THE NERDY GIRL MEETS THE CAMPUS PRINCE CHAPTER 3


THE NERDY GIRL MEETS THE CAMPUS PRINCE❤️(Troy Baltazar and Kate Story)
❤️CHAPTER 3❤️
Pagkagaling sa University na pinapasukan dumiretso naman si Kate sa restaurant na kanyang pinagtatrabahuhan. Saglit lang din naman ang oras na gugulin niya sa pagseserve ng pagkain ng mga customer.
Dahil sa pagwawaitress ay nakakatulong siya sa kanyang nanay at tatay. Ngunit ang laging paalala ng mga ito ay wag niyang pababayaan ang kanyang pag-aaral.
“Kate, di ka ba napapagod?Nag-aaral ka tapos nagtatrabaho.”Tanong sa kanya ni Mia. Ito ang kanyang pinakaclose sa lahat ng kasama niya sa resto na tulad niya ay nagtatrabaho din doon.
“Hindi naman. Ang sarap nga sa pakiramdam na natutulungan ko si Nanay at Tatay.”Sagot niya dito pagkatapos ay binigyan ito ng matamis na ngiti.
“Sana lahat ng anak katulad mo. Paano mo yun napagsasabay?”
“Hindi ko nga rin alam eh. Nasanay na ko.”
Biglang dumami ang customer ng restaurant kaya naging abala na sila. Mamaya na ulit silage makakapagkuwentuhan.
“Kate sabi ni Boss ikaw daw ang magdala nito dun sa table 10.”
Wala naman siyang karapatang tumanggi. Kaya agad inabot sa kanya ang tray at siya nga ang nagdala sa nasabing table.
Ngunit di niya inaasahan kung sino ang makikita niya.
“Troy?” patanong niyang sabi.
Inilagay niya na sa mesa ang lahat ng order nito.Ang dami. Mauubos kaya nito ang mga yon?
” Ano bang ginagawa mo dito?”halos pabulong niya ng sabi.
Binigyan lang siya ni Troy ng nakakalokong tingin.
“Kakain. At kapatid ng kuya ko ang may ari nito diba? Para na rin makita.”
“Ano?” tanong niya para makasigurado sa huli nitong sinabi.Baka kasi namali lang siya ng rinig. Bakit naman nito gugustuhin na makita siya diba?Theres nothing special with her.
“Wala, alam mo mas maganda ka pala kapag wala yung makapal mong salamin.”
“Hindi ako maganda Troy. Ikaw lang nagsasabi niyan.Wag mo akong bolahin.”
Nagulat siya ng bigla na lamang itong tumawa.Ang lakas ng trip na pagtripan siya.
“Wait, saan ka pupunta?” Tanong ni Troy sa kanya nung aalis na sana siya doon. Kaya napatigil siya at muling ibinaling ang atensyon niya dito.
“Magtatrabaho ano pa ba?” pagtataray niya dito.
Sinenyas nito na umupo siya sa katapat nitong upuan.
“Andami nito di ko mauubos.” sabi nito sa kanya.
“Kasalanan ko? Ikaw umorder niyan eh.”
“Di naman kita sinisi ah.Ang cute mo pala kapag nagtataray.”
Tinalikuran niya ito aalis na at aalis na sana siya doon ng bigla itong tumayo at hinawakan ang kanyang kamay.
“Pinaalam na kita kay ate Fatima sabayan mo akong kumain.” Walang pag-aalinlangan nitong sabi.
Sasabihin niya na sa ang ayaw niya pero inalalayan na siya nitong umupo.
“Troy, busog ako.”
“Do you feel uncomfortable with me? Sabihin mo na lang yung totoo kaysa gumawa ka ng dahilan.” walang emosyon nitong sabi sa kanya.
Nakakatakot si Troy kapag ganun.Ganun ito umasta sa mga schoolmates nila.
Ang swerte niya nga at nakikita niya itong ngumingiti at kinakausap siya nito ng maayos.
“Hindi naman sa ganon pero -”
“Pero ano?Just be honest Kate. Lahat na lang ba tatanggihan mo?”
“Eh bakit...


