Aking Prinsesaβ£οΈ
.
Chapter 23
.
Gulong gulo ang isip ni Nico, hindi niya alam kung saan hahanapin si Yna..naiiyak si Nico sa galit at inis, inis sa sarili niya. Kung sana mas maaga siyang dumating sana hindi daw mangyayari kay Yna yun..di niya maiwasang sisihin ang sarili, hindi nagtagal ay dumating si Ferdie sa lugar na pinag-abundunahan ng kotse ni Yna..at nagkita sina Ferdie at Nico.
.
Ferdie : Nicolas?
Nico : t-tito Ferdie!!
.
Nakita ni Ferdie sa mukha ni Nico ang matinding pag-aalala..
.
Ferdie : Nico yong anak ko..nasa kapahamakan na naman.
Nico : kasalanan ko ito, kung mas maaga lang sana akong dumating hindi sana siya makukuha ng mga tao na yun.
Ferdie : huwag mong sisihin yong sarili mo Nico.
.
At hanggang sa nakipag-usap sila sa mga pulis,.wala talaga silang magagawa kundi hintayin tumawag ang mga kidnappers. walang ginawa ang dalawang lalaki na sina Ferdie at Nico Kundi magdasal ng magdasal na sana ay walang masamang mangyari kay Yna..at samantalang si Yna ay tulog na tulog padin ng mga sandaling iyon, dahil sa pina-amoy sa kaniyang pampatulog..may halos dalawang oras ang binyahe ng mga kidnappers bago nila narating ang kuta nila, sa isang lumang bodega, at hindi pa din nagigising si Yna hanggang sa maipasok siya sa loob ng bodega..may maliit na upuan sa bodega at doon inilapag si Yna, na sa ngayon ay hindi pa din gising, at hindi din nagtagal ay unti unti na siyang nagkakamalay, unti unti niyang iminumulat ang mga mata..at ganun na lang ang gimbal niya ng makita niyang nakatali siya, nakatali ang mga paa at kamay niya, para siyang isang hayop na itinali, at inalala ang nangyari ng bago siya tangayin..pauwi na sana siya,noong time na yun, nakasakay na siya sa kotse niya, at hanggang sa sasakay na din sana ang driver niya ng may biglang pumalo sa driver niya, at may mga lalake na nagsisakayan sa kotse niya, at ang isa ay tinakpan ng panyo ang ilong niya ng may naamoy siyang nakapagpahilo sa kanya at nawalan na siya ng ulirat.pinilit na makatayo ni Yna, upang makita niya ang kapaligiran kung nasaan siya..at narinig niya na may mga lalaking nag-uusap, at nagtatawanan pa ang mga ito.,kinilabutan siya dahil nasa panganib na nanaman siya, hindi na niya napigilan ang mga luha, dahil ito na nanaman siya, hindi niya alam kung makakaligtas pa siya sa mga lalaking tumangay sa kanya.sa isip niya ay kung sino kaya ang may kagagawan ng pagkidnap sa kanya, at anong pakay ng mga lalaking ito, sobrang takot na takot siya dahil paano na daw kaya siya ngayon, at sa isip niya ay mukhang katapusan na talaga niya iyon.kaya wala siyang nagawa kundi umiyak na lang ng umiyak, sabi niya sa isip niya akala niya ay magiging masaya na siya dahil magkikita na sila ni Nico, pero ngayon nasaan daw siya..naroon siya sa mga halang na naman ang kaluluwa..at kung sinong walang hiya na naman ang gumawa sa kanyang iyon..at hanggang sa pumasok sa isipan niya si Melanie..baka naman daw si Melanie ang gumawa sa kanya ng ganoon..at dahil daw sa hindi matanggap ni Melanie ang pagbabalik niya sa buhay ni Nico..kumbinsido siya sa isiping si Melanie ang may kagagawan sa pagkidnap sa kanya..at samantalang si Nico ay pabalik balik na lumalakad sa receiving area ng condo unit niya..dahil hinihintay niya ang tawag ni Ferdie sa kanya..pinauwi muna siya ni Ferdie. dahil nalaman ni Ferdie na kadarating pa lang niya galing hongkong. ngunit di kaya ni Nico na pumirmi sa isang tabi..dahil sa natutuliro ang kanyang isip. dahil baka daw May masamang nangyari na kay Yna..at hindi nagtagal ay may nag-doorbell sa pinto ni Nico..mabilis niyang binuksan iyon dahil baka naman daw si Yna na yun, nakatakas sa mga masasamang loob, ngunit pagbukas niya ng pinto ay si Melanie pala.
