*2U* Chapter 4


(Tanya POV)
+ diyos maawain, mabuti na lang dumating to si Ken. Kung hindi, ewan ko na lang.
Ken- hiiii. Anyare? Tahimik ata?
Syto- Sa pagkaka alam ko may inutos ako sayo.
Ken- oo nga. Ok na.
+ snob lang sya ni Syto. Lumapit naman si Ken sakin.
Ken- Ok ka lang Tanya?
Tanya- ok la- pano mo nalaman ang pangalan ko?
Ken- haha, galing ko diba?
+ si Syto naman, umupo na ulit sa harap ng piano at nagsimula na ulit tumugtog. Habang tumutugtog sya, kinakausap naman ako ni Ken habang nakaupo kami sa gilid.
Ken- ang totoo binabanggit ka talaga ni kuya sakin.
Tanya- ha? Bakit? May mga sinasabi ba syang masama tungkol sakin?
Ken- haha, hindi ganun. Ang lagi nya lang sinasabi tuwing nag eensayo kami dito, uuwi na sya at may pagagalitan pa syang pusa, at ang pangalan ng pusang yun ay Tanya. Hindi ako naniwala, alam ko naman kasing Ayaw nya sa pusa.
+ Muka ba kong pusa? Tumingin ako kay Syto, at seryosong seryoso sya sa pagtugtog.
Tanya- bakit kuya ang tawag mo sa kanya. Magka ano ano ba kayo?
Ken- Wala. 2 years ago nung naglayas ako samin, kasi Sinasaktan ako ng step father ko eh, hindi rin nila ako pinag aaral. Hanggang sa madaanan nyako dyan sa harap na natutulog. Ginising nyako, sinama dito sa loob. Nung una natatakot pako sa kanya, kasi parang hindi sya gagawa ng tama eh, diba? Hihi wag ka maingay ha. pero nung tumagal, sanay nako na kasama sya. Gustuhin ko mang makasama sya kahit nasan sya, ayaw nya kaya ipinakiusap nyako kay Sir Luke na baka pwedeng makitira ako sa kanila, mabait naman si Sir kaya sa kanila ako tumira non. dito tinuruan ako ni kuya ng ibat ibang instrumento, hanggang sa kinuha nyako sa banda nya.
Tanya- Banda?
Ken- oo, bale lima kami dito, at lahat kinupkop lang ni kuya.
Tanya- pero bakit ganun?
Ken- hm? Ang alin?
Tanya- ha? Ahh wala.
Ken- actually, ginawa nya yun kasi dun din naman sya nagsimula eh. Kinupkop din sya ni Sir Luke. Pero hindi sya tumira dun.
+ napatingin na naman ako sa kanya. Kung ganun kabait si Syto, bakit nya ginagawa sakin to? Biglang tumigil na sa pagtugtog si Syto. Tumakbo palapit sa kanya si ken.
Ken- kuya tara kumain.
Syto- busog pako.
Ken- seryoso? Ikaw Tanya? Gusto mo kumain?
+ o-oo na sana ako ng samaan na naman ako ng tingin ni Syto. Ito na nga yata ang sinasabi nya na sundin ko dapat lahat ng gusto nya. Lintek na iyan!
Tanya- uhmm, nako kakakain ko lang eh.
Ken- hayss. Hmmm. Alam ko na. Pumunta na lang tayo sa Carnaval. Matagal ko ng gustong pumunta dun eh. Dali wala naman kayo gagawin diba?
+ oh my god ako din. Hinila na ni Ken si Syto kaya sumunod narin ako. Haha wala ng nagawa si Syto sa pangungulit ni Ken. Magkaibang magkaiba sila kay siguro nagkakasundo rin sila.
Syto- Ken! Masyado pang maaga para mag carnaval.
Ken- ok lang yan. Mag rarides naman tayo eh. Tsaka kakukuha ko lang ng sweldo kay Sir kanina eh.
Syto- diba sabi ko mag ipon ka, diba gusto mong pumasok??
Ken- oo nga, pero–
Syto- wag ka ng makulit.
+ sumimangot na lang si Ken. Hindi nako nakatiis. Para sa Mag ra rides lang naman eh. Bakit ba ang nega nitong taong to.