ka nagagalit? Wala naman akong ginagawa sayo ah?! Ang gulo mo di kita maintindihan.” sabi niya pagkatapos ay tumayo na.
“Akala ko ba matalino ka? Then why can’t you understand? Since the first time that I saw di ko na alam kung anong nangyayari sakin. Lagi kitang gustong makita. If for you this is nothing then ibahin mo sakin.”Tumayo na rin ito at mukhang nawalan na rin ng gana kumain.
” Teka ano bang sinasabi mo? At bakit mo ko hinalikan sa pisngi kanina? “Saka niya lamang naitanong ang tungkol sa bagay na yon.
” Because I want. You must be thankful that I only kiss your cheek because I’ve always wanted to kiss your lips. ”
” Huh? ”
” Don’t play dumb Kate. See you tomorrow. Para sayo talaga yan lahat but you don’t want ibigay mo na lang sa mga batang kalye sa labas and don’t throw it. “Sabi ni Troy at tuluyan ng umalis.
Mabuti na lamang at magkakalayo ang mga table at medyo tago ang kay Troy kaya walang nakarinig sa usapan nila.
Nawala tuloy siya sa wisyo na magtrabaho at inisip ang mga pinagsasabi nito sa kanya.At wag daw siya maging manhid. Hindi naman siya manhid eh!
“Kate”
“Ate Fatima kayo po pala.”
Ayaw nito na sa tawag na boss kaya ate ang itinatawag niya. Napakabait nito sa kanya.
“Ahh pwede ba ko humingi sayo ng favor?”nakangiting ani nito sa kanya.
“Oo naman po kahit ano po.” masaya niyang sagot dito.
“Pwede ka bang maging tuitor ni Faith? Tuwing linggo lang naman. Wala ka naman pasok ng araw na yon diba? At isa pa close na close ka sa anak ko.”
Gusto gusto niya ang anak notong si Faith dahil napakabibo nitong bata at magkasundo sila.
“Sige po, gusto ko rin po siyang kasama at saka po yung bunso, ang cucute po nila.” hayag niya pa kaya napangiti naman ito sa kanyang sinabi.
“Great matutuwa si Troy nito”
“Ano po?”
“Ahh wala. Salamat Kate ha. Wag ka mag-alala dadagdagan ko ang sweldo mo.”
Pagkatapos non ay umuwi na siya dahil pinauwi na rin siya nito. Kahit kailan ang bait talaga ng pamilyang Baltazar. Mukhang si Troy lang ang naiiba.
Pagkauwi niya sa bahay. Boses na agad ng kanyang nanay at tatay ang kanyang narinig.
“Mahal alam mo sa tingin may gusto ang batang yon sa anak natin.”rinig niyang sabi ng kanyang ama.
“Sino si Sir Troy? Mukha nga bakit niya naman bibigyan ng mamahaling damit si ang Kate natin diba? Or pwede rin gustong makipagkaibigan.” sagot naman dito ng kanyang ina.
“Nay, Tay nakauwi na ko.”
“Naandito na pala ang maganda naming anak. Teka ano yang sala mo?” tukoy nito sa paper na dala niya na may lamang pagkain.
Tinakeout niya ang mga in order ng Troy na yon dahil sayang naman at baka kung ano pa ang masabi.
“Ahh ano Nay ano ulam dagdag natin sa hapunan diba?” masaya ng niyang ani kaya hindi na nagtanong pa ang mga ito.
Hanggang sa pagtulog ay ang mga sinabi pa rin ni Troy ang nasa isip niya. Gusto ba siya ng lalaking yon?






Share On Whatsapp

"3" Comments
  1. Chapter 4 pls..

  2. Chapter 4 po plsss

  3. chapter 4 po bitin po ako

Leave a Reply


top