Aking Prinsesa Chapter 28


Aking Prinsesa❣️
.
Chapter 28
.
Hindi nagtagal ay araw na ng kasal ni Ferdie at Medina, isang simpleng kasal, tanging malalapit na mga kamag anak lang nila ang dumalo sa kanilang pag iisang dibdib, at tanging sa bahay lang nila gaganapin ang kasal garden wedding ang kasal pero Huwes lang ang magkakasal.
.
Yna : wow naman, ang ganda naman ng yaya ko, ay hindi pala yaya, dapat mama na, kasi magiging mama na po kita.
Meding : Yna anak, hindi ko alam kung tama ba na mama ang itawag mo sakin, syempre ang mama ay para kay Rosita, pwede naman nanay na lang anak, kasi anak alam mo parang nahihiya ako sa kaibigan kong si Rosita baka sabihin niya inaagaw ko kayo sa kanya.
Yna : hindi po ganun, alam po ni mama sa puso namin ni papa ay mahal n mahal po namin siya, at kahit kailan po ay hindi namin siya nakakalimutan, pero po kayo ngayon ang nandito na kasama namin ni papa, at mahal ka po namin, kaya po pumayag po kayo na tawagin ko kayong mama, dahil iyon po ang gusto kong itawag sa inyo.
Meding : salamat anak.
.
Nagyakapan ang mag ina, hindi man nanggaling si Yna sa sinapupunan ni Meding ay tunay na anak ang turing ni Meding kay Yna at mahal na mahal niya ito.
.
Yna : tara na po sa baba naghihintay na po silang lahat dun.
Medina : sige anak.
.
At hanggang sa nasa garden na sila, at nooy nagtama ang mga mata nila Meding at Ferdie, Natigilan si Ferdie dahil muntik na niyang hindi makilala si Meding, Sobrang ganda ni Meding sa suot nitong dress na white, at tumingkad ang ganda ni Medina nang maayusan ito, hindi lang halata ang ganda ni Meding dahil wala naman kasing arte ito sa katawan, dahil napaka simpleng babae lang nito, at ngayon nga ay lutang na lutang ang kagandahan ni Medina, sa itsura ni Medina ay hindi aakalain na nasa 52 na ang edad nito, parang nasa 40 lang ito, at syempre si Ferdie ay gwapo din sa suot niyang formal attire, at nang makita din ni Meding si Ferdie ay pakiramdam nito ay parang isa siyang teen ager na kinikilig nang makita ang Crush.
.
Nico : papa ang ganda po ng bride ninyo!
Ferdie : oo nga anak!!
.
At hanggang sa sinimulan na ang seremonya, at makalipas ang mga ilang sandali ay natapos na ang pagkasal sa kanila ng huwes, binati sila ng knilang mga kamag anak, si Yna ay sobrang ligaya sa mga araw na yun sa wakas ay magkakaroon na din ng katuwang at kasama sa buhay ang papa niya.
.
Ferdie : pasensya na kayo mga anak, inunahan namin kayong maikasal., hindi na kasi kami bumabata kundi tumatanda na kami ni meding kailangan naming hamabol.
.
Sa sinabi ni Ferdie ay siniko siya sa tagiliran ni Meding.
.
Ferdie ; aray!!
Meding : ikaw naman kasi kung ano ano pa yong sinasabo mong humabol(bulong niya)
.
Natatawa na lang sina Yna at Nico, masaya nilang naidaos ang kasal.
.
Conrad : Binabati ko kayong dalawa, sana ay makabuo pa kayo ng maraming Yna!
.
Mas malakas ang tawanan nila sa sinabi ng lolo ni Nico.
.
Ferdie : opo asahan nio po yan!(pagbibiro din niya)
Bernard : Kuya, kayang kaya mo pa, bata ka pa eh.
Belinda : oo nga kuya. Magkaka-buo pa kyo ng anak ni Ate Medina, sa ganda ni Ate Medina, tyak ko yun.
Meding : ay naku wala na, mintis na yata ako.pinaglipasan na ng panahon.
Belinda : hindi naman ate, mukha ka namang bata..
Meding : kung ganon pala, pwede ka padin magka anak, dahil mas bata ka sakin.
.
Lumungkot ang mukha ni Bel, at napansin iyon ni Meding.
.
Meding : naku pasensiya ka na Bel, pero may awa ang Diyos malay natin, makahabol pa kayo, pero ako malabo na sa edad ko ba namang 52, di na ako aasa.
Ferdie : ayos lang yun, kapag nagka apo na tayo, para na din tayong nagka anak, dahil tayo ang mag aalaga sa mga apo natin.
Bel : tama kuya, ako naman may Gino na ako, at napaka bait na bata, mahal na mahal namin ni Robert.
Medina : oo nga, napaka buting bata.
Ferdie : at madaming paiiyaking babae itong si Gino kasi guwapo.
