BEING HE’S PERSONAL MAID CHAPTER THREE


Pakiramdam ko ay kasalanan ko ang nangyari kay Suho at Dexter gayung hindi ko naman talaga alam ang pinag mulan ng pag aaway nila,
“Hoy babae! ” kusang lumingon ang ulo ko sa matigas na boses na iyon ni Jade. ” pwede ba? Tigilan mo ang paglandi kay Suho? Kung gusto mo si Dexter ay don mo na lamang isiksik ang sarili mo! ” galit na aniya tsaka dinuro nito ang noo ko. “Sa Susunod na malaman kong nagulo si Suho dahil sayo ay makakatikim ka sa’kin! ” anito tsaka mabilis na humakbang palayo.
Totoo ang sinabi ng itay, ang mga mahirap na gaya ko ay walang pag asang makihalobilo sa mga mayayaman.
“Okay ka lang? ” tanong ng isa kong kaklaseng babae. ” Ako si Laiza, hwag mo nalamang pansinin si Jade. ” mukhang nakita nya ang ginawa nito sa’kin. ” matagal na kasi syang may gusto kay Suho iyon nga lang ay hindi sya nito pinapansin simula palang ng Grade school sila, sa dami nga ng babae dito ikaw lang na bago ang kinakausap ng lalake na iyon. ” nakangiting aniya. “kung tungkol ay Dexter at Suho ang iniisip mo, wala kang kasalanan… Mortal na magkaaway talaga ang dalawang iyon, kung kailangan mo ng totoong kaibigan ay narito lang ako. ” saad pa ni Laiza tsaka tinapik ang likod ko. ” una na’ko, nandyan na ang sundo ko. ”
Dahil sa labis na pag iisip ay hindi ko namalayan na narito na pala’ko sa Gate, bagsak ang balikat kong naglakad para mag abang ng Sasakyan pauwi.
“Keziah! “tawag sa pangalan ko ng pamilyar na boses. “Maricon! ” ulit pa nito. “Hoy! ” lalo king binilisan ang paghakbang ko hanggang sa may humila sa kamay ko para pigilan ang paglakad ko. “Galit ka? Iniiwasan mo’ko? ” ani Suho.
“A-ano…”
“Ayan ka na naman sa Ano mo e! ” halata ang inis nya sa tono.
“Tigilan mo na kasi ako.. ” nakagat ko ang ibabang labi ko, magagalit ba sya sakin? Bu-bully-hin nya na ba’ko? “Ayoko nang gulo.. Please iwasan mo ko tulad noon. ” sa wakas ay nasambit ko tsaka ako nagpatuloy sa paglakad.
“F*ck! ” sigaw nito pero hindi ko na lamang sya pinansin hanggang sa makasakay ako pauwi.
“Anak, pumunta ka daw sa bahay ng mga Villegas dalhin mo iyong kakanin na ginawa ng Inay mo.” ani Itay nang abutan kong umiinom sya ng kape sa terrace namin na gawa sa Kawayan.
Nagpalit lamang ako ng Simpleng tshirt pang itaas na tinernuhan ng Pajama na may Disenyong mga Rabbit.
Sinunod ko ang instructions na ibinilin ni Itay tulad ng sinabi ni Inay sa kanya at narating ko nga ang Ba-Mansyon ng mga Villegas.
Pinagbuksan ako ng Gwardya papasok sa malawak na Gate ng Mansyon.
“Oh bakit ngayon ka lamang? “tanong ni Inay nang magkasalubong kami sa pinto papasok ” masama ang panahon, sana ay hindi kana tumuloy baka magkasakit kapa. ” ani Inay, bahagya kong hinawi ang ilang hibla ng buhok ko na nililipad ng malakas na hangin.
“Hindi ko po alam kung may bagyo inay hindi kasi ako nakapanuod ng TV. ” pangangatwiran ko.
“hala Sige, heto ang payong at dalhin mo don sa anak ni Mam Shiena. ” ani inay pag kaabot nya ng payong sakin, nilingon ko kung nasan ang sinasabi nya at naroon nga ang lalake, nasa tabi ng Swiming pool.
abala ang mata nya sa pagsilay sa kalangitan habang ang kamay nya ay may hawak na bote ng alak na paulit-ulit nyang tinutungga, nakapalibot sa kanya ang ilang bote na nakatumba habang ang karamihan ay nakatayo pa.
Inilipat nya sa kabilang braso ang hawak nyang beer tsaka itinuon ang kamay nya sa sahig sa bandang likuran matapos ay pumikit ito at sinalubong ang malalaking patak ng ulan.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa payong dahil sa kaunting kaba dulot ng lalakeng iyon, nabanggit sa’kin ni Ina’y na may pagkapilyo ito kaya’t kahit humakbang ay hindi ko manlang magawa.
Pero kalauna’y pilit akong napatakbo dahil sa malakas na pagbuhos ng Ulan, kung hindi ko sya isisilong ay baka magkasakit pa ang taong ito at ako ang masisi sa huli.
Dahil sa Masamang panahon ay mabilis na nagdilim ang paligid ngunit natigilan ako, SUHO…..,
Tama ang nasa isip ko, Si Suho ang anak ng Amo ni Inay? Kung gayon.. Kaya nya’ko kinakausap ay dahil naaawa sya sa’kin?
ang taglay nitong ka gwapuhan ay mas matagal kong napagmasdan sobrang tangos pala ng ilong nya na lalong nag pa kurba sa labi nito na halos mag mistulang letter...


