SEDUCE THE LAST HEIR MONTEMAYOR EPISODE 3


Pababa na si Amari sa huling palapag para sana tumungo sa Cafeteria pero napahinto sya matapos bumuhos sa ulo nya ang kulay pulang tubig na may kung ano-anong nakalagay dahilan para mabasa pati ang damit nya.
Walang emosyon nyang nilingon kung sino iyon, tatlong babae na ngayo’y tinatawanan sya, wala syang ginawa kundi panoorin ang tatlong iyon hanggang sa pagbaba ng Hagdan palapit sa kanya.
“well well welll.. “saad ng pinaka leader nito, namulsa lamang si Amari at hinayaan na magsalita ito. ” ikaw yung bumastos kay King Storm Right? ”
King Storm? Tsk yun ba full name nun? Ang baduy. Nasabi nya sa isip nya.
“Sa Itsura mo, mukha kang Baguhang Basura… ” anang isa pa. “Did you Hear me! ” napipikong aniya matapos hindi sya pansinin ni Amari.
“Tapos kana? Gutom na kasi ako eh. ” walang Ganang Ani Amari.
“How da- – -” akmang sasampalin sya ng babae kaya’t mabilis na nasambot ni Amari ang kamay nito.
“Sabi mo basura ko? Sa pag kakaalam ko kasi…ang basura tinatapon, hindi pinag aaksayahan ng panahon. ” tsaka nito malakas na tinapon ang braso ng babae at muling nagpatuloy sa paglakad pero hindi patungo sa Cafeteria kundi sa Cubicle.
“Hahaha anong klaseng pakulo yan?.” patungkol ni Storm sa tubig na tumapon sa katawan ni Amari. ” Gimik mo ba yan para kaawaan ka nila at makapasok ka sa university?” pang iinis pa nito.
“Isang pang aasar mo pa, Tatablahin kita. ” maangas na ani Amari, kanina pa kasi nya pinipigil ang inis dahil sa ginawa ng mga babae sa kanya pero nang matanaw nya ang dahilan ng lahat na si Storm ay tila gusto nya itong sapakin.
Lumapit sya sa locker at hinanap ang pangalan ni Kira para magpalit ng Damit.
“My god, why did you wear my P. E uniform! ” animo’y nandidiring ani Kira sa kaibigan.” anong nangyari? nasan yung damit mo? ”
“Ayun, tinamaan ng magaling. ” walang interes na ani Amari tsaka humiwa ng maliit sa beef steak na kinakain nya.
“Anong tinamaan ng magaling? ”
“May tatlong babae na humarang sakin siguro kinulang sa aruga kaya binwis*t ako. ”
“Tatlong babae? “nag iisip na ani Kira. ” baka si Bridgette yun? ”
“Di ko alam, basta mukha syang clown sa make up nya....



“My gosh, wag mo syang patulan.. Campus Queen yon maraming magagalit sa’yo Kapag binangga mo sya. ”
“Tsk, bakit ko gagawin yon? Di ako pumapatol sa sir*ulo.”
“Amari! Amari! ” bigla ay nabago ang mood ng kaibigan at tila sabik na sabik sa tinititigan.” ayan yong crush ko amari! !” ani Kira habang paulit-ulit na kinakalabit si Amari.
Walang interes na nilingon ni Amari ang tinutukoy ni Kira dahilan para mabitiwan nya ang kutsara na hawak nya pero patuloy parin ang pagnguya nya dahil kay Storm na ngiting-ngiti kasama ang dalawang lalake na sa pagkakatanda ni Amari ay syang nag judge sa Vocal nya
“Diba? Diba? Ang gwapo nyaaaa grabe! ”
“Mukha syang Imp*kto sa paningin ko. ”
“A-ano? Yung ganyang mukha? Imp*kto sa paningin mo? ” hindi makapaniwalang ani Kira.
“Uuwi na’ko, nawala yung appetite ko sa lalakeng yan.. Layuan mo sya kasi may Sira ang Ulo nyan. ” nakapamulsang ani Amari nang tumayo tsaka naglakad, sinadya pa nyang siringan si Storm.
“Hahahah nakita mo yun bro? ” natatawang ani Gelo, ito ang drummer ng banda. ” mukhang mahihirapan kang ihandle ang babaeng yun lalo at magsasama pa kayo sa banda. ”
“ipupusta ko yung Kotse ko, malabong magkasundo ang dalawang yan hahahaha. ” ito naman ang Piyanista na si Marky.
“bro pinag lolo-loko nyo ba’ko? Alam nyong lahat ng babae dito sa Campus ay pinapangarap ang nag iisang Montemayor.” puno ng Fighting spirit na ani Storm nang makaupo sila sa Mesa na Spot nila.
“yes we know, but Except from her.” sarkastikong ani gelo.
“Sige, ipupusta ko ang Condo unit ko mapapasagot ko ang Babaeng yun, at pag napasagot ko sya ng hindi ako naiinlove akin ang mga kotse nyo. ” mayabang na ani Storm, natigil lamang ang pag uusap nila nang lumapit si Kira.
“Hi, S-Storm…” nahihiyang ani Kira.
Napataas ang kilay ni Storm, sa dinami-dami ng babae na humabol sa kanya ay ito pa lang yata ang hindi nya napapansin.
“Hi. ” tipid na anito ngunit nagdulot iyon nang matinding ingay sa loob ng Cafeteria, si Kira pa lamang ang inappreciate nya ng ganito pero ginawa nya lamang ito dahil sa pustahan nila ng kaibigan, iniisip ni Storm na kung mapapalapit sya sa kaibigan ng babaeng si Amari ay madali nyang makukuha ito.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top