Habang nasa byahe pauwi ay panay pa rin ang agos ng luha nya.
Naintindihan naman sya ng mga kaibigan kaya doon na lang din sila magpapalipas ng gabi sa condo ni Celine.
Nung umalis si Markus bigla,ay di naman ganito ang naramdaman nya,pero ngayon nasaktan sya ng sobra.
Iba pala yung nakikita mo mismo na me kasama syang iba.
“Beb ok lang ba? Akala ko ba nakamove on ka na?”
“Akala ko lang pala,pero mas dobleng sakit ang naramdaman ko ngayon.Alam kong wala na talaga kami.”
“Anong plano mo ngayon?”
“Hindi ko alam,mas ipinakita nya lang sakin na hindi nya deserve na bigyan ng second chance.”
“Baka pinagselos ka lang nya Beb,kasi di ba matagal ka na rin nyang sinusuyo.”
“Kahit na,mas pinamukha nya sakin kung anong klase syang lalaki.”
“Buti pa magbakasyon ka muna,ako na bahala sa botique.”
“Salamat Beb.”
Pag uwi nya kinabukasan ay sakto wala dun ang Nanay nya,nasa bahay ito ng Kuya nya sasamahan ang manugang at mga apo nito.Nagpunta kasi ang mag ama sa Davao.
Kaya malaya syang umiyak sa kwarto nya.Walang makakarinig sa kanya.Bihira lang umakyat ang katulong nila kaya walang makakaalam sa ginagawa nya.
Hanggang sa nakatulugan nya na ang pag iyak.Nagising lang sya sa mga katok.
“Iha ang Tita Pia mo to,di ka pa daw kumakain.”
Nagmadali syang bumangon para ayusin ang sarili at lumabas na ng kwarto.Kahit naghilamos na ay di pa rin maitatago ang mugto ng mata nya.
“Iha bakit namumugto yang mata mo,me problema ka ba?”
At naikwento nya ang nangyari.Nagpasya ang Tita nya na magbakasyon muna sila.Matagal ng panahon na hindi nito nakikita ang mga anak.Tutal nasa Singapore ang isa nitong anak,kaya doon nya balak dalhin si Xandie.
Pumayag naman ang dalaga dahil gusto nya makalimot sa problema pansamantala,at ng makilala rin ang pinsan nya.
Madali lang naayos ng Tita nya ang mga kailangan kaya ngayong araw na ang flight na...