Beautify


Genre: Kahit anong kahihinatnan
Prologue
Si Ysabelle ay lumaki sa isang simpleng pamumuhay lamang. Namulat siya sa mga simpleng bagay at hindi sa karangyaan. Sinanay siya ng kanyang ina na huwag siyang maghahangad ng mga bagay na hindi nila lubos na kailangan bagamat sila hindi naman ganuon kahirap ang pamumuhay.
Sila na lamang ng kanyang ina ang magkasama sa buhay mula nung iwan sila ng kanyang ama para summa sa ibang babae noong siya ay pitong taong gulang pa lamang. Kinaya...


nilang mag ina ang mabuhay ng sila lamang dalawa. Nakapag pundar ang kanyang ina ng maliit na cosmetic business at yun ang ikinabubuhay nila. Sobra pa ang kita nila para sa pag aaral at gastusin nila sa bahay ngunit hindi dahilan yun upang magwaldas sila ng pera para sa mga bagay na di mahalaga.
Sa ngayon ay di parin niya matanggap ang ginawa ng kanyang ama sa kanila. Labis padin ang poot at pagkamuhi niya dito. Ngunit babaguhin siya ng tadhana sa malalaman niya tungol sa kanyang ama.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top