She’s Into Him


She’s Into Him πŸ€
That gangster is my husband (book 2)
CHAPTER 1
HEATHER POV
Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko kaya bumangon na ako para pumasok sa school
Hayst another day nanaman nakakapagod, stress na ako
Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin at sinuri ang katawan ko
Hindi ko alam kong s*xy ako or payat dahil sa sobrang pagod
Kitang kita ko na rin kung paano lumalaki ang eyebags ko
Hindi ko nalang ito pinansin at pumasok sa bathroom

Pagkatapos kong bumihis ay bumaba na ako at Hindi na nag abalang kumain
“Elise anak hindi ka ba kakain?” Tanong ni Mommy
Sya si Kxliey Nicole Montenegro, isang model siguro naman kilala nyo na sya
Umiling lamang ako kay mommy
“Sa cafeteria nalang po mommy” saad ko at nagmadaling pumunta sa school
Pagkaabot ko dun ay pumasok na ako sa gate sakto ay 6:43 am palang dahil 8:00 AM mag start ang klase
Pero dahil kabilang ako sa SSG president dito ay hindi ko magawang iwasan ang mga trabaho ko
Pagkaabot ko sa offu nadatnan kong wala pang tao dito
“Hayst salamat at wala pa sila” mahina kong saad at inarrange yung gamit ko
Napatalon naman ako dahil may bigla nagsalita
“Bakit pres ayaw mo ba samin” saad ng tao sa likod ko
Nakita ko si James na nagkukunwaring umiiyak pfftt
James Maude 18 y/o- former SSG officer sa university, pinaka madaldal saming mga SSG team
“Ah hindi naman sa ganun, actually gusto ko kasi tapusin ang trabaho ko dito para narin pagkapasok nyo ay tapos na” sabi ko tumango lang sya at inilapag ang bag nya sa table nya
“James may schedule ba sa event ngayon?” Tanong ko habang pinirpirma ang mga cards ng students dito
“Saad ni Ms. Erica kailangan mo daw bisitahin ang art room mamaya para magamit sa bagong club
At may bago rin transferry for today, it umm……male” saad nya habang hawak nito ang checklist kung saan inilagay ang mga schedules namin
“Transferry? Anong name?” Tanong ko sa kanya
Sinuri naman nya ang kanyang mata pabalik sa checklist
“Lhester Del Valle, 19 y/o” sabi nya
“How about ang achievements nya or hobby?
May mga skills ba sya or iba pa?” Sunod sunod na tanong ko
“Ang nakalagay dito ay sya lamang pinaka unahang nakapasa sa higit 100/100 score sa university mastery test” sabi nya na ikinalaki ng mata ko
What paano nya nagawa yun?
Kahit ako nga hindi ko magawang maging perfect sa mastery test
“Let me see his face” saad ko at hinablot ang checklist nya ng walang pasabi sabi
Nakita ko sa picture ang lalaking naka salamin at may uniform na kusot?
“Well alam mo naman talaga na mapapasa nya ang test dahil kitang kita mo sa mukha nya na isa syang nerd at mahirap na lalaki” pang asar ni James, tiningnan ko lamang ito ng masama
I just really hate that kind of people who messes with others
“Wag ka namang ganyan James purket mahirap sya pag titripan mo na sya, nakakaaawa naman” sabi ko sa kanya
At tiningnan ulit ang picture
I don’t know why pero I feel like nagkita na kami somewhere, I mean I don’t know pero parang kasi syang familiar sakin
“Oh tama na yan, baka mamaya matunaw na yang checklist ko dahil sa titig mo” saad nya at kinuha yung hawak kong checklist
*Tokk tokk*
“James paki bukas naman ng pintuan saad ko habang nakatitig sa pinirmahan ko
Nagulat nalang ako dahil biglang lumapit si James sakin at bumulong
“Ang transferry andito na” bulong nya dahilan para mapalingon ako sa unahan
Nakita ko ang lalaki na naka white na polo, black pants at may salamin syang suot
Ngunit yung paa nya ay naka tsinelas lamang sya pero hindi ko naman sya masisi dahil mahirap syang tao kaya I understood him
“Hi! Transferry?” Tanong ko tumango naman ito
Actually mataas sya kesa sakin, malaman mo naman talaga dahil sa height nya
“Wala kasi si dean sa office kaya dito nalang ako pumunta” walang ganang saad niya
Nginitian ko ito at kumuha ng mga bagay na kailangan nya sa cabinet dito
“Here is your uniform, and I.D Mr. Del Valle, kasali na din dyan ang section mo sa folder
And I will also give you a school formal shoes para narin hindi ka mabully dito” nakangiting saad ko nakita ko naman kung paano sya nag roll eyes pagkatapos sa sinabi ko
Pero pilit parin akong ngumiti dito kahit na labag sa kalooban ko
“Sanay na ako” tipid nyang saad at kinuha ang binigay ko sa kanya at nagwalk out
Paglabas nya ay yun narin ang pagpasok nila Lauren
Si James naman ay dali daling lumapit sakin at nag chismis
“Kita mo ba yun, ang...


