CRAZY EX-WIFE CHAPTER 2


CRAZY EX-WIFE ”
CHAPTER 2
– LORRAINE”
CHAPTER 2
” Pumunta ka ngayon sakin at Isa lang ibig sabihin nyan Lorraine , may pinagdadaanan ka”
Kung hindi ko Lang kailangan Ang doktor na to Hindi din ako mag aaksaya ng panahon na pumunta dito. Wala naman akong magagawa dahil maliban sa asawa ko , pinaparamdam din sakin ng babaeng to na mahalaga ako sa kanya Kaya Ganyan syA umasta sakin. Mahabang panahon nya Rin Akong tinulungan kaya Hindi ko maiwasang magka utang na loob sa kanya. Pinayuhan nya Rin ako noon na, wag muna akong mag asawa hanggat hindi pa ako handa pero nakaramdam ako ng takot na mawala Ang lalaking bumalik sakin sa tamang pag-iisip Kaya alam ko, Ang asawa ko Ang dahilan Kung bakit ako tuluyang gumaling. Walang alam si Mark na nabaliw ako nuon at hindi nya na dapat pang malaman pa dahil bukod sa ayaw Kong ikahiya nya ako ay ayaw ko ng maalala pa.
” May problema Kami ng asawa ko Lara ” simula ng pigilan nya akong maging masaya at sundin Ang nasa puso ko hindi ko na tinitingnan Kung ano Ang estado nya. Wala akong pakialam Kahit psychologist pa sya! Basta naiinis ako kapag Hindi ako inaayunan.
” Normal naman sa mag asawa Ang nag aaway alam mo naman yon diba? Bigyan nyo lang ng konting space Ang isat-isa kapag Hindi kayo nagkakaintindihan. Pareho kayong magpalamig tapos kapag pareho na kayong kalmado saka ulit Kayo mag usap”
” Palagi nya nalang akong iniiwasan. Yung mga tingin nya sakin ibang-iba na. Ramdam Kong nagbabago na talaga sya. Sinusubukan ko namang hayaan muna syA pero Lalo lang ata syang napapalayo sakin. Sa twing magkikita kami sa bahay parang taong yelo Ang nakikita at nakakasama ko. Hindi na ito Isang simpleng away lang Lara, iba na to ”
” Natatakot Kang mawala Sya sayo? ”
” Hindi ko naman akalain na, kahit di pa nasisilang Yung anak namen mamahalin nya na ng sobra-sobra. Pakiramdam ko nga, mas nasasaktan pa sya kesa sakin. Hindi ko naman sinasadya Yung nangyare! Sino ba namang Ina Ang gugustuhing mawala Ang anak nya? Paulit-ulit ko ngang inaalala Kung San ako nagkamali na kung pwede ko Lang ibalik Ang araw at oras na yon dinoble ko Ang pag iingat ko ”
” Lorraine Kalma lang! Nagpapanic ka nanaman. Wala Kang kasalanan alam mo yan! Kung ano man yang nararamdaman mo ngayon, galit o sama ng loob Sige iiyak mo Lang. Umiyak ka sa harap ko. Wala Ang asawa mo dito Kaya Hindi ka nya makikita. Hindi nya makikita Ang kahinaan mo. Isipin mo, kaibigan mo ako na handang makinig sayo ”
” Pano mo malalaman Kung ano Ang tunay na nararamdaman ko ngayon Kung hindi ka naman naging asawa at Ina ? Kung Ang pinanghahawakan mo Lang ay Ang pinag aralan mo? Pano mo tutulungan Ang taong Hindi mo naman pinagdaanan Ang pinagdadaanan nya sa buhay ”
” Hindi ko man alam Kung Gano kasakit yang dinadala mo pero Hindi bat nagawa narin kitang tulungan kahit Wala Rin akong alam sayo nuon? To tell you the truth, Kung titingnan Kita ngayon, mas mahirap Ang sitwasyon mo ngayon dahil pwede ka ulit bumalik sa nakaraan mo dahil masyado paring mababa Ang emosyon mo. Mabilis Kang panghinaan ng loob. Sinabi ko naman sayo noon pa, wag ka munang ——-”
” Nagmamahal hanggat hindi pako handa? Pasensya kana Kung matigas ang ulo ko tapos lalapit parin ako sayo . Nagkamali ata ako ng pinuntahan Lara Akala ko kasi matutulungan mo ako pero sisisihin mo Lang ulit ako . ”
“Lorraine! Lorraine bumalik ka rito! Kinakausap pa kita!”
– MARK-
” Bakit ko pinakasalan Ang babaeng walang puso at malasakit sa iba at puro sarili lang Ang iniisip? Tama si Ate dapat Hindi muna ako nagpadalos-dalos. Masyado Kong minahal Ang babaeng yon at parang Wala ng tinira pa sa sarili pero Ito Lang pala gagawin nya sakin. Ni Hindi ko manlang naramdaman na nasa tabi ko Lang sya sa oras ng kalungkutan ko. Sa saya ko Lang pala syA pwede makasama.”
