Sino Ba Naman Ako Para Mahalin?


Sino Ba Naman Ako Para Mahalin?”
Written by: Celine Ven Hermosa
“Why you brought me here?” tanong niya at lumingon-lingon pa ito sa paligid nang dalhin ko siya sa court, gusto kong ipagtapat kay Alex itong naramdaman ko at ligawan siya. Wala naman sigurong imposible, ‘di ba? Kinalabit ko siya at lumingon naman siya sa ‘kin kaya binigay ko na ang isang papel na may laman ng gusto kong iparating sa kanya.
“Can… I… court… you, Alex?” pagbabasa niya sa sulat ko, tumingin naman ito sa ‘kin at ginawaran ko lang ito ng ngiti. “Seriously?! Hindi kita papayagang manligaw sa akin Hiro…” at ang mga salitang iyon ay...


naging palaisipan sa ‘kin, “dahil ngayun palang ay basted ka na, pipe ka, okay? Tanga lang ang magmamahal sa ‘yo!” aniya na nagpadurog ng puso ko, yumuko na lang ako dahil sa kahihiyan.
Sinubukan kong mag-sign language para kausapin siya gayong ‘yon lang ang alam kong paraan. “Ayan ka na naman sa sign language mo, alam mo? Nakakapagod ka din intindihin!” aniya at iniwan akong mag-isa. Hindi ko akalain na maririnig ko ang mga katagang iyon sa taong akala ko ay siyang makakaintindi sa ‘kin sa simula’t sapol. Sabagay, sino ba naman ako para mahalin, ‘di ba? Isa lang naman akong pipe na walang kakayahang ibahagi ang saloobin at opinyon.
@Silverbullet






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top