Tanya- ano ka ba?!! Minsan lang naman to eh. Bat di pa natin sya samahan? Edi kung ayaw mong sumama, edi kami na lang Dalawa
+ naningkit na naman ang mga mata nya sakin. Bahala sya. Pumara na kami ng taxi ni Ken, nakasunod lang naman si Syto. Pagdating don, excited na excited si Ken na parang wala ng bukas.
Ken- Tanya, sakyan natin lahat ha. Excited nako.
Tanya- lahat?
Ken- oo lahat.
+ hinila nako ni Ken, pasunod sunod lang naman si Syto. Minsan niyayakag namin sya, pero laging ayaw nya. Kaya kami lang ata ni Ken ang nag eenjoy. (fast forward) ayun na nga, ang dami naming sinakyan. Kakapagod din pala talaga, inabot na kami ng gabi kaka try ng mga rides, minsan nga tatlong beses pa naming sinasakyan yung ibang rides, di ko yata kayang tapatan ang energy ni Ken. Gabi na at naglalakad lakad na lang kami para magtingin ng mga paninda at games.
Ken- grabe yun. Ngayun ko lang nagawa yung sumakay ng ferris weel ng dalawang beses. Pero ikaw, parang wala lang sayo ah. Ni hindi ka ata natakot eh.
Syto- isa lang kasi kinatatakutan nyan.
Ken- ha?
+ ano na naman bang gustong sabihin nito.
Tanya- uhmm, Ken, nakakagutom no?
Ken- oo nga eh, teka bibili ako ng mamemeryenda. Hintayin nyoko dito ha.
+ at tumakbo na nga sya para maghanap. Kaya eto tahimik na naman po kami. Nakatayo lang kami don at nakatingin lang sya sa mga tinda at palaro sa paligid. Napatingin naman ako sa kanya. Ngayun napaka simple ng awra nya, seryoso lang ang mood nya pero masasabi kong ang sarap nyang titigan dun, nakapamulsa at napaka angas ng tindig. Di halatang nananakit. Bigla akong napatingin sa mga dumadaang babae, lahat sila mamabali na ang leeg kakatingin sa kanya, tapos sya dedma lang. Kilig na kilig naman yung mga babae, pwes inyo na, sana mabuhay pa kayo. ewan ko ba pero medyo nainis ako kaya tinanggal ko ang sumbrelo na nilagay nya sakin at isinuot ko uli sa kanya. Nabigla sya sa ginawa ko. Kahit ako nabigla eh. Tumingin lang sya sakin, agad akong umiwas dahil nakaka magnet talaga yung mga mata nya.
Syto- bakit?
+ nagsalita ako pero hindi ako tumitingin sa kanya.
Tanya- wala baka mahamugan ka lang, ako pa ang sisihin mo.
+ hindi sya umiimik, pinakiramdaman ko pero hindi talaga sya sumasagot. Kaya humarap nako sa kanya at nabigla na naman ako dahil binalik nya sa ulo ko ang sumbrelo.
Syto- gusto mo bang makatikim ng sinturon mamaya ha?!! Kelan pa ba ako nagka pake sa mga tumitingin sa paligid ko? May pake lang ako kapag tumitingin na sila sayo.
+ natahimik lang akong nakatitig sa kanya. Hindi Tanya, matibay ka. Wag kang magpadala, baka mamaya makatikim ka na naman ng pasa.
Ken- Yow guys, eto na. Ice creaaaaaammmm…
+ dumistansya agad ako kay Syto at kinuha ang ice cream na dala ni Ken.
Syto- hindi ka pa ba uuwe?
Ken- hmm, (shock) hala. May performance nga pala ngayun sa Studio. Patay!
Syto- alas syete imedya pa lang. Abot ka pa. Pumunta ka na.
Ken- tsk! Sige kuya. Ahh sya nga pala Tanya. Pwede bang makuha ang number mo?
Syto- para san?
Ken- uhmm, kasi madalas wala akong ginagawa eh para naman may makasama ako kapag may mga gusto akong gawin.
Syto- ano bang gusto mong gawin?
Ken- ganto kuya. Alam mo naman yun eh, pasyal, adventure. Tsaka Games.
Syto- bakit—
Tanya- heto oh. Wag mo na lang sanang ibibigay sa iba.
+dami pa kontra.
Ken- oo naman. Pano kuya, tanya alis nako. Ingat kayo pauwe ha.
Tanya- sige.
+ nagtatakbo na sya paalis. Kaya naiwan kami ni Syto.
Syto- umuwi...


na tayo.
Tanya- pano kung ayoko pa?
