. “walang pakialam na saad ni Suho tsaka minwestra pa ang kamay nya wari’y tinataboy ako.
“Ano… dito ka na Zoe. “ani Maricon tsaka ito Tumayo para lumipat ng upuan.
“Ang Suplado mo.. ” paunang saad ko kay Suho pero inrapan nya lang ako.
“Stop chasing me! Hindi ko iyon gusto! Lalo ka na. ” direktang anito, pilit kong binaliwala ang mga sinabi nya. Hindi ako titigil hanggang sa magustuhan mo ako!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top