taray kala mo sya ang SSG president pero inferness ang gwapo nya at ang taas pa” mahina nyang saad sakin
“Halaaa si James bumabakla na” pang asar sa kanya ni Abby na kasama rin sa SSG officers
“Hindi ah, hinahangaan ko lang sya wag kang ep*l” mataray na sabi ni James sa kanya
“Bakla ka naman siguro psh” sabi ni Scarlett na kakaabot lamang
Hindi ko namalayang tapos na pala ang pinirmahan ko kaya inarrange ko na lahat ng cards na andito sa table ko
Pagkatapos ay lumabas ako para mag attendance ng lahat ng sched dito sa school na magaganap
Pero bago yun ay nagpaalam muna ako sa kaibigan ko na aalis ako
“Mauna muna ako marami pa akong kailangan gawin, mauna nalang kayo sa classroom before mag 8:00” paalam ko sa kanila at hindi na hinintay ang sasabihin nila
Lumibot ako sa school dala dala ang checklist ko kung saan nilalagay ang schedules for today
Marami ring tao ang nag hihiyawan dahil nga hinahanga nila ako, pero okay lang naman sakin yun…ang hindi ko lamang gusto ay tratohin nila ako ng Diyos
‘ang ganda talaga nya’
‘hi po miss president’
‘good morning pres’
‘agang blooming ah’
Mga komento nila sakin, nginitian ko lang ito dahil masama naman kung hindi ko lang sila pansinin diba?
Pumunta na ako sa baseball field para icheck ang mga gamit dun
Nadatnan ko naman silang nagpa practice at ng napansin nila ako ay tumigil muna sila at lumapit sakin
“Good morning pres!” Sabay bati nilang lahat
Nginitian ko lang ito at tiningnan ang lahat sa field
Naglagay ako ng mga check or x sa checklist ko para makumpirma kong ano ang mga kulang sa school
Pagkatapos ay pumunta naman ako sa library at tingnan ang books na kailangan namin ipalit sa mga bagong books
Habang naglalakad ako papunta dun ay nadaan ko ang art room
Matagal narin kasi since hindi ako pumunta dito dahil trauma na nangyari sakin
Nagdalawang isip ako kung buksan ito dahil hindi ito lock, pero kalaunan din ay binuksan ko
Pagpasok ko sa loob ay nakita ko ang mga paintings
Malawak parin ito, maraming cabinet at shelf
Hindi rin sya madilim dahil open mga malalaking bintana pero nagtataka ako bakit open yung lights
Wala naman ako naalala na may pumasok dito na students or teachers
Dahan dahan akong naglakad palibot dito sa art room kung sakali ay merong tao
Di kaya may multo dito?
Agad akong natakot dahil sa sinabi ng aking isip
Hinigpit ko ang pag hawak ko sa checklist ko at patuloy lang sa pag lakad
Hanggang sa may nakita akong anino sa gilid ng bintana
Dahan dahan ko itong nilingon kaya napabuntong hininga ako dahil nakita ko ang isang student na nag papaint rito
“Natakot ka siguro” saad niya habang nakatingin sa painting nya
Paano nya nalaman?
“P-paano mo?——–” hindi ko ito natuloy dahil sumabat sya
“Obvious naman” sabi niya hindi ko alam kong sino ang kinakausap ko at ba’t sya ganyan magsalita
Lumapit ako sa gawi nya para alamin kong sino ito
Ngunit wala akong nakita pang iba kundi yung nerd kanina sa office
“Ikaw pala yung nerd——- I mean yung student na transferry kanina sa office” bati ko sa kanya he just glared at me tapos inirapan ako
aba’t?!
“Bakit anong kailangan mo?, Heather Elise Montenegro?!” Nakataas kilay nitong saad
“Tinatanong lang kita” nakangiting saad ko at tumabi sa kanya para tingnan yung painting na ginawa nya
“Wow!” Paghanga ko rito sa painting nyang
Farm, at shooting stars, and moon
Ang ganda ng combination ng drawing nya, kaya siguro sya nakapasok dito sa university dahil sa matalino ito sa kahit anong bagay
“It’s not a big deal tsk” bulong nya pero narinig ko yun ayaw ko lang makipag bangayan sa kanya baka magagalit pa ito
Habang sinusuri ko yung painting na ginawa nya, hindi ko namalayang kinuha nya pala yung salamin nya para linisin ito
Paglingon ko ay nakita ko syang walang salamin dun ko nalang naalala na familiar talaga sya sakin
Hindi ko alam kung kanina ko pa sya tinitigan dahil tama nga si James, gwapo nga sya, makinis, at maputi
Yung mata nya ay may halong asol, at yung ilong nya ay matangos
Hindi ko namalayang malapit na pala magkadikit ang aming mga mukha
Hindi ko man lang namalayan na palapit sya
Ramdam ko yung mainit nyang hininga sa cheeks ko
Sh*t
Dali dali akong nag iwas ng tingin at lumayo kaagad sa kanya at pilit na ngumiti
“Pasensya ka na” paumanhin ko dito ngunit hindi nya ako pinansin
Tumayo lang sya at lumakad palayo
“Grabe ang sungit naman” bulong ko sa hangin eh totoo naman kasi eh ba’t ang sungit nya
Bumait na nga yung tao eh tsk
-CUT-
APPROVE PRETTY ADMIN πŸ’—






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top