.
Nico : Melanie, ikaw pala.
Melanie : di kasi kita matawagan eh Kya nagsadya na ako sa’yo.
Nico : bakit, anong kailangan mo?
Melanie : Gosh, Masama na bang bisitahin ka dito.
Nico : Melanie please saka na tayo mag-usap, pagod ako.
Melanie : di magpahinga ka, basta dito lang ako.. May problema ba dun..hindi ko naman istorbohin ang pamamahinga mo..nagpunta ka pala ng hongkong di mo man lang sinabi sakin na aalis ka! (May himig na pagtatampo)
Nico : biglaan.
Melanie : ah kaya pala..sana naman nag-message ka, hindi yong nagmumukha akong tanga!
.
naiirita si Nico sa sinabi ni Melanie kung makapagsalita daw ay parang may relasyon sila.
.
Nico : pwede ba Melanie, ayokong makipagtalo, May problema ako nawawala si Yna..at may kumidnap sa kanya..nag-aalala ako dahil baka May masama ng ginawa sa kanya..
Melanie : Oh my God..kailan pa?
Nico : kanina pa..
Melanie : naku sana nman walang masamang mangyari kay Yna.
.
hindi alam ni Nico kung totoo bang nag-aalala si Melanie kay Yna, Samantalang si Melanie ay nagdidiwang ang kalooban..tuwang tuwa siya sa isip niya.
.
Melanie : O sige aalis na muna ako, para makapagpahinga ka.
Nico : sige.
.
at tuluyan ng lumabas sa unit ni Nico si Melanie, hindi nagtagal si Nico ay dahil hindi siya mapakali sa kanyang bahay sa kakahintay ng tawag ni Ferdie upang balitaan, nagpunta na lang siya sa bahay nito…at ng makarating ay nakita din niya ang ama ni Yna at ang mga kasama sa bahay nito na labis labis ang pag-aalala.
.
Ferdie : Nico…wala pang tumatawag..
Meding : siya na ba si Nico?
Ferdie : oo Meding..Nico ang yaya Meding ni Yna..na parang nanay niya.
Nico : kumusta po!
Meding : ano ng gagawin natin ngayon iho..tuwang tuwa pa naman siya kanina at magkikita kayo.
.
nasiyahan naman ang puso ni Nico ng malamang tuwang-tuwa si Yna na magkikita sila..kaya gagawin ni Nico ang lahat makita lang niya ang kanyang minamahal.
Nico : huwag po kayong mag-alala gagawin ko po ang lahat makita ko lang si Yna..
Belinda : salamat Nico..bakit ba lagi na lang si Yna..kawawa naman yong bata na yun..lagi na lang siyang nalalagay sa panganib.
Gino : Kuya kulas si ate Yna..tulungan mo siya..(umiiyak niyang sabi)
Esang : oo kuya kulas, baka kung ano na ang ginawa nila kay ate Yna..
Temyong : huwag tayong mag-isip ng kung ano ano, basta manalangin tayo na walang mangyaring masama sa ate Yna nio..
.
Ang lahat ay natataranta..at natatakot sa pwedeng mangyari kay Yna, kaya nagdasal na lang sila ng nagdasal na sana ay makaligtas si Yna sa,mga kamay ng mga taong kumidnap sa kanya..at hindi nagtagal ay Tumunog ang celphone ni Yna na hawak ngayon ni Ferdie ang lahat ay napatingin sa celphone na hawak ni Ferdie..at hanggang sa abg nakarehistro doon ay ang pangalan ni Betty..sinagot iyon ni Ferdie.
