Hiding the Billionaire’s Daughter CHAPTER 28


Nag-alisan na ang mga bisita ng party ni Faith. Sila sila nalang ang natira sa mansyon. Kaya ayun, di na naman maiiwasan ang asaran at tuksuhan.
“I’m so happy Ate Fatima, so when is the wedding? Gosh I’m so excited na talaga. Magkakaroon na ng kapatid si Faithy.” masayang ani ni Trish. Agad namang nagsalita si Troy.
“Ehh ikaw ate Trish kailan mo sasagutin si Cedric?”mabuti nalang ay wala na doon ang binata dahil kailangan na daw nitong umuwi dahil walang kasama ang Tita nito sa bahay.
“What the hell are you talking about huh?! Hindi nga kami friends ehh. And duh hindi niya ko gusto.” angil ni Trisha.
“Sinabi niya ba na di ka niya gusto? Yung paningin nga niya kanina ay di mawala sayo. Pero ang tanong may gusto ka ba sa kanya?” tanong ni Fatima kay Trisha. Nakikinig lang ang lahat sa sasabihin nito.
“Wala ate and why are you paring me with him? Were not that close either.” maarte nitong Saad.Kaya pati ang mommy Clara nila ay sumali na rin sa usapan.
“Hindi yan ang nakikita namin. Iba ang mga tingin niya sayo. Di na kami magugulat kung pupunta yan dito at sasabihin liligawan ka.” kaya humagalpak ng tawa si Troy. Si Trish naman ay hinampas ito ng unan na nakalagay sa couch. Malambot naman iyon.
“You’re mother is right. Sooner or later that will happened and don’t worry we like him for you. You look good together.” Saad naman ng daddy Tyron nila.
“Keep denying Trish. At wag ka magsalita ng tapos. Baka mamaya siya pa ang magpaiyak sayo. But if that happens he should ready himself.” sabi ni Tyler habang nakayakap sa asawa na katabi nito,si Faith kasi ay katabi ng lolo at lola nito.
“Tita ayaw niyo po nun may bahay na kayo agad and I’m sure po magiging maganda ang house niyo. Ninong Cedric is one of the best engineers kasi.” si Faith naman ang nagsalita kaya nabaling ang atensyon ng lahat dito.
“Hahaha tama ka diyan Faith.”
“Gosh why is everybody talking about me? It’s about Kuya Tyler and ate Fatima. Pinagtutulungan niyo ko ehh.”
“Halata naman ate diba?” pang-aasar pa ni Troy.
“Well the wedding should be great as the party. Its should be grand. Dahil pakakasalan ko ang babaeng makakasama ko ng pang habang buhay. The woman who completes me and the mother of my daughter and my soon to be child.”
“Ang cheesy mo Kuya. Ano ba yan!” sinamaan ito ng tingin no Tyler.
“Joke lang naman ehh. Di ka naman mabiro. Anong trip mo sa kasal niyo? Handa ka naming tulungan sa abot ng aming makakaya.” madramang Saad ni Troy. Kaya natawa ang lahat pati si Faith lalo na si Fatima.
“Ate Fatima tawang tawa tayo ahh. Sana naman kamukha ko yung baby niyo diba. Ako pa naman ang pinapagpala pagdating sa itsura sa pamilyang to.”
“Asa ka Troy!” sagot ni Fatima.
“Ouch naman ate. Okay lang naman basta hindi rin kamukha ni Kuya.”
“Kayo po Tito Troy wala po kayong nagugustuhang girl?”tanong ni Faith kay Troy.
“Wala, dahil sila ang nagkakagusto sa akin.”pagmamayabang pa nito.
“Oo kaya lagi mong pinapaiyak ang mga babae.Sabihin mong hindi tatamaan ka sakin. At yung mga kalokohan mo sa University niyo.” natahimik ito dahil sa sinabi ng ina. Paloko loko si Troy pero pagdating sa mommy nila ay tiklop naman.
“Tama ka diyan mom. Di na yan magbabago.”
“Mommy pwede po ba akong magsleep?...