Gino : ay hindi po tito, kapag naging binata na po ako, gagayahin ko po si kuya kulas, kasi po idol ko si kuya kulas na mahal na mahal niya po si Ate Yna.
Nico : talaga Gino?
Gino : opo.
Conrad : siya nga pala iniimbitahan ko din kayong lahat!(putol niya sa usapan nila)
.
Naghihintay si Nico sa sasabihin ng lolo niya kung saan nag iimbita ang lolo niya, parang wala naman siyang alam na okasyon.
.
Conrad : gusto ko kasing maranasan na maghatid sa altar.
.
Nagulat si Nico at ganun din ang mga magulang niya.
.
Nico : lolo ikakasal din po kayo?
Conrad : hindi ako, gusto kong maranasang maghatid ng anak sa may altar.
.
At nooy natigilan ang mga magulang ni Nico.
Conching&Leo : papa!!(sabayan nilang sambit)
Conrad : kaya inaasahan ko kayo na dumalo sa kasal ng anak kong si Conchita at Leo.
.
Wala ng dahilan para malungkot ang lahat, lalo na ang dalawang tao na nagmamahalan na pinagbikis ng mga araw na iyon. Natapos ang pagdaraos ng kasal nila Meding at Ferdie na matiwasay at maligayang maliga ang dalawang nagmamahalan sa wakas ay humantong na sa pag iisang dibdib.
nagsi uwian na ang mga bisita, ang naiwan na lang ay si Nico.
.
Yna : grabe ang saya ko!
Nico : masaya din ako mahal ko, kahit na mauunhan tayo ng ating mga magulang na makasal ay masayang masaya ako.
Yna : Kasi naman, bakit ba naman kasi pabobonggahin pa natin yong kasal natin, tingnan mo nga si papa at si mama nakasal na agad!
Nico : huwag kang mag alala mahal, dadating din yung araw natin, dahil alam ko naman na sabik na sabik ka na sakin!
Yna : ay grabe siya!
Nico : huwag kang mag alala mahal, konting panahon na lang ay matitikman mo na ulit ako!
Yna : ay grabe talaga siya!
.
Natatawa na lang si Nico sa kasintahan alam naman niya na kilig na kilig ang kanyang prinsesa sa mga sinasabi niya..at makalipas pa ang mga oras ay nagpaalam na din si Nico, at dahil gabi na nun...


ay nagtungo na agad si Yna sa kanyang kwarto upang magpahinga. At samantala naman–
.
Ferdie : pambihira naman yong asawa ko, nasan na ba, kanina pa ako naghihintay dito!
.
Nasa kwarto na si Ferdie at handa na din siyang mahiga upang magpahinga, halos mag iisang oras na siyang nakaligo ay hindi pa din umaakyat si Meding sa masters bedroom. Samantala naman si Medina ay kanina pa siya paikot ikot sa kanyang kwarto, sobra ang kaba niyang nadarama, sabi niya na bakit daw ba natapos ang araw na iyon, ang totoo hindi niya alam ang gagawin, tumanda siya sa edad na 50 ay wala siyang karanasan. Tuloy halo halo ang nararamdaman niyang emosyon, at hanggang sa marinig niya sa labas si Ferdie, mabilis siyang sumampa sa kama niya at nagtalukbong ng kumot at nagkunwaring tulog.
.
Ferdie : Meding?
.
Ngunit di kumikibo si Meding, nananatiling nakahiga sa kama at nagkukunwaring tulog, pinihit ni Ferdie ang pinto at bukas ito, diretsong pumaso si Ferdie, nakita niya na nasa kama si Meding at nakabalot ng kumot, nilapitan niya ito.
.
Ferdie : Uy meding asawa ko, kanina pa ako naghihintay sayo.
.
Ngunit di umiimik si Meding, sobrang bilis ng tibok ng puso ni Meding sa mga sandaling iyon, hanggang sa tinanggal ni Ferdie ang kumot, natatawa si Ferdie sa asawa alam niyang gising ito at nagtutulog tulagan lang.
.
Ferdie : Meding!!(malambing niyang sambit sa pangalan ng asawa)
.
Nadagdagan ang kalabog ng dibdib ni Meding dahil sa paghawak ni Ferdie sa pisngi niya, at parang hindi na siya makahinga sa kaba kaya nagkunwari na siyang nagigising.
.
Ferdie : Meding halika na sa kwarto natin.
Meding : n-nandito ka pala?(kunwaring tanong niya)
Ferdie : asawa ko naman, bakit matutulog ka na lang basta agad, halika na sa kwarto natin.
Medina : ha kwarto natin?
Ferdie : oo, asawa na kita ngayon kaya mula ngayon ay sa masters bedroom ka na matutulog kasama ko.
Medina : ay oo nga pala ano! Nakalimutan ko.
Ferdie : nagiging ulyanin ka na asawa ko kaya dalian na natin kasi konti na lang yong panahon natin baka mamaya magsara na yan?