.
Betty : hello sis, kumusta malapit na kayong magkita ni Nico ah..
Ferdie : Betty si tito ferdie mo ito..
Betty : ah, tito ferdie ikaw pala..nasan po si Yna?
Ferdie : Betty wala si Yna, kinidnap si Yna..tinangay ang kaibigan mo..at hanggang ngayon ay wala pang tumatawag sa amin, kung pera man ang kailangan nila.
Betty : Diyos ko..ano bang nangyari sa kaibigan ko na yun..ah tito ferdie pupunta po ako sa inyo, hintayin nio po ako dahil may sasabihin po ako sa inyo.
Ferdie : ha. Ano?
Betty : basta po may sasabihin po ako sa inyo.
Ferdie : sige betty, hinhintayin kita.
.
At nag-iisip si Ferdie kung ano kaya ang sasabihin ni Betty..at samantala naman si Yna ay hindi pa din siya tumitigil sa pagdadasal, idinadaan na lang niya sa dasal ang takot niya..bahala na daw ang Panginoon sa kanya, kung ano man ang sasapitin niya sa mga kamay ng mga kidnapper..at hanggang sa biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang lalake na balbas sarado na ikinatakot niya dahil baka daw kung ano ang gawin sa kanya ng lalake,.pero hindi siya nagpakita ng takot.
.
Lalake : hoy, umayos ka at papadating na ang amo namin.
Yna : ano bang kailangan nio sakin..bakit ba dinala nio ako dito.
Lalake : wala akong sasabihin sayo, hintayin mo nalang ang amo namin, kaya umayos ka para hindi ka masaktan..
.
Tanong ng isip ni Yna kung sino ang amo ng mga tao lng ito, pero ang suspetsa niya ay si Melanie. Dahil si Melanie lang ang maaring gawan siya ng masama dahil sa naalala ni Yna yong time na nagbanta si Melanie sa kaya na pagbabayaran nila ang mga ginawang pananakit ng kaibigan niya..at naalala niya si Betty, baka daw pati si Betty ay gawan din ng masama..at hanggang sa narinig na niya ang sinabi nang isang lalake na, nariyan na ang kanilang Boss..at hanggang sa bigla uling bumukas ang pinto at iniluwa roon ay si.
.
Yna : Poli..!!!
Poli : hi love!!
.
Lumapit si Poli kay Yna at akmang hahalikan ito..ngunit mabilis na umiwas si Yna.
.
Poli : hindi mo ba ako namiss?
Yna : hayop ka Poli, napaka-walang hiya mo talaga..hayop ka!!, Bakit ba ayaw mo ako g tantanan!!!
Poli : matagal na akong hayop..pagbabayaran nio ng papa mo ang nangyari sa papa ko..pinatay nio ang papa ko..
Yna : kasalanan niong mag-ama yun.,mukha kasi kayong pera.
Poli : oo mukha kaming pera..kaya ngayon, kailangang ibigay ng papa mo ang perang gusto ko..ang five hundred million pesos..
Yna : ano??
Poli : at kapag hindi naibigay ng papa mo ang hinihiling ko, ipapa-rape kita sa mga manyakis kong tauhan at papatayin kita..
.
Napalunok si Yna, dahil sa sinabi ni Poli..hindi na kumibo pa si Yna..dahil sa takot..at samantalang si Betty ay naroon na sa bahay nila Ferdie.
.
Betty : tito Ferdie..
Ferdie : Betty, halika maupo ka.
.
Napatingin si Betty kay Nico..at pinakilala naman ni Ferdie si Nico kay Betty..
.
Ferdie : Betty si Nico nga pala..Nico si Betty ang kaibigan ni Yna.
Nico : hi.
Betty : kilala ko na siya tito.,nakita na namin siya dati sa isang restaurant na kinainan namin ng gabing malasing kaming magkakaibigan..may kasama ka pa nga noon eh..(patukoy niya kay Nico)at mabuti na din na nandito ka para malaman mo din ang sasabihin ko.
