__________________________________
𝗥𝗵𝗲𝗮’𝘀 𝗣𝗢𝗩
“Si Messy iyon ah,” ani Sir Alex nang makita namin ang babaeng paika-ikang naglalakad mula sa likod ng lalaki na kausap lang namin.
“Magsialisan na kayo!” pasigaw sa amin nung lalaki.
Akma sana niyang isasara ang pintuan subalit, agad ko itong itinutulak. Nagtulakan kami.
“Messy!” tawag ko pa sa aking kaibigan na sa pakiwari ko ay hindi na makapagsalita base sa mga natamo niyang sugat at pasa.
Nakitulak na din si Sir na tumawag pala ng pulis.
“Sir! Buksan mo ho ito kung hindi, makukulong ho kayo!” pasigaw na rin niyang sabi.
“Magsilayas kayo mga p*ta!” galit pang mura nung lalake.
Sa di malaman na dahilan ay mas nilakas pa niya ang pagtulak dahilan upang tumilapon ako. Mabuti nalang at naalalayan kaagad ako ni Sir kaya hindi ako natumba.
“Okay ka lang?” tanong niya kaagad.
“Opo Sir. Si Messy kailangan natin siyang mailigtas,” natataranta ko nang sabi.
Puno ng pasa ang katawan niya. Idagdag pa ang mga sugat na bagong-bago pa. Kaibigan ko kasi iyon, ang tigas ng ulo. Hindi na sana aabot sa ganito kung iniwan niya ang magaling niyang asawa.
Maraming mga kapitbahay ang nagsilapitan.
” Kawawa naman si ate Messy, kahapon pa iyan binubugbog nung asawa niya nang wala nang maibigay pang sugal,” sabi nang babaeng may kulot ang buhok at maiiksing kasoutan.
“Ahhh alam niyo palang may binubugbog sa tabi ng bahay niyo, pero di niyo man lang sinaklolohan. Ngayon maaawa kayo sa kaniya!” inis kong sabi sa kanila.
Kung kailan malapit nang mamatay ang tao saka naman sila magsisilapitan na sa sa tantiya ko ay chismiss lang ang ambag sa lipunan. Mga taong salot sa ating industriya.
” Ayaw naming mangialam nuh, baka pati kami mabugbog, ” pagalit na rin sagot nung babae.
Hindi na ako sumagot. Hindi ko kailangan, makipagbangayan sa taong walang alam kung hindi siya lang ang tama. Ang kikitid ng utak.
Nakita ko si Sir na tumatawag nang kung sino. Walang anu-ano’y nagsidatingan ang mga pulis. Sa unang tingin palang nang mga pulis sa mga taong nag-uumupukan sa bahay na iyon ay alam na nilang doon nagaganap ang kasalukuyang krimen.
May isang pulis na lumapit sa pintuan saka kumatok at ipinakilala ang sarili. Nang walang sumasagot ay pwersahan na nila itong binuksan. Agad naman. Nabuksan ang pintuan dahilan upang makapasok kaagad ang mga pulis.
Ngunit ang masakit ay ang pagbungad sa amin ng lalaking gapos gapos ang asawa na may mga pasa. May hawak pa itong patalim na naka tutok sa leeg ni Messy dahilan upang tumulo ang mga luha ko.
Ang mga bata ay nasa isang sulok na nangsisiiyakan na mahihinuhang takot na takot.
“Walang lalapit kung hindi, papatayin ko amg babaeng ito!” sigaw nito kaya napapaatras naman ang mga pulis.
Nakita kung lumuha na rin si Messy
Gustuhin ko mang lumapit kaso, naka harang ang ibang pulis. Nang maramdaman kong may nakayakap sa akin mula sa aking likuran. Naamoy ko ang pabangong minsan ko ng naamoy ilang araw na ang nakakalipas. Si Sir Alex.
“Tahan na, maililigtas din natin si Messy,” aniya sa nanggigigil na boses.
“Ano ang kailangan mo kaibigan? Asawa mo iyang hino hostage mo. Maawa ka sa iyong pamilya.” pakiusap ng pulis.
Ngunit parang asong ulol lang na tumawa ang asawa ni Messy na tila wala na sa katinuan. Namumula na rin ang mga mata nito dahilan upang pag-isipan na gumagamit ito ng ipinagnabawal na gamot.
” Yung mga anak ko,...