The Choosen ONE Chapter Trese


Tatlong linggo na ang nakalipas ng mangyare ang halikang iyon sa pagitan ni Thriod at Nadeline.
Tatlong linggo na ring pinag isipan ng dalaga kung sasabihin nya sa binata ang tinatagong problema.
At nakapagdecide na sya.Sasabihin nya na sa lalaki ang totoo.At balak nyang mamayang tanghalian nya sasabihin dito.Dahil ito lang ang oras na nakakasabay nya sa pagkain ang binata.
“Ma’am Nadeline!tawag ng isang katulong sa kanya mula sa labas ng silid nya.
Pinagbuksan nya ito ng pinto.
“Pinapasabe ho ni Lord Thriod na hindi daw po sya makakauwe ngayong tanghalian.Mauna na lang daw po kayong kumaen”. magalang na sambit nito,napatango na lang sya bilang kasagutan.
Yumuko ito tsaka umalis na.
Sayang at di nya makakasabay ang binata.
Iniiwasan ba sya nito.
Dahil aminin man nya sa Hindi buhat ng mangyare ang kiss sa pagitan nila.
Lagi na lang ito wala sa mansyon.
Dalawang oras din ang tinagal ng dalaga sa loob ng kwarto nya.Nag iisip ulit kung paano...


ba makakausap ang lalaki.
Nang magreklamo ang tiyan ay lumabas na rin sya kalaunan.
Nadatnan nyang naghahanda ng tanghalian ang mga maid sa kusina.
Ng makita sya ay agad yumukod ang mga ito.
“Kakain ka na ba iha?tanong sa kanya ni Manang Isang.
“Opo”magalang na sagot nya habang nililibot ang paningin sa paligid.Nagbabasakali baka dumating ang binata.
“Si Lord Thriod ba ang hinahanap mo?Nagbilin sya kanina na hindi sya makakasabay sa pagkaen ngayong tanghalian.”wika ng matanda habang pinasasalin sya ng maiinom sa baso.
“Naku ho,ako na po”. nahihiyang inagaw ni Nadeline ang pitsel na hawak ng matanda.
Ngumiti ang matanda tsaka pinaubaya na lang Kay Nadeline ang pagsasalin ng tubig.
Nagsimula na syang kumaen.Inaya pa nya ang mga tatlong katulong nasabayan sya sa pagkaen pero tumanggi ang mga ito.Parang takot na takot umupo sa mamahaling upuan ang mga ito.
“Senior Flavo!!nasa boses ni Manang Isang ang pagkagulat ng mapagsino ang pumasok sa kusina.
Hindi nila ito inaasahang darating.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top