Ferdie : ano ba iyon betty..sabihin mo na..sobra na akong nag-aalala sa kaibigan mo..hanggang ngayon wala pang tumatawag samin, kung manghihingi ng ramsom.
Betty : tito paano kung hindi naman pala pera ang habol ng tumangay kay Yna, paano kung gustong mawala si Yna sa,mundong ito, dahil sa isang lalaki.
.
Nagtataka si Nico kung bakit nasabi ni Betty yun. Nakaramdam tuloy ng kaba si Ferdie at sina belinda at yaya Meding.
.
Ferdie : bakit mo naman sinabi yan.
.
Napatingin muna si Betty kay Nico, bago ipinagpatuloy ang sasabihin.
.
Betty : wala po bang ikinuwento sa inyo si Yna?
Ferdie : wala naman.
Betty : sa katunayan po kay Nico ko gustong itanong ito..(tiningnan ni Betty si Nico)
Nico : ano yun?
Betty : sino si Melanie?
Nico : ha.,kaibigan ko siya.
Betty : kaibigan, as in girlfriend?
Nico : hindi..kaibigan ko lang si Melanie..hindi ko siya girlfriend,
Betty : hindi?
Nico : oo, alam ng Diyos na si Yna lang ang mahal ko mula noon..kaya kahit na nagkahiwalay kami ni Yna, kahit nagkalayo kami, hindi ko siya ipinagpalit, dahil siya lang ang mahal ko.
.
Natuwa naman si Ferdie sa sinabi ni Nico, at ganun din sina belinda at meding..
.
Betty : meron na po tayong suspect tito, si Melanie po ang may kagagawan ng pagdukot kay Yna..
Nico : ha, bakit mo naman nasabi na si Melanie ang may kagagawan sa pagkakadukot kay Yna?
Ferdie : oo, nga naman hija, wala tayong basihan..kung yong kaibigan nga ni Nico ang may kagagawan.
Betty : kasi po tito, noong mga nakakaraang araw kinausap ni Melanie si Yna sa isang restaurant na kung saan ay nagkita kami ni Yna..ginawan pa nga po niya ng masama si Yna, dalawang beses po niyang sinabuyan ng tubig sa mukha si Yna..
Nico : ano?
Ferdie : bakit niya ginawa yun?
Betty : sinabi niyang layuan ni Yna si Nico dahil sinisira daw po ni Yna ang pagmamahalan nila ni Nico.
Nico : sinabi niya yun?
Betty : oo nico kaya, at sinabi niya na magpapakasal na daw kayo ni Melanie..
Nico : hindi totoo yun..magkaibigan lang kami…at hindi totoong magpapakasal kami..si Yna lang ang mahal ko kaya si Yna lang ang gusto kong pakasalan,,at alam ni Melanie yun dahil lagi kong sinasabi kay Melanie iyon
Betty : may gusto si Melanie sayo Nico..may gusto ang kaibigan mo sayo..kaya handa niyang gawin ang lahat kahit na may ibang taong mapahamak dahil sa pagmamahal niya sayo..at dahil sa gustong saktan ni Melanie si Yna ay hindi ko napigilan ang sarili ko na ipagtanggol ang kaibigan ko..nasaktan ko si Melanie..at hindi niya ako kinayang labanan..kaya nagbanta siya sa amin ni Yna..na pagbabayaran namin ang ginawa ko sa kanya.,sobra naman kasi siya kung makapagsalita sa kaibigan ko..masasakit na salita ang binitawan niya kay Yna, si Yna naman ay hinahayaan lang niya na pagsalitaan siya ni Melanie ng mga masasakit na salita, pero ang pagbuhatan niya ng kamay ang kaibigan ko ay hindi na tama iyon, kaya inunahan ko na siya, kaya siguro sa sobrang galit niya ipinadukot na niya si Yna para makaganti.
.
Sumabad sa usapan si Belinda.
.
Belinda : posibleng si Melanie nga ang nagpadukot kay Yna kuya.
.
