Kapag Puso’y Tumibok CHAPTER FIVE.


ISANG malakas at sunod-sunod na katok ang nagpa-alimpungat kay mixxel kaya dahan-dahan niyang dinilat ang mga mata.Pagkadilat ay tumambad sa kanya ang nakakasilaw na liwanag galing sa malaking bintana ng kwarto.
‘Anong oras na?’
Tiningnan niya ang nakasabit na orasan sa dingding.Mag-aalas dose na ng tanghali.Nilingon niya ang katabing pinsan at mahagyang niyugyog ito.
“Faith wake up,Anong oras na pala”
“Hmmm maya na,antok pako”
“Bumangon kana diyan baka si tita na itong kumakatok pagbubuksan ko lang”
“Ky”
Tumayo siya at lumapit sa pinto at binuksan ito.Bumungad ang matagal ng mayordoma sa bahay na si aling Rosa.
“Oh iha kakagising mo lang ba?”Tanong nito.
Tumango siya.”Opo, napahaba ang tulog dahil siguro sa pagod”
“Eh faith?tulog pa ba?”
“Gising na po ako aling rosa”Biglang sumulpot sa tabi niya ang pinsan na nagkulusot pa ng mata.
“Mabuti naman,Mag-ayos na kayo at bumaba para kumain alam kong gutom na kayo lalo na’t di kayo kumain kagabi.Nandoon na rin ang tiya ninyo at hahanda na doon.”
“Sige po aling rosa susunod kami ni Mix”Wika ng pinsan niya.Tumango at ngumiti ang mayordoma bago sila tinalikuran at bumaba.
KUNG nginitian si pablo ni faith ay parang nakakita naman ng kriminal ang malditang si Mixxel nang makita siyang nakaupo sa dining table.Mukhang hindi yata nito siya gustong makasalo sa pagkain sa klase ng tingin nito sa kanya.Pero pasensiya nalang ito dahil ito ang kagawian sa bahay at wala siyang balak na umalis dahil lang sa ayaw siya nito kasabay kumain.
Kung inaakala nitong pagpapaapi siya at pagpapaalila rito dahil lang sa pamangkin ito ng amo niya.Pwes,Nagkakamali ito dahil ang pinaka-ayaw niya ay tinatrato siya na parang walang kwentang tao na pwedeng kaya-kayain at kawawain ng kung sino.Lalo na’t Katulad ng babaeng ito na akala mo ay laging may buwang dalaw dahil sa kasungitan.
Nakikita na niya noong araw ang dalawang...


ito noong bata pa.bata Pa rin siya noon at anak ng siya ng isa sa mga pinagkakatiwalaan ng yumaong mag-asawang Montevilla.Noon pa man ay masungit na ang batang Mixxel samantalang ang batang faith naman ay malambing at masiyahin kahit may pagkamaarte.Nakasama niya pa nga ang mga ito maglaro noon at dahil narin siguro sa tagal noon Ay mukhang hindi na rin siya matandaan ng mga ito lalo pa at bago matapos ng elemetarya ay nagpunta na ang mga ito sa amerika.
“Mixxel,faith umupo na kayo at kumain na tayo”Yaya ni tita zandra sa mga pamangkin nito.
“Mygosh Tita bakit may naligaw na ungg*y dito?”Parinig ni Mixxel at mukhang siya ang tinutukoy nito
“Shhh..Mixxel stop that”saway ni tita zandra rito.
Lumabi ito saka inirapan siya at naghila ng silya at umupo.Nang si Faith na ang hihila ng silya ay tumayo siya at inunahan niya ito.
“Thank you pablo”malambing na wika ni faith sa kanya habang nakangiti sa kanya kaya ngumiti rin siya.
“Tch pabida”Rinig niyang sabi ni Mixxel.Napailing nalang siya at muling umupo.
“O siya,kumain na tayo.Pero mag-lead ka muna ng prayer bago tayo kumain,Pablo”Ani tita zandra.
“Opo”
Nagsimula siyang magdasal.Nagpasalamat siya para sa mga pagkaing nakahain sa hapag.Maikli ngunit tagos sa pusong panalangin at pagpapasalamat sa diyos sa mga biyayang nasa harapan nila sa mga sandaling iyon.Pagkatapos magsign of the cross ay nagparinig muli ang masungit na babae.
“Tingin mo faith pinakinggan kaya ng diyos ang dasal ng ungg*y ?”
“Shhh Cuz naman”Si faith.
“Mixxel,watch your language”malambing ngunit may pagsisitang puna ni tita zandra.
Nagkunwari siyang walang narinig at nagsimula nang magsandok ng makakain.Hindi niya papatulan ang babae dahil ngayon dahil sa harap sila ng hapag ngunit sa susunod na ay hindi niya na ito papalagpasin pa.
‘Humahanap talaga ng away ang malditang ito.May araw ka rin sakin maldita ka’.Sa isip niya.






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. Ive been searching on the net hoping to get some ideas on how to get my website coded, your general style and design are amazing. Did you code it yourself or did you get a programmer to get it done to suit your needs? We love Google 🙂

Leave a Reply


top