WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO Chapter 29


David’s POV:
“TUMAWAG pala si Katrina, bakit hindi mo sinabi sa akin?”, Ito agad ang tanong na lumabas sa bibig ko matapos akong tawagan ni Mom.
Yes, siya ang kausap ko kanina.
Siya rin ang nagsabi na bumalik na ang ex-girlfriend ko.
Ayokong magalit kay Kate. Pero mali ang ginawa niya. Naglihim pa rin siya at nilihim niya ang tungkol kay Katrina.
“Eh ano naman ngayon? Ex mo na siya diba? Kaya dapat lang na kinakalimutan mo na ang taong ‘yon.”, she replied.
Napakamot ako sa bandang-kilay at tumayo mula sa kama.
“Masyado kang immature, Kate. Kahit papano, naging parte ng buhay ko si Katrina.”, muli kong saad.
Hindi niya yata naiintindihan ang pinupunto ko.
“So kapag kay Katrina, okay lang? Pero sa ex-boyfriend ko, bawal? You’re so unfair, David!”, bulyaw nito at tinalikuran ako.
Hindi ko alam kung paano ko kaklaruhin ang lahat sa kanya.
Kaya sa halip na magpaliwanag, kinalikot ko ang cellphone at tiningnan ang mga contact numbers.
Nakita ko dito ang phone number ni Katrina, na kasama sa blacklist.
Hays. Panigurado, kagagawan ito ng babae.
Pero hindi na lang ako nagsalita at inalis ko ito sa blacklist dahilan para makatanggap ako ng maraming messages mula sa dalaga.
“David, kanina pa ako nandito sa airport.”,
“Sunduin mo ako David.”,
“Please, halos ilang oras na ako dito.”,
“David, alam kong galit ka. Pero sa ngayon, kailangan ko ang tulong mo. Ayokong sumakay ng taxi dahil hindi ako sanay.”,
“David? Answer my call, please.”,
Iilan lamang ‘yan sa mga text ni Katrina, kaya medyo nakaramdam ako ng konsensya.
For almost an hour, nando’n pa rin siya at hindi umaalis? Hinihintay niya talaga ako na dumating.
Mabilis kong sinuot ang jacket at kinuha ang susi ng kotse.
Dahil sa tunog na nagawa ko, napaharap si Kate na may katanungan sa mukha.
“S-saan ka pupunta?”, she asked me.
“Sa airport. Susunduin ko si Katrina.”, diretsang sagot ko.
“Ano?”,
“Hindi ka naman yata bingi para hindi marinig ang sinabi ko.”, turan ko na medyo seryoso ang datingan.
Ewan ko. Naguguluhan ako sa mga oras na ‘to.
But one thing I know, Katrina needs me.
“Susunduin ko muna siya.”, patuloy kong wika.
Akma na sana akong lalabas ng room, pero may pinahabol si Kate.
“Sabi mo, nandito tayo para mag-enjoy. Pero paano tayo mag-eenjoy kung uunahin mo siya?”, pagsasaad nito.
“Kate, mabilis lang ako. Hindi ako magtatagal.”, tugon ko para hindi siya magtampo.
Gumuhit ang peke niyang ngiti at...


marahan na tumango.
“O-okay. Hihintayin kita. Pero isang oras lang ang binibigay ko sayo.”, sambit ng babae.
Siya na mismo ang umalis sa harapan ko at tuluyang lumabas ng room.
Naiwan akong nakatunganga na tila nahihirapan akong magdesisyon.
Kung pipiliin ko si Kate, magiging kawawa si Katrina. Hindi naman kaya ng konsensya ko na hayaan ang dalaga do’n. Baka kung ano pang mangyari sa kanya, tapos ako pa ang sisihin ni Mom.
Hays! Bahala na!
Siguro naman, maiintindihan ako ni Kate dahil babae rin siya. Alam niyang delikado sa isang babae ang mag-isa.
So at the end, tinuloy ko ang pagsundo kay Katrina.
Sumakay ako ng kotse at drinive ito papuntang airport.
Nang makarating ako do’n, nasilayan ko agad ang dalaga na tila nangangalay ang tuhod sa kakatayo.
Ang ganda niya pa rin. Walang kupas ang kagandahan ni Katrina. Isabay mo pa na sobrang sexy niya sa suot nito.
Kung sabagay, nagmomodel nga pala siya.
“David! You’re here! OMG! Akala ko, hindi mo na ako susulputin. By the way, I miss you so much.”, malambing na sambit nito at napayakap ng mahigpit sa akin.
Tumugon na din ako sa yakap niya, dahil aminado akong namiss ko rin ang babae.
“I’m sorry, kung pinahintay kita.”, wika ko sa kanya.
“It’s okay. I know, it’s not your fault. But can I ask you? Sino ba ang may hawak ng phone mo kanina? May sumagot kasi nung tumawag ako. And I don’t like her. Masyado siyang ma-attitude.”, bigkas niya na may kainisan sa boses.
Nakausap niya pala si Kate.
Ano kayang pinag-usapan nila?
“David? Hey? Tinatanong kita. Girlfriend mo ba ang babaeng sumagot ng tawag ko? Kasi kung oo, magagalit ako.”, muli nitong sabi.
“Ahmm… S-she’s not my girlfriend. K-kaibigan ko lang siya.”, tugon ko bilang sagot.
I saw the happiness on her eyes na animo’y hindi siya nabigo sa narinig niya mula sa bibig ko.
“That’s good to hear. At least, ngayon pwede na nating ibalik ang dati diba? I mean, let’s continue our relationship.”, she said while smiling.
“Pagod ka lang Katrina. Kaya halika na, ihahatid na kita sa bahay niyo.”, tanging sambit ko at kinuha ang bagahe para ipasok ito sa likod ng kotse.
Pero sumunod ang dalaga sa akin at hinawakan ang pisngi ko. Then she kissed me.
Hindi ko alam, pero naalala ko ang dating kami. Ang dati na sobra ko siyang minahal. Na ginawa ko siyang mundo.
But shit, mali ‘to. Maling-mali.






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. yawa ka david…ang kati mo katrina i hate u girl

Leave a Reply


top