Nagpupuyos naman sa galit si Nico sa kaibigan..parang hindi na niya talaga kilala ang ugali ng kaibigan, pinagkatiwalaan niya ito,,pero nasira na ang respeto niya sa kaibigan.
.
Ferdie : Nico..tulungan mo kami, alamin mo sa kaibigan mo,kung siya ang may kagagawan nito.
Nico : huwag po kayong mag-alala gagawin ko po ang lahat, mahanap lang po natin si Yna.
.
Hindi nagtagal ay pumasok ang isang tauhan ni Ferdie.
.
Tauhan : Boss may isa pa tayong problema..
Ferdie : ano yun?
Tauhan : nakatakas daw po si Poli.
Ferdie : ano?
,
Nabigla si Ferdie sa narinig at ganun din si Nico.. at ganun din sina Belinda at Meding.
.
Meding : Diyos ko po..baka naman. si Poli uli ang may kagagawan nito..
Belinda : oo nga kuya, baka gustong maghiganti dahil sa pagkakamatay ng tatay niya.
Meding : lalong delikado kung si Poli ang makakakuha kay Yna.
Ferdie : baka nga si Poli ang may kagagawan, sa palagay mo Nico kaya ba ng kaibigan mo na makagawa ng masama dahil lang sa pag-ibig sa’yo.
.
hindi alam ni Nico ang sasabihin, nalilito din ang isip niya..baka nga naman hindi si Melanie ang may kagagawan.
.
Nico : ang mabuti po siguro hintayin na lang muna natin na May tumawag, kung manghihingi ng ransom money..sa ngayon po kailangan ko po munang umalis, May aasikasuhin lang po ako..paki tawagan na lang po ako kapag ano na ang balita.
Ferdie : sige Hijo.
.
ang lahat ay nag-aalala para kay Yna..at lalong lalo na si Nico, gagawin daw ni Nico ang lahat para lang mailigtas niya ang pinakamamahal niyang babae.. napapaisip si Nico, kung si Melanie ang may kagagawan ng lahat, hinding hindi niya mapapatawad ito..sisiguraduhin niyang mabubulok sa kulungan kung mapapatunayan niyang ang kaibigan niya ang may kagagawan sa pagkawala ni Yna..pero inisip din niya si Nico Kung paano kung si Poli ang may kagagawan..kaya sa isip ni Nico ay kailangan niyang namanna ang kaibigan, kailangan bantayan niya ang bawat kilos ng kaibigan..umuwi muna si Nico sa condo niya..at doon pinag-isipang mabuti ang Gagawin niya..at hanggang sa maya-maya ay kaibigan ni Nico ang Cellphone at di-nial ang number ni Melanie..at samantalang si Melanie ay laking tuwa ng makita ang pangalan ni Nico ang nakarehistro sa celphone niya..tuwang tuwa siya dahil tinatawagan siya ni Nico.
.
Melanie : Nick.
Nico : Melanie..saan ka?
Melanie : ah..n-nandito lang sa u-unit ko.
Nico : puntahan kita..
Melanie : h-ha huwag!
Nico : bakit?
Melanie : ha, basta paalis kasi ako eh.
Nico : ganun ba.
.
nag-pretend si Nico na lumungkot siya..at narinig naman ni Melanie ang pagbuntong hininga ni Nico.
.
Melanie : bakit Nick? May kailangan ka ba?
Nico : itatanong ko lang sana kung gusto mo akong kasabay mag-dinner.
Melanie : ha mag-dinner?
Nico : oo.
.
nagdidiwang ang kalooban ni Melanie dahil sa sinabi ni Nico.
.
Melanie : oo naman.. sige ganito na lang, pupunta na lang ako jan sa unit mo.. tapos mag-oorder na lang ako ng dinner natin..
Nico : okay na naka-order na ako.. idideliver na lang.
Melanie : ganun ba.. sige punta na lang ako jan.
Nico : sige..hintayin kita.
.
tuwang tuwa si Melanie ng matapos ang pag-uusap nila ni Nico.. at samantalang si Nico naman ay meron na siyang binabalak..at si Melanie naman ay nagdidiwang ang kalooban..at hanggang sa.
