the GODDES,nerd (BOOK2) CHAPTER 1


“Ohh!mel anak saan ka galing?”bungad ng ina nitong si aling pacing!50years old na ang kanyang nanay ngunit araw-araw itong naglalako ng kakanin sa maliit nilang nayon..masipag si aling pacing..
Siguro dito gumaya ang kanyang anak..
Nasa lamesa ito ng umagang iyon,naghahanda ng sumang kamoteng kahoy upang ilagay sa kaldero para maisalang..
Dahil mamayang hapon ..
Ito ang kanyang ititinda ..
“Ahh dyan lang nay!may ulam po ba tayo??”tanong nya,lumapit ito sa lamesa kumuha ng baso at nagsalin mg tubig mula sa pitsel na katabi lamang ng mga baso
At uminum,
“Wala eeh,mamitas ka nalang ng mga sitaw sa bakuran at bilhan mo ng 1/4kl.ng baboy at adobohin mo..
Wala si Mike pumunta ng bayan,may iniutos ang lola maning mo!”
Si Melodia ay may nakababatang kapatid.si Mike,labin anim na taong gulang at nag aaral pa lamang sa highschool..
Graduating na sya ngayong taon..
Si mel ay magkokolehiyo na sa pasukan..kaya sya kumakayod ng husto upang makaipon at makapag aral..
Kahit sya ay may pangarap ding makapagtapos..
Gusto nyang maging pulis o kaya’y sundalo..pangarap nya iyon mula bata pa sya..
Kaya dapat lang na matupad nya..
Ayaw nyang i-asa sa magulang ang mga bayarin kaya sya nagsisipag..
Tanging magsasaka lamang kasi ang kanyang ama,nakikisaka lamang sa lupa ng pinakamayamang pamilya sa bayang iyon..magkano nga lang ba ang kita sa pagsasaka?
Kakarampot lamang din..
Kung mamalasin at may bagyo o subrang araw..nalulugi rin ang pataniman ng palay ng kanyang tatay..
“Nay!sya nga pala pupunta po ako kina mang Ambo.ako raw ang magkakatay ng baka nila…
“Anu??eh diba?marami silang tauhan sa mansyong iyon?”bulalas ng ina habang panay ang lagay ng suman sa kaldero
“Ewan ko po!ahh basta ako ang magkakatay nay,malaki ang sisingilin ko sakanya..mahirap kaya ang magkatay ng baka..”
“Anak bakit ba kasi mga ganyang gawain ang gusto mo??”
“Eh nay!sino naman ang may gustong kumuha sakin bilang model,parlurista o taga sukat ng mga gown?gayong …
Ohhhh..look nay!!”umikot ito at kinuha ang cap na kulay brown na nakasuot sakanyang ulo
“Mukha ko palang hu,natatakot na silang malugi!”
“Anak naman kung kasi marunong ka magdamit babae edi sana maganda ka,subrang ganda melodia!”
“Ay nako nay!mel lang wag yang melodia ang panghi pakinggan…”tumalikod ito pagkatapos kunin ang kotselyo sa kanilang kusina..simple lamang ang bahay nila.pawid lamang ang atip at kawayan ang dingding..subalit kahit ganun paman..
Masaya ang buhay nila kahit minsan ay kinakapos sa usapin ng salapi
“Aalis na ako nay!”
‘oh sya mag iingat ka,umuwe ka ng maaga kasi wala akong katulong sa pagtitinda!”sigaw ng nanay nya..nakalabas na kasi ito ng bakuran habang sukbit sa bewang ang kotselyong pangkatay nya ng baka..
Habang nasa daan ..
Pasipol-sipol ito habang naglalakad..may kalayuan ang mansyon mula sa kanilang tirahan..
Kaya kailangan nyang bilisan..
Ngunit habang naglalakad
“Oy!pareng Mel!mukhang masaya ka ahh!’lika muna inum tayo!”si Montsing..
“Pesteng montsing na ito,ang aga aga panga lasing na!”bulong nya
“Sige ipaligo muna yan pre at para makauwe kana ,tumulong ka kaya sa ina mo para naman may silbi ka sa mundo!!”hiyaw nya may kalayuan kasi ang tindahang kinauupuan nito..
“Ang ganda mo sana pero lalaki ka,sayang!”
Sabay halakhak ng montsing
“Oo nga,ikaw bungi nanga lasinggero pa!”sabat nya
Tumakbo na ito bago sya mabweset at makasapak ng lasing na tao…
Habang tumatakbo ay lumilipad lipad ang kanyang mahabang buhok na kulot..
Humahawi ito sa tuwing umiihip ang hangin..
Maganda sya!
Subrang ganda,sabi nga ng kanyang ina,ngunit hindi nya iyon binibigyan pansin…
“Mel!!bilisan mo kanina kapa hinahanap ni mang ambo!”isa iyon sa tauhan sa mansyon ng mga Yamamoto..
“Sige ken,”sabay pasok sa malaking gate na iyon..nakita nya pang ngumite ang ken pero di nya binigyan pansin dahil sa pagmamadali..