+ tiningnan na naman nyako ng diretso.
Syto- kelan ka pa sumuway sa sinasabi ko?
Tanya- hindi naman sa ganun. Kasi naman, minsan lang din naman ako makalabas at makapamasyal diba.
Syto- Tanya.
Tanya- syempre gusto ko ring sulitin to, nandito nadin naman ako eh.
Syto- Tanya!!!!!
+ nagitla ako nung medyo sumigaw na sya.
Syto- ang sabi ko uuwi na tayo.
+ naglakad na sya palabas ng carnaval. Ano bang problema nya? Kanina naman medyo ok pa sya. Sumunod nako, nakakaramdam na naman ako ng kaba nung sumakay na kami pauwi hanggang sa pinto ng bahay. Tumigil muna kami saglit at hindi muna pumasok.
Syto- bakit mo binigay ang number mo?
Tanya- b-bakit? Mabait naman si Ken.
Syto- ganyan ka ba sa lahat ng lalaking mabait sayo, ibibigay mo na lang basta ang number mo?!!!
Tanya- anong ibig mong sabihin?
Syto- Sino pa ba ha? Sino pang mga lalake ang may alam ng number mo?!!!
+ nasaktan ako sa gusto nyang iparating, kahit hindi nya sabihin, alam ko na. Kaya binuksan ko na ang pinto at pumasok pero sumunod sya at hinila ako sa braso sabay lock ng pinto. Iyakin yata talaga ako pero tumulo na naman agad ang luha ko.
Syto- kinakausap pa kita!!!!
Tanya- Ano bang pake mo? ano bang akala mo sakin ha?!! Na ganun na lang akong babae?!!!!
+ mas hinigpitan pa nya ang hawak sa braso ko at nasasaktan nako dahil dun.
Syto- bakit? Hindi ba?!!!!
+ napatigil ako sa sinabi nya. Para akong yinurakan dahil sa simpleng bagay. Kaya sinampal ko sya ng malakas. Napabitaw sya sakin at napahawak sa pisngi nya. Maya maya tumingin uli sya sakin, hinablot nya uli ako sa braso at hinila papunta sa kwarto nya, itinulak nyako sa loob. Umiiyak na naman ako. Ano na naman bang gusto nya!! Lumabas sya at sinara ang pinto ang di ko alam pinodlock nya pala sa labas.
Tanya- Syto!! SYTO!!! Sandali!!!!
Syto- hindi ka makakalabas dyan hanggat hindi mo parin naiintindihan ang pinag usapan natin!
Tanya- Ano na naman bang gusto mo?!!!
+ hindi sya sumagot. Pilit kong binubuksan ang pinto pero wala akong magawa.
Tanya- SYTO!!! BUKSAN MO TO!!
+ patuloy akong umiiyak at nagmamakaawang buksan nya ang pinto.
Tanya- SYTO…. PALABASIN MO NAKO PLEASEE!!! BUKSAN MO TO!!! PLEASEEEEE PARANG AWA MO NA!!!
+ pero wala akong narinig na sagot kahit konti. Napaupo na lang ako sa gilid ng pinto, naghahantay na buksan nya na to. Pero tulad ng inaasahan, hindi nya binuksan. Hinanap ko ang cellphone ko at pagkakita ko inisip ko kaagad kung sino ang pwede kong hingan ng tulong. Ng ida-dial ko na ang number ni Nanay. Napatigil ako, naisip ko na naman na pag aalalahanin ko pa sila at ayoko rin na madamay pa sila, kaya napaiyak na lang uli ako dahil hanggang ngayun wala parin akong magawa. Niyakap ko na lang ang tuhod ko at tumungo. Lalo na at madilim din ang kwarto nyang to. Hanggang ngayun takot na takot parin talaga ako sa mga pwede nyang gawin. At di ko namalayan na nakatulog nako.
(finally Syto POV)
+ hindi ko alam pero nainis talaga ako nung ibigay nya ang number nya. Alam kong napaka babaw nun para magalit ako. Pero ewan ko ba, ganto talaga ako. Hindi ko na napipigilan ang sarili kapag nakaramdam nako ng galit. Pero kanina, maniwala man kayo o hindi, pinigilan ko ang sarili ko na wag syang saktan kaya pinilit kong hindi gumanti ng sampal nung sinampal nyako. Isa lang ang naisip ko, yun ay ang ikulong na lang sya sa kwarto ko alam ko naman na mali, pero ito na talaga ang mindset ko, na lahat ng bagay hindi nadadaan sa usapan, mas masusunod ang gusto ko kapag ginamitan ko ng dahas. Tahimik lang akong nakaupo sa sofa. Alas 10 na at hindi ko na naririnig ang pagiyak nya mula sa loob. Kaya naisip kong pumasok dun. Pagtingin ko nakaupo sya sa tabi tulog at yakap ang sariling tuhod.