.
Melanie : kuya, pupunta ako kay Nick..pagkakataon ko na ito.. gagawin ko ang lahat para mapasa-akin na si Nick.. para pakasalan ako ni Nick..
Kuya : sige..ihahatid na lang kita kailangan ko yong kotse mo may pupuntahan ako.magtaxi ka na lang pabalik..
Melanie : magtatagal kaba kuya sa pupuntahan mo?
Kuya : hindi sandali lang ako.. babalik din ako agad..huwag kang masyadong magpapagabi kung sasama ka.
Melanie : depende yun kuya.. kasi May plano ako..
Kuya : gnun ba..sige bahala ka.
.
at hanggang sa tuluyan na silang lumabas ng bahay at masayang masaya si Melanie dahil sa kinabukasan ay mababago na ang buhay niya..dahil gagawin niya ang lahat para mapasakanya si Nico..at hindi nga nagtagal ay naroon na siya sa tapat ng pinto ng unit ni Nico..nagpaganda talaga siya ng husto..para maging maganda siya sa paningin ni Nico..at nag-doorbell na siya, hindi nagtagal ay bumukas na ang pinto ni Nico.
.
Melanie : Hi..
Nico : halika tuloy ka na.
Melanie : salamat..akala ko magpapahinga ka?
Nico : oo..pero nakaramdam ako ng gutom eh..parang hindi naman ako makakain kapag wala akong kasabay.
Melanie : tama naman yong ginawa mo na tinawagan mo ako.. kahit anong oras naman na kailanganin mo ako dadating at dadating ako.
Nico : sige halika na nakahain na yong food.
.
at dumulog na nga sila Nico at Melanie sa hapag kainan.
.
Melanie : siya nga pala.. kumusta yong ipinunta mo sa hongkong?
Nico : okay naman..
Melanie : kaya pala, tumatawag ako sayo.di kita makontak..pinuntahan kita sa opisina mo wala ka din ang sabi lang ng secretary mo May business meeting ka daw.. hindi naman sinabi kung saan.
.
wala ang isip ni Nico sa sinasabi ni Melanie, ang isip ni Nico ay na kay Yna.. sana daw ay si Yna ang kasabay niyang kumakain ngayon at hindi si Melanie.. kailangan niyang makipag-mabutihan kay Melanie upang masubaybayan niya si Melanie na baka nga si Melanie ang may kagagawan.. pero gumawa din siya ng paraan para mahanap si Poli.. kinontak niya lahat ng mga koneksiyon niya ang mga kaibigan niyang mga pulis at mga detective.. para ipahanap si Poli..maraming ikinukwento si Melanie sa kanya ngunit wala ang isip ni Nico sa ikinukwento ni Melanie.. at napansin naman ni Melanie iyon.
.
Melanie : Mukhang malalim yong iniisip mo ah..si Yna yan ano?
Nico : ha. hindi inaalala ko lang yong naging meeting ko sa hongkong..kailangan kong maipaliwanag na mabuti kay lolo ang mga napagmeetingan namin.
Melanie : ganun ba.
Nico : oo masyadong madaming napag-usapan..kaya medyo madami akong idedetalye kay lolo.
Melanie : kaya mo yan..ikaw pa..ang galing kaya ng memory mo..siya nga pala tungkol kay Yna may balita ka na ba?
Nico : wala pa nga eh..hindi pa tumatawag yong papa niya sakin.
Melanie : sana okay lang siya ano.
.
tinatantya ni Nico kung totoong concern siya kay Yna..ayaw munang sitahin ni Nico si Melanie tungkol sa nangyaring kaguluhan sa pagitan nila Yna at Melanie.
.
Nico : oo sana..siya nga pala pasensiya ka na ha..Kung hindi ko pala nasagot yong mga tawag mo sobrang busy kasi ako..
Melanie : okay lang yun..alam ko naman na ikaw lang ang inaasahan ng lolo mo..pasensiya ka na din kung minsan nagiging makulit ako..dala lang kasi ng—-
.
hindi tinuloy ni Melanieang sinasabi…sa isip niya ang ito binigkas.