‘M ‘
Nagtuloy ito sa pagtungga ng beer dahilan para malinaw kong matanaw ang pagkabasa ng labi nito na halos tumriple na ang kabog ng dibdib ko, pakiramdam ko ay higit syang gwapo kaysa sa mga napapanuod ko sa mga teleserye, magkaidad lamang kami pero ang itsura nya ay mistulang modelo sa ibang bansa, huminto ang pagkakatitig ko sa kanya nang mag angat sya ng paningin.
“it’s rude to stare without my Permission. ” aniya pa pero natigilan din sya at napataas ang kilay nang mapagtanto nya kung sino ako, mabilis syang tumayo hanggang sa pagtapat ang mata namin kahit matangkad sya ng higit higit kaysa sa’kin.”Keziah? ” tanong nya. “sh*t! Bat ka nandito! Mababasa ka! ” galit na aniya tsaka nya hinawakan ang payong dahilan para pati ang kamay ko ay masakop nya, iginiya nya ako papasok sa bahay nila.” look what you did!” galit na anito pa.
“Nako ser, nabasa na po kayo! ” anang isa pang kasambahay na medyo bata pa. ” tayo na po sa Kwarto nyo para makaligo na po kayo. ”
“Kesya, “tawag pansin sa’kin ni Inay. ” Tumungo ka doon sa opisina ni Madam, hinihintay ka nya. ”
Napalunok ako dahil sa sinabing iyon ni Inay.
” po? Bakit daw po kaya? ” kabadong tanong ko.
“Hey, where’s my kakanin? “Ayoko nang ilingon pang muli ang paningin ko sa boses na iyon kaya’t Kinuha ko ang kamay ni Inay tsaka ko ibinigay ang dala kong kakanin.
“Inay tutungo na po ako don. ” tarantang saad ko tsaka nakayukong naglakad palayo.
“Look how Attitude she is!.”rinig ko saad nito kay Inay, dahil sa ugali ko ay napagalitan pa yata ang Inay.
“Magandang hapon po. ” bati ko kay mam Shiena nang makapasok ako sa opisina.
“have you sit.” sa tono nito ay mukha namang hindi sya galit. “what happen between Suho and Dexter? “mahinahon ang boses na tanong nya. “tinanong ko sila pero parehong ayaw sumagot kaya ikaw ang kinausap ko. ”
Wala din naman po akong alam dun e, yun sana ang sasabihin ko pero baka mapasama pa. napayuko ako, “ipagpaumanhin nyo po ipinapangako ko po na hindi na po ito mauulit, pipilitin ko pong lumayo sa kanila. ” matapos kong sabihin iyon nakagat ko ang labi ko kasabay ng pang gigilid ng luha , baka bawiin ni mam Shiena na Scholarship ko dahil sa nangyari.
” that’s Imposible,We’re classmates right? ” sabay kaming napalingon,naroon si Suho, nakasandal ito sa pinto habang hawak ang kakanin na dala ko kanina ” i Told you mom, wala syang kasalanan…sinuntok ko si Dexter dahil ayoko sa kanya ! That’s it. ”
Nagbuntong hininga si mam Shiena. “Ang totoo ay iba ang pakay ko ija, hindi ko alam kung nabanggit na ba sa iyo ng Mama mo, nais ko sanang kuhanin ka bilang personal na Maid ng Anak ko. ”
Lumingon ako kay Suho, tila naka tawa ang mga mata nya kahit nakatikom naman ang bibig nya, gusto ko nang tumakbo pero baka mapagalitan pa si Inay kaya’t wala akong pamimilian kundi tumango. “Opo, tinatanggap ko po. ” sagot ko,
“Come. ” utos ni Suho na ngayon ay nakatawa na, naglakad ako kasunod nya hanggang sa magsabay ang hakbang namin. “Sa susunod ay ikaw ang nag abot sa’kin ng kakanin. ” aniya kaya’t nagkutkot ang mga kamay ko habang ang mata ko ay na nanatili sa Sahig.” Sucon! …”maya-maya’y aniya tsaka lumapit ang itimat malaking aso na may lahing Bulldog.
Umatras ako samantala patuloy sa paghakbang ang nilalang na ito at mukhang gusto nya talagang lapitan ako hanggang sa huling pag atras ko ay pader na ang nasandalan ko.
“Just Chill. “nakangising ani Suho, muli kong itinuon sa Aso ang paningin ko na ngayon ay nakaupo sa harap ko at tatagi-tagilid ang ulo animo’y kinaklaro kung sino ako.
Kinuha ni Suho ang kamay ko tsaka iyon ipinatong sa ulo ng Aso, bahagya ko pang iniangat ang kamay ko dahil baka ako sunggaban pero nagbabaa ng tainga ng Aso animo’y tuwang-tuwa sa ginagawa ko sa kanya.
“He like you pretty much. ” mula nang magtagpo ang landas namin ay ngayon ko lamang nakita kung paano ngumiti ang lalaking ito pati ang mata nya ay nakangiti rin. “He’s name is Sucon. “pakilala nya sa’kin
“Sucon.. “saad ko, kung gayo’y Aso pala ang tinutukoy nya kahapon! Akala ko ay kapatid nya.
“I gotta go. see you tommorow.”aniya pa bago tuluyang umalis. “Sucon! ” tawag nya pa sa alag na sumunod naman sa kanya.
SANA PO NAGUSTUHAN NYO PERO KUMALMA LANG PO KAYO 😂😂😂






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top