” Oh brother!! Welcome home! Nasan Ang attitude wife mo? ”
” Wag na nating pag usapan si Lorraine . AYoko syang pag usapan ate! ”
” Ohhhh!! Parang may iba ngayon ah! Nag away Kayo no? Inaway ka nya? Sinasabi ko na...


nga ba , wala na talagang dinulot na maganda sa buhay mo Ang babaeng Yan! ”
” Mark bakit andito lahat ng gamit mo? Baka mamaya sumugod dito asawa mo”
” Ma, please, let me stay here. Gusto ko lumayo sa kanya ”
” Ma, hayaan nyo na dito si Mark. Mabuti nga at natauhan na to Kaya umuwi syA dito. Hindi ko talaga tanggap Ang babaeng Yan na maging sister in law ko no! Diba Ikaw Hindi Karin pinapansin non? Palibhasa kasi taas ng tingin sa sarili ! Gandang-ganda sa sarili Hindi naman marunong umingat ng anak! ”
” Enough ate! Iwan nyo muna ako! Gusto ko mapag Isa! ”
” Umuwi kana Mark! Ayusin nyo Ang problema nyo. Lalo Lang kayong mag aaway ng asawa mo! ”
” Mark! Mark! Lumabas ka dyan! Alam ko andyan ka! ” Nagsisigaw si Lorraine sa labas ng bahay
” Sabihin mo ate wala ako dito! ”
” Sure brother! Ako na Ang bahala! ”
-LORRAINE-
” Mark ano ba?! Gusto mo bang sirain ko pa tong gate para Lang lumabas ka dyan?! Alam Kong dyan ka! ” Nakakainit ng ulo Lalo na at puro kunsintidor Ang nasa loob ng pamamahay na Ito. Dagdag pa ang kapatid nyang papunta na sakin
” Babaeng mega phone anong sinisigaw-sigaw mo dyan?! ”
” Bakit Ikaw Ang lumabas? Narinig mo bang tumawag ako ng surot? Si Mark Ang kelangan ko Hindi Ikaw Kaya wag Kang magpa cute dyan! “..
” Bastos ka talaga! Kaya pala bumalik na samin si Mark dahil nakita nya na Ang tunay na kulay mo! ”
” Hindi ko kelangan ng opinyon mo! Tumabi ka sa dinadaanan ko! ”
” Hindi ka makakapasok! ”
” Don’t you dare na humarang pa ulit dahil Hindi talaga Kita gagalangin! ”
Pumasok na ako sa loob pero hindi ko Makita Ang asawa ko. Tinataguan nya talaga ako.
” Anong problema mo? ” Nakasalubong ko Ang mama ni Mark. Hindi ko rin syA close dahil alam Kong may galit din Ito sakin at hindi nya ako gusto para sa anak nya. Tahimik nga lang sya pero baka nasa loob Rin Ang kulo. Isa pa, wala naman talaga akong balak makipag plastikan sa kanilang lahat. Pero, kahit papano, nirerespeto ko parin dahil alam Kong Mahal sya ni Mark ”
” Nandito ho ba Ang asawa ko ?”
Sa wakas ay lumabas narin si Mark. Hindi namin pa kailangang magbangayan ng nanay nya para Lang Makita syA..
” Bakit kapa pumunta dito? ” Malamig nyang tanong sakin
” Sinusundo na Kita hon. Pasensya kana talaga. Hindi naman ako galit sayo e. Halika na?”
” Hindi ako sasama sayo! ”
” HAHAHAHA See Lorraine?! Alam mo Kung bakit? Sinusuka ka na kasi ng kapatid ko Wala ka raw kasing silbi!”
Parang wala Lang narinig si Mark. Dati palagi nya akong pinagtatanggol Lalo na sa kapatid nyang Ito pero ngayon hinayaan nya lang na insultuhin ako.
” Hon… Sa bahay na tayo mag-usap. Hindi Tayo magkakaintindihan Kung may makikialam kahit Hindi naman kasali . Nakalimutan ata na away mag asawa lang Ito at bawal makisawsaw Ang iba.”
” Mark! Ngayon mo ulit subukan ipagtanggol Ang babaeng to sa harap namin ni mama matapos mo ulit marinig Ang mga masakit na sinabi nya. Bawal ba kaming makialam ? Pamilya mo kami at kami lang Ang maaasahan mo Gaya nalang ngayon!
” Mark… Honey, let’s go home.. wag mo Silang pakinggan ako Yong asawa mo. ”
” Mark Kung sasama ka ulit sa babaeng Yan, Hindi kana makaka ahon. Tama Lang na hiwalayan mo na to! ”
Kinakabahan akong tumingin Kay Mark dahil baka madala syA sa sinasabi ng kapatid nya ..
” Lalabas nako honey.. sumunod ka nalang ” tumalikod nako at aalis na nang magsalita syA
.
” Hindi ako sasama sayo ..Maghiwalay na tayo Lorraine ..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top