Inaantok na po kasi ako” tanong ni Faith kay Fatima at humihikab na ito.
“Sige baby, samahan na kita,”
“Tama si Faith matulog na ang lahat. Lalo ka na Troy ng matahimik ang lahat.”
“Bukas planuhin na ang kasal. Sigurado naman akong di na makapag-intay yan si Kuya.”napangiti naman si Fatima sa narinig. Di na rin siya makapag-intay na makasal sa lalaking pinakamamahal niya. Doon na natapos ang usapan.Dahil pagod ang lahat ay nagpunta na ito sa kanya kanyang kwarto. Ang mga katulong nalang ang mag-aayos ng lahat.
Pinagbihis muna ni Fatima si Faith saka niya pinahiga ang anak sa kama at tinabihan ito.Pumasok sa kwarto si Tyler at tumabi sa kanila. Nasa gitna nilang dalawa si Faith.
“Daddy !!! Pwede po dito kayo matulog ni mommy?please kahit ngayon lang po.”
“of course, baby ” sagot ni Tyler sa anak nila.
“Basta makakapagpasaya sa prinsesa namin.”sabi niya naman niyakap sila nito. Nagulat silang mag-ina ng may inilabas si Tyler na maliit na box.
” Daddy ano po yan? ”
“My gift to my princess.”
“Gift po?” ani ni Faith. Nakatingin lang sila sa box at ng Buksan ito ni Tyler ay napaawang ang labi niya. Napakaganda naman ng regalo nito sa anak nila.
“Tyler naman masyado mo namang iniispoiled si Faith sobra na yung party.”
“Its a necklace daddy? For me po? Ang ganda po!Thank you po daddy labyu po” sinuot naman nito ang kwintas sa anak nila na sobrang pagkatapos ay niyakap ito ng anak nila at kiniss sa pisngi. Ang pendant ng kwintas ay letter F at sobrang ganda nun.
“it’s for my princess it’s should be special.” napangiti si Fatima sa narinig at di niya maiwasang ang mapaluha dahil sa lubos na kasiyahan.wala na siyang mahihiling pa. Halos lahat nasa kanya na.
“Kung ako po ang princess niyo,ano niyo po si mommy?”
“She’s my queen.” diretsa nitong sagot at walang pag-aalinlangan.
“Faith ano palang gagawin mo sa mga gifts na natanggap mo kanina. Buksan ba natin bukas. Tulungan ka ni mommy?” pag-iiba niya sa usapan. Baka lalo siyang maging emosyonal.
“Super dami po niya bigay nalang po natin yung iba sa ibang kids mas kailangan po nila yun kaysa sa akin. Sobra sobra na nga po yung natanggap kong gift.Yung makasama po si daddy sa birthday ko, gift na po yun.”kahit kailan ay di nagsasawa si Faith na pasayahin sila.
” You raised her well. “bulong nito Tyler sa kanya.
” Ang galing naman po kay mommy ring akin po necklace. Sleep na po tayo? ”
” Ikaw muna baby bantayan ka namin ng daddy mo, dito rin kami matutulog.” humalik muna ito sa pisngi nila at yumakap bago humiga. Malaki ang kama nito kaya kasya sila.
“Goodnight mommy and daddy. Love you so so much po.”
“Goodnight din baby” sabi niya sa anak nila. Ipinikit na nito ang mga mata.
“I love you Fatima, thank you for giving me a Daughter like Faith. I can’t imagine my life without. I love you so much.”
“I love you more. Kayo ni Faith. Ikaw lang ang gusto kong makasama at paulit ulit kong pipiliin at nag-iisang ama ng anak ko.” siya na ang humalik dito pero smack lang. Baka mamaya magkalimutan nasa kwarto sila ni Faith. Pagkatapos nun ay tumabi na sila sa anak nila at pareho nila itong niyakap.Sa piling ng bawat sila ay masaya.
A/N:sorreh po ngayon lang nakaupdate❣️goodnight po sa lahat 😴❤️labyu all😚excited na meh sa kasal😂






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top