Tanya- Nayy…
+ medyo nakonsensya ako ng marinig ko syang nananaginip. Binuhat ko sya at iniakyat sa kwarto nya. Malalim ang tulog nya. Bumaba ako saglit para kumuha ng ointment para sa mga latay nya kahapon. Bago ako umakyat napatigil ako saglit.
Syto- bakit ko ba ginagawa to?
+ napaisip n alang ako kung bakit ko nga ba ginagawa to. Hindi ko narin maintindihan. Pero umakyat parin ako sa taas, pagdating ko dun itatagilid ko sana sya pero bigla syang nagising.
Tanya- S-Syto?!
+ medyo lumayo sya sakin pero hinila ko sya. Alam kong takot sya pero kaylangan koring gamutin ang mga latay nya. Itinalikod ko sya sakin habang nakaupo kami parehas sa kama.
Syto- Hubadin mo yang damit mo.
+ nabigla sya sa sinabi ko at napatingin sakin.
Tanya- anong gagawin mo?!!
Syto- ano ba sa tingin mo? Gagamutin ko yang latay mo!!
+ itinalikod ko na sya ulit kahit muka na naman syang nagtataka. Ako na ang nagtanggal ng damit nya. Napayakap uli sya sa tuhod nya. Nahihiya siguro sya dahil naka bra na lang sya, nagfocus na lang ako sa mga latay nya at ginamot yun, minsan napapa aray sya kaya iniingatan ko ang paglalagay. Pagkatapos nilagyan ko na isa isa ng aid cloth para hindi matangagal ang ointment.
Syto- yung sa hita mo? Masakit pa ba?
Tanya- o-ok na. Ok nako.
Syto- akin na yang damit mo.
– ako na ang nagsuot sa kanya nun habang nakatalikod parin sya sakin, pero bago ko isuot ng tuluyan, napatitig ako sa mga ginamot kong latay nya. Natahimik ako dahil may naalala na naman ako. Ibinaba ko na ang damit nya. Hihiga na sana sya ulit ng hilahin ko sya at yakapin sya sa likod.
Tanya- anong ginagawa mo?
+ hinigpitan ko ang yakap ko at ipinatong ang ulo ko sa balikat nya. Hinalikan ko sya sa leeg ng isang beses, kakawala sana sya pero hindi ko sya pinakawalan sa pagkakayakap.
Tanya- Syto!
Syto- pwede bang maya maya ka na matulog?
+ hindi na lang sya sumagot. Bagkos huminga na lang ng malalim, di ko namalayan na medyo pumatak na pala ang luha ko pero hindi ko na lang pinahalata. Patay ang ilaw kaya tanging sa lampshade at bintana lang nanggagaling ang liwanag.
Tanya- Bakit mo ba ginagawa sakin to Syto?
+ narinig kong nagsisimula na naman syang umiyak.
Tanya- ano bang kasalanan ko para maranasan ko to sayo?
+ hindi ako makaimik, hindi dahil sa ayoko kundi dahil sa kahit ako hindi ko rin alam kung ano ang ginagawa ko. Masaya ako na may kasama ako pero hindi ko parin maintindihan. Kasi siguro natatakot ako sa di ko alam na dahilan. Iniharap ko sya sakin at pinunasan ang luha nya. Niyakap ko sya uli at hinalikan sa noo habang tumutulo parin ang luha nya.
Syto- Sorry.
+ at muli nag sorry ako sa kanya. Inalalayan ko na sya ng pag higa. Kinumutan at pagkatapos ay lumabas nako. Dumiretso ako sa kwarto ko at humiga. Napapaisip na naman ako kung bakit ginagawa ko to. Kung bakit ginulo ko pa ang tahimik nyang buhay. Kung bakit di pako umalis ng malaman kong may titira na sa bahay nato. Isa lang ang alam ko, hindi ko na kayang umalis dito. Kung bakit? Yun ang hindi ko maipaliwanag.
Itutuloy……….






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top