.
Melanie : (sa isip…dahil mahal kita..at hindi ako makakapayag na mapunta ka sa Yna na yun..gagawin ko ang lahat mapasa-akin ka lang Nick..)
.
at si Nico ay hindi nman tanga para hindi niya alam ang ibig niyang sabihin..tumayo muna si Nico at nagpunta sa kusina at may kinuha ito roon..at hanggang sa si Melanie ay sinamantala niyang umalis si Nico, madali niyang inilabas ang gamot na pampatulog at inilagay niya sa inumin ni Nico…at ng malagyan niya ay nagmadali siyang bumalik sa kinauupuan niya..at samantalang si Nico mula sa kusina ay kitang kita niya ang ginawa ni Melanie dahil naglagay siya ng CCTV sa mga anggulo na kung saan ay makikita niya ang bawat kilos ni Melanie kung sakaling hindi niya natatanaw ito..bago pa man niya tinawagn si Melanie upang ayain na mag-dinner ay inayos na niya ang lahat..kaya ngayon, malinaw na sa kanya na kayang gumawa ng masama ni Melanie dahil sa makasariling hangarin nito.at hanggang sa bumalik n si Nico sa hapag-kainan..ipinagpatuloy niya ang pagkain, nagkunwari siyang hindi niya alam ang ginawa ni Melanie..si Melanie naman ay nagdidiwang ang kalooban niya dahil nagawa na niya ang unang hakbang ng plano niya..dahil balak niyang pikutin si Nico.
.
Nico : kumain ka pa..madami pa yong pagkain kailangan ubusin natin ito.
.
nilagyan pa ni Nico ng pagkain ang plato ni Melanie..na ikinatuwa naman ni Melanie.
.
Melanie : na-miss ko to.
Nico : ano yun?
Melanie ; yong ganito na lagi tayong sabay na kumain.
Nico : pasensiya ka na..sobrang dami kasi ng trabaho kaya hindi na tayo masyadong nakakalabas, hayaan mo babawi ako sa’yo kapag hindi na hectic ang schedule ko sa trabaho.
Melanie : totoo ba?
Nico : oo naman.
.
tuwang tuwa uli si Melanie sa sinabi ni Nico..at lalong na-excite si Melanie ng hawak na ni Nico ang baso na nilagyan niya ng pampatulog..dahil sa isip ni Melanie ay maya-maya lang kapag nainum na ni Nico ang tubig ay mahihilo na ito at makakatulog..at magagawa na niya ang plano kay Nico..ngunit binitawan uli ni Nico ang baso..
.
Nico : sandali lang ha..gusto ko palang mag-coffee, ikaw ba gusto mo din..
Melanie : ha..bkit?
Nico : anong bakit?
Melanie : hindi ka ba muna iinum ng tubig?
Nico : mamaya na..feel ko kasing magkape..ligpit ko muna to ah.
.
at iniligpit na ni Nico ang plato na ginamit niya kasama ang baso na May pampatulog..naghihinayang si Melanie dahil hindi siya nagtagumpay..at hindi nagtagal ay may dala dala ng kape si Nico..sa isip ni Melanie ay may pagkakataon pa nman siya para gawin yun.
.
Nico : nabusog ka ba?
Melanie : oo..dami mo naman kasing in-order.
Nico : salamat nga pala at nagpunta ka dito..pasensiya ka na pala kanina ha..Kung medyo nitaboy kita kanina sobrang pagod lang kasi yong pakiramdam ko..
Melanie : okay lang, naiintindihan ko naman.. tapos nawawala pa si Yna.
.
makatapos nilang kumain..ay nagpunta sila sa sala at doon nila ipinagpatuloy ang pagkakape nila..pinipilit ni Nico na pakitunguhan ng maayos si Melanie..para hindi makahalata ito n may binabalak siya. at lumipas ang oras ay nagpa-alam na si Melanie kay Nico.
.
Nico : uuwi ka na?
Melanie : oo..bukas uli ha..ako naman ang sagot sa dinner natin.
