Beautify Chapter 3


Paglabas ni Belle ng kwarto ay nagulat siya at nandoon na si Kurt. ”
” Ano na naman kayang kailangan ng taong toh?” sa isip niya.
” Ma , speaking of scholarship …. ” nakangiti habang naglalakad papunta sa kusina at nakaangat ang kamay ng bahagya at nakaipit sa daliri ang calling card ” here it is ma.
“Hoy buknoy halika dito! ” tawag niya sa bisita. At limapit naman ito.
“Naalala mo ba ito? ” pinakita ang calling card.
” Uhm no. ” umiiling pa ito.
“Tsh ! Kahit kailan talaga ang hina ng memorya mo. ” sabay irap dito at bumaling sa cellphone. Mabuti na lamang at may load siya matatawagan niya ang numero.
“Ring”
“Ring”
“Ring”
Sa paapat na ring ay sumagot ang kabilang linya.
“Hello , good afternoon. This is Salvador’s residence how may I help you? ” Tanong ng nasa kabilang linya.
” Uhm hello good afternoon din po. Ahm ako po si Ysabelle Del Valle —” di pa niya natatapos ang sasabihin ng magsalita ulit ang nasa kabilang linya.
” Just wit for a second maam I’ll just call Mrs. Salvador . Don’t drop the call ok.. I’ll be back in a second.” Ttuloy tuloy na sabi ng babae. Nagtataka man siya dahil parang inaasahan na nila ang pagtawag niya. Ilang sandali pa ay may nagsalita na sa kabilang linya. Hindi na ito ang kausap niya kanina.
” Hello iha. I’m glad you called. I thought you’re not going to call me. So how are you?” tanong ng babae. Malamang ito na siguro si Mrs Salvador.
” Uhm sorry po sa istorbo. Itatanong ko po sana yung tungkol po sa scholarship na inoffer niyo po sa amin ng kaibigan ko nung graduation po namin. ”
” O yes iha. I won’t forget that actually I was waiting for you to call me. And I’m happy that you did. If you wanted to talk more about the scholarship would you mind if give the schedule for us to meet up.? By the way where do you live so we can meet near your neighborhood?” tuloy tuloy na sabi ni Mrs Salvador
” Ah yes po sige po. Ill send you nalang po kung saan po tayo pwede mag meet. Kung ok lang po sa inyo.? ”
“Ofcourse yes iha. Ok see you later then. Bye” at pinatay na nga ang tawag.
Tuwang tuwa si Mrs Salvador dahil siya na mosmo ang tinawagan ng dalaga. Matagal na niyang hinintay ang pagkakataon na ito upang makausap at makasama ang nag iisang pamangkin niya.
” Ms Julie ,” tawag niya sa secretary niya. Nada mid 30’s na ito. Lumapit siya sa amo.
“Wait for her message. I can’t wait to see and talk to her.” pero kailangan hindi muna niya malaman ang koneksyon niya sa dalaga. The thing must remain a secret or else mapapahamak silang mag ina and she wont let that happen.
” O ano buknoy sasama ka ba? ” tinignan niya ito.
“What? ,” Tila wala sa sariling tanong niya rito. Nabigla kasi siya nang tanungin soya nito . Pano ba naman nakatulala na pala siya habang nakatitig sa dalaga habang may kausap ito kani kanina lang.
“Ang sabi ko kung sasama...


ka mag apply ng scholarship?” ulit niya sa tanong nito ngunit di padin siya sumasagot at nakatitig lamang ito sa knya. ” Hoy! Ano ba ? Hello am I talking to someone here? ” palakpak nito sa mukha ni Kurt na ikinabalik niya sa reality.
” Uhm ah yes y-yes o-ofcourse” nauutal na sagot nito.
“Ok then ayos na tayo. Dun tayo sa restaurant na malapit sa mall. 9 am tomorrow. Is that clear?”
“Y-yes ma’am! Sabay saludo pa nito.
Ganun din ang sinabi niya kay Mrs Salvador at agad naman itong pumayag. Natutuwa siya dahil mababawasan ang gastusin nila kahit na sapat naman ang naipon nilang mag ina para pang college niya. Bonus nalang itong scholarship.
Kinabukasan ay maaga siyang nagisin at tutulungan pa niya ang ina mag ayos ng mga idedeliver bago siya nag ayos para sa meeting nila ngayong araw.
Isang oversized na t-shirt at ripped jeans lamang ang isinuot niya dahil dito siya mas komportable. 8:30 na kailangan niya magmadali at nakakahiya sa kausap pero wala pa si Kurt.
“Ano ba yan ! Male late na kami nasaan na ba ang buknoy na yun? ” sabay kamot sa ulo dahil sa pag kairita. Lalakad na sana siya para puntahan ito pero biglang may humintong motor sa tapat niya na naka helmet kaya nataranta siya. Kinuha niya ang pepper spray sa bag niya at sabay spray sa mukha ng rider nang tinanggal na niya ang helmet nito.
Tsssssssssst!
Tssssssssssst!
Tsssssssssssst!
Dalidali siyang tumakbo pabalik ng bahay ng maisprayan niya ang lalaki ngunit napatigil siya ng magsisigaw ito sa sakit at hawak ang dalawang mata.
“Pamilyar ang boses niya ” bulong niya at unti unting lumingon . Napatakip na lamang siya ng bibig sa pagka guilty dahil si Kurt pala ang sakay ng motorsiklo.
“O my God Kurt! Naku sorry sorrry sorry talaga. Diko sinasadya I mean diko alam na ikaw yan . Im sorry talaga.” sunod sunod n paumanhin niya sa binata habang pinupunasan ng wet tissue ang mata nito. Lagi siyang may dala nito in case of emergency charr.
“What the– mukha ba akong masamang tao sa itsura kong to?! Kahit kailan talaga oh . Maaga akong mamamatay sa ginagawa mo sakin.! angil nito
“Sorry na nga eh. Di ko naman alam…. ” nakayuko na ito at nakabusangot at nagbabadyang tumulo ng luha dahil sa guilt na nararamdaman.
“Yan jan ka magaling sa pagpapa cute mo ” bahagyang napakagat pa siya sa kanyang labi . Ang cute niya talaga” ok apology accepted ๐Ÿ˜” sabay ngisi.
“Hop in. Male late na tayo!
Habang binabaybay namin ang daan ay nahihiya pang humawak si Belle sa kasama at tila naramdaman iyon ito dahilan para bilisan ang takbo ng motor at sa takot ng dalaga ay napayakap ito sa kanya. Hanggang sa makarating sila ay ganoon parin ang kaniyang itsura. Pagbaba niya ay tila nanginginig pa ang tuhod niya na parang matutumba kayat bumaba kaagad si Kurt upang alalayan siya.
Yes takot siya sa mabilis na sasakyan at di niya alam kung bakit . Wala naman naikukwento ang ina niya na nangyari sa kanya ngunit ganon talaga ang pakiramdam niya. Narito na sila sa tapat ng restaurant.
Nakita agad ng donya ang dalaga kaya napangiti ito. Hihintayin na lamang niyang pimasok ang mga ito.
Enjoy reading โ˜บ๏ธ
_jerilou






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top