WHERE THE PLACE I BELONG TO” CHAPTER 22


Bumalik nga sila ng mansyon na tila hindi man lang sila naligo sa dagat, ni hindi nabasa ang kanilang mga damit. Siya pa lang ang nakakaalam ng totoong pagkatao ni Mark, handa naman magtapat ito sa harapan ng kuya niya at ng Lolo Gregorio niya subalit sabi nito hindi pa iyun ang tamang oras.
Pagdating nila sa mansyon ay nadatnan nilang nasa sala na ang kanyang lolo, at ang kuya niya. At tila may panauhin sila…
“Morning Lolo” nakangiti niyang bati sa Lolo niya ng makalapit dito.
“Morning din sayo iha” nakangiti rin nitong bati sa kanya.
Kasama si Mark ay nagtungo muna sila sa kusina at kumuha ng maiinom, tila kakarating lang ng panauhin nila. Kaya naman sila na ni Mark ang nagasikaso ng bulungan siya ng kuya niya na kumuha ng maiinom ng panauhin.
Tila isang magasawang dayuhan ang kanilang panauhin kung hindi siya nagkakamali. At isang sa babaeng sa tingin niya ay kasing edad lang niya.
Pagbalik nila dala ang inumin ay nagtatawanan na ang mga ito. Si kuya at ang babae ay naguusap na rin.
“Iha halika…” Tawag ng Lolo niya sa kanya.
Lumapit naman siya dito at si Mark ay nasa likuran lang niya, ngumiti lang ito ng tumingin siya.
“By the this is my granddaughter Aiana, she’s graduated from bachelor of science in natural sciences” pagpapakilala ng Lolo niya sa kanya sa mga panauhin nito.
“Oh I see, she have a bright blue eyes, like Martha” wika ng may edad na babae.
“Yes, I noticed it when she entered the house” nakangiti namang wika...


nung may edad n lalaki.
Napangiti na lang siya, at makalipas ang kalahating minuto ay tapos na silang magusap, kaya naman lumapit siya kay Mark. At lumapit sa kanyang kuya.
“Oh by the way Aiana, this is Kristina -she is my childhood friend in LA” wika ng kuya niya.
Nakipagkamay siya dito ganun din ito.
“Hi, nice to meet you Kristina” nakangiti niyang bati dito.
“Hello, nice to meet you too Aiana” wika nito.
“By the way this my fiance Mark” pagpapakilala niya Kay Mark.
Nakipagkamay din ito, pero seryoso pa rin ang mukha nito. Matapos magpakilala ay nagpaalam muna siya sa kuya niya tutungo sa second floor kasama si Mark, doon muna sila sa tesoro malapit sa kwarto niya.
Yes Mark is her fiance now, noong nakarang araw pa, dahil formal na itong nagpropose sa kanya sa harap mismo ng kuya Robert at Lolo Gregorio niya. Akala niya pipigilan siya ng Lolo niya ngunit ngumiti na lang ito, dahil alam nito na nasa mabuti siyang kamay.
“Bagay si kuya Robert at Kristina” wika ni Mark ng paakyat na sila ng second floor.
“Oo nga ” nakangiti niya ring wika dito.
“Okay Lang ba sayo na siya ang makatuluyan ng kuya mo?” Tanong nito.
“Oo naman, diba sabi niya kababata niya yun, pansin ko rin na may gusto si Kristina Kay kuya” sagot niya.
“Pansin ko nga rin eh” natatawa din nitong wika.
Naupo sila sa silyang naroon sa tesoro, at nagkwentuhan. Hanggang sa tawagin sila ng kuya niya para kumain ng tanghalian.
πŸ₯Ί Sorry for super late update πŸ₯ΊβœŒοΈ






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top