Nico : sige..saan sa bahay mo?
Melanie : naku hindi huwag sa bahay ko..dito na lang uli..
Nico : sige.. hintayin kita dito bukas.
Melanie : sige alis na ako..slmat sa napakasarap na dinner..
Nico : ihahatid na kita sa inyo..
Melanie : H-ha..huwag na Nick..
Nick : bakit?
Melanie : magtataxi na lang ako..kasi May dadaanan pa ako eh..
Nick : di sasamahan na lang kita sa pupuntahan mo?
Melanie : huwag na okay lang ako talaga..
Nico : ihahatid na kita hanggang sa bahay mo..para masiguro ko na ligtas ka na makuwi, alam mo naman sa panahon ngayon madami ng masasamang tao..ayokong madagdagan pa ang alalahanin ko.
Melanie : huwag kang mag-alala walang mangyayaring masama sakin..basta magpahinga ka na lang para makabawi ka sa pagod mo.. panigurado ko may Jetlag ka pa.
Nico : sure ka?
Melanie : oo..salamat ha!
Nico : salamat saan?
Melanie : sa pag-aalala mo..na-miss ko yong dating Nick..yong dating samahan natin.
Nico : hayaan mo ibalik natin yong dati..
Melanie : salamat Nick..(sabay yakap)
.
gumanti naman ng yakap si Nico kay Melanie..nagdidiwang naman ang kalooban ni Melanie ng maramdaman niyang niyakap din siya ni Nico, unang kumalas si Nico sa mga yakapan nilang iyon.
.
Nico : sige, baka gabihin ka na.
Melanie : sige..bukas uli ha..
Nico : oo.
.
at tuluyan ng umalis si Melanie, at samantalang si Nico ay mabilis siyang nagpalit ng damit at may balak siyang sundan si Melanie..nagmadaling pumunta si Nico sa parking area para sakyan ang Motorsiklo, na hiniram niya sa isang kaibigan niya..at mabilis niyang pinaandar ang motor para maabutan niya sa labas si Melanie..at hindi nga nabigo si Nico dahil naroon pa si Melanie nag-abang ng taxi..at hanggang sa nakapara na ito ng taxi at sumakay na ito..at si Nico naman ay mabilis na sinundan ang taxi na sinasakyan ni Melanie hindi nag-aalangan na dumikit sa taxi dahil hindi naman kilala ni Melanie ang motor at isa pa hindi siya makikilala ni Melanie dahil sa naka-helmet siya..at hanggang sa bumababa na ito ng taxi..nagtataka si Nico dahil ang sabi sa kanya ni Melanie ay may dadaanan pa ito pero wala naman itong dinaanan..bumaba na si Melanie sa taxi at pumasok na ito sa building kung saan ay naroon ang unit ng babae..at hanggang sa nakita ni Nico ang kotse ni Melanie na huminto mismo sa tapat niya..hindi siya maaring magkamali..kotse iyon ni Melanie dahil alam niya ang plate number nito..umalis siya sa motorsiklo..at mabilis na kumubli para hindi siya matandaan ng nakamaneho sa kotse..at nakita niya ang bumaba sa kotse ay isang lalake at hindi niya nakilala ito dahil naka-cap ito..at papasok na din sa building..ibinaba ni Nico ang helmet sa motor at mabilis niyang sinundan ang lalake kung saan iyon patungo…at hanggang sa pumasok nga ito sa unit ni Melanie..nagtataka si Nico kung sino ang lalake na yun..sa loob ng mahigit tatlong taon nila na magkasama ni Melanie ay noon lang niya nakita ang lalaki..ano daw kaya ang relasyon ni Melanie sa lalaki na iyon..ang pagkaka alam ni Nico ay ulilang lubos na si Melanie at wala din itong kapatid..oh baka naman daw kaya boyfriend..pero sa isip ni Nico...
i really like this story but where is the chapter 24 i search it but i didn’t find it i want to read that chapter pleaseee i been waiting for so long for this story pleaseee next chapter na po and chapter 24
where is the chapter 24?