WHEN YOU HAVE A GANGSTER BOYFRIEND


WHEN YOU HAVE A GANGSTER BOYFRIEND
“HOY MIA DIBA BOYFRIEND MO YUNG SI TRISTAN?”
Hingal na hingal na saad ni lexus isa sa mga classmates kong lalaki.
“O-oo bakit?”
“May kaaway nanaman sya sa likod ng library room.”
“What?!” Agad agad akong tumakbo papunta sa likod ng library.
Halos magsalubong ang kilay ko ng makita ko silang nakikipag suntukan sa isang grupo ng kalalakihan. Oo,ang boyfriend ko at ang mga ka-grupo nito.
Kita ko ang pag kuwelyo ni tristan sa isang lalaki.
Nag-init bigla ang dugo ko. Ang sabi nya hindi na sya makikipag-away kahit kailan,nag promise sya.
“TRISTAN!!” Dahan dahan itong lumingon sa akin....


Kung kanina’y galit na galit ang mukha nito,ngayon ay parang isang maamong aso kung tumingin saki’n.
Unti unti nyang binitawan ang pagkaka-kuwelyo nya sa lalaki at maamong tumingin saki’n.
“B-babe..b-baby..m-mahal..m-miaqq, hihi.”
Galit akong lumapit rito bago hilain ang kaliwang tenga nito.
“A-ww,t-teka b-babe nama’n eh–m-masakit.”
“Talagang masasaktan ka saki’n, ang sabi mo hindi kana makikipag-away diba?, halika na uuwi na ta’yo!”
“P-pero babe–”
“Uuwi ka o uuwi?” tinaasan ko ito ng isang kilay hudyat na galit na ako.
“Sabi ko’nga uuwi na, hihi.”
“Ang tapang tapang mo kanina pero under ka pala ng girlfriend mo,tol!hahaha..”
Tawanan ng mga ka-grupo nito.
-END-
•WRITTEN BY:✍️Aisler asher Montefalco






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top