Medina : anong magsara?
Ferdie : ah basta halika na.
.
Wala nang nagawa si Meding dahil hila na siya ng asawa paakyat sa masters bedroom. At nooy nasa kama nang magkatabi sina Medina at Ferdie.
.
Medina : Rosita patawarin mo ako!(sabi sa isip)
.
At lumipas ang mga ilang sandali pa ay, sinimulan na nga ni Ferdie ang unang hakbang, at dahil unang karanasan ni Medina ay labis ang kabang nararamdaman, ngunit naroon ang saya sa puso ni Medina dahil ipinagkakaloob ang sarili niya sa tanging nag iisang lalake na natutunan niyang mahalin ng lihim sa madaming taon, at ngayon nga na mag asawa na sila ay buong puso niyang ipagkakaloob sa lalakeng minamahal niya ang kanyang buong pagkatao, at ngayoy inangkin na ni Ferdie ang kanyang asawa, walang pagsidlan ang kagalakan ng mga puso na sa loob ng napakaraming taon na itinago ang mga sari sariling damdamin para sa isat isa ay ayun sila at pinagbigkis na, at pangako nila sa isat isa na sila ay magmamahalan hanggang sa kanilang mga huling hininga.
.
Ferdie : mahal na mahal kita Medina.
Medina : mahal na mahal din kita Ferdie.
Ferdie : andaming taong sinayang natin, bakit hindi man lang ka kasi naglakas ng loob na magsabi sakin na mahal mo pala ako.
Medina : ako pa ba talaga ang unang magsasabi, diba dapat ikaw, dahil ikaw yong lalake.
Ferdie : ganun ba yun.
Medina : oo naman.
.
May kinuha si Ferdie sa ibabaw ng bedside table nila, at ibinigay ni Ferdie iyon kay Meding.
.
Medina : ano to?
Ferdie : tingnan mo na lang.
.
Binuksan ni Medina ang sobre, at binuklat ang papel na nakatupi, napag alaman niya na liham iyon ni Rosita para kay Ferdie.
…..
” Ferdie, mahal ko, siguro sa mga sandaling ito ay wala na ako, gustong sabihin sayo na mahal na mahal kita, alam kong walang permanente sa mundong ibabaw, lahat naman tayo ay dadating sa punto na kukuhanin na tayo ng may Lumikha, maraming salamat sa pagmamahal mo, walang araw o oras na hindi ako naging masaya, buhat ng makilala kita ay naging makulay at masaya ang mundo ko, nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil binigyan niya ako ng napaka buting asawa at mabuting ama ng anak ko, mahal na mahal ko kayo ng anak natin, alam kong nakakatawa itong sasabihin ko pero, sana maintindihan mo ako, mapapanatag ako kung sakali na akoy mawala na sa piling nio ng anak natin ay gusto kong paibigin mo si Medina, si Medina ang gusto kong maging kapalit ko sa puso ko, mabuting tao si Medina, mahal ko siya, mahal ko ang kaibigan kong si Medina kaya hinihiling kong gawin mo ang lahat upang mapa ibig mo siya, dahil mapapanatag ang puso at isip ko kung siya ang papalit sakin sa buhay mo, nakiki usap ako sayo mahal ko, Si Medina ang gusto ko para sayo..huwag mong pababayaan ang anak natin ah, at huwag mong pabayaan na umalis sa poder nio ang mahal kong kaibigan na si Medina, basta isipin mo na magiging masaya ako kung si medina ang magiging kapalit ko sa puso mo.~~Rosita~~~
.
Hilam na hilam ang mga mata ni Medina nang mabasa ang liham ni Rosita, inilagay niya sa tapat ng puso ang sulat ni Rosita..
.
Medina : Oh Rosita mahal na mahal din kita, huwag kang mag alala nandito lang ako para sa anak natin na si Yna, at para sa lalakeng mahal natin na si Ferdie.
.
Niyakap ni Ferdie ang asawa. Parehas silang may mga luha sa mga mata, nag uumapaw ang kaligayahan ni Medina sa mga sandaling iyon, yong pakiramdam niya na napakalaki ng kasalanan niya sa kaibigan niya ay naglaho iyon, dahil magiging masaya pala ang kanyang kaibigan..
.
Ferdie : Rosita, salamat, alam kong isa ka sa may kagagawan nito samin ni Medina, sayang nga lang at andaming taon ang nasayang namin.
Medina : huwag mo nang isipin pa ang panahon na nasayang, ang mahalaga ay eto na tayo ngayon, mamahalin ang isat isa.
Ferdie : tama ka, ipinapangako ko Medina at kay Rosita na mamahalin kita ng higit pa sa buhay ko.
Medina : salamat, mahal na mahal kita.
.
Nagsanib ang mga labi nila Medina at Ferdie kasabay ng mga luha na tumulo sa kanilang mga pisngi sa labis na kaligayahan..
.
Itutuloy..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top