Umikot sya sa gilid ng lugar..memorize na nya ang pasikot sikot sa mansyon dahil tuwing may pinaayos o may ipalilinis,
si Melodia ang tinatawag ni Mang ambo!
“Mel!bakit ang tagal tagal mo naman?kanina pa kita pinatatawag!!”irita ang matanda,pansin nyang marami ang mga tumutulong..
“Ganun ba talaga kahalaga ang taong iyon para paghandaan ng enggrande tulad nito..?”
May bakang nakatali sa unahan at may dalawang baboy na may 100kls ang bawat isa..
“Parang fiesta kung pagmamasdan..aligaga ang lahat!anu ba yong seniorito nila?higante??”pabulong bulong pa ito
“Hooy mel bilisan mona!”tapik ni mang ambo sa natulalang si mel
“Ay bungal!!!”hiyaw nya sa subrang gulat..
Tawanan ang lahat dahil sa narinig..
“Aba manung!bungal karaw!”saad ng lalaki na naghihiwa ng mga gulay
“Manahimik ka!hambalusin kita riyan eeh!!”kaya yumuko ito at itinuloy ang ginagawa
Kinuha ni mel ang kotselyong nasa gilid..
“Tara na simulan na ang katayan!!”sabay taas niyon..
Limang kalalakihan ang tumulong sakanya upang mapatay ang lahat ng hayop..isang baka at dalawang...


baboy..
Nilinis iyon at inayos upang mailichon na..
Mamayang gabi daw kasi gaganapin ang handaan..
“Alam mo mars,ang gwapo gwapo ni seniorito,nakakalaglag ng panty may gasshhh!!”kilig ng isa sa kasambahay habang nagluluto at ang isa nasa lamesa naghihiwa ng mga sangkap..nasa kusina sya dahil ang sabi ni mang ambo mamaya na sya umuwe at tumulong muna ito upang makakain din sya sa handaan..
“Ayyy talaga ba,sana mapansin nya tayo anu??”naibuga ni mel ang kaiinum na juice ng marinig nya iyon..
Paano ba naman eeh ang tatanda na ng dalawa ang lalandi parin,
“Bakit di kaya sila naglandi noong bata pa?”bulong nito sa isip
“Kung saang gurang at makunat tsaka lang kinilig,nakakakilabot!!”muling isip nya..
“Okay kalang mel??”
“Okay lang nay mela!”
“Pssst wag mo akong tatawaging nay mela kapag dito
,miss mela muna malay mo mapansin kami,”sabay siko sa katabi
“Diba inday?”
“Ayyy oo nga miss mela!”sabay tawanan nilang dalawa,kung titingnan nasa 47 na ang edad nila pero makakati parin..
Tahimik lang si mel habang nakaupo sa upuang kahoy..nakikinig ito sa usapang ng mga gurang..
“Siguro mela ang sharrraaap nyang humalik habang tumitirik ang mata..
Nakahawak pa si miss mela kuno ng sandok..at animoy nag eemagine na ang sandok ang seniorito at hinahalikan…nya
“Aray!!”
Ng makita iyon ni melodia ay halos sumakit agg tiyan nito kakatawa dahil napaso ang bibig ng babae .
Hindi ba naman sandamukal ang katangahan,bagong sandok sa kaserola tapos itatapat sa bibig ha ha ha..
“Aray!ang sakit,tingnan monga jonna?namula ba?”tumapat ito sa kausap..kaya tiningnan naman iyon ng jonna raw..
“Namula nga mela,lagyan mo ng colgate,!”saad pa nito
Lumapit si mel na hindi parin napapalis ang ngite..
“Patingin!”hinawi nya ang kamay na nakatabon sa bibig..
At ng makita nya..
“Aha ha ha ha ha ha..”walang katapusang pagtawa ang ginawa nito..
Paano ba naman..nanlaki ang bibig nito na animoy pato ..
“Ah ha ha ha ha…
“abe ka aman me-odia..ang akit anga inaaawanan mo pa ko!!”para itong ngongo magsalita,dahil siguro masakit kung ibuka ang kanyang bibig..
“Kasalanan nyo yan,anlalandi nyo kasi!”sabay talikod nito habang patawa tawa parin,hindi talaga sya makaget over sa kalandian ng dalawa..
Lumabas ito ng kusina ..
“Mel,pake tulongan nga si ken,!”si mang ambo iyon..
“Bakit hu?”
“Pupunta sya sya sa bayan upang bumili ng mga kinahong softdrinks para mamaya pero hindi nya iyon kayang mag isa..kaya samahan mo nalang sya,mamaya ko ibibigay ang buong bayad sa buong araw mong pagtulong..”
“Sige hu,nasaan naba sya?”
“Nasa labas na at hinihintay ka!”
“Sige hu!”tumalikod na ito upang tumungo sa labas ng gate..ngunit bago sya nakaalis..
“Mel?nakita mo naba ang young master?”babae iyong nag aayos ng mga table setting sa frontyard ng mansyon
“Wala akong pake sa young master nyo okay,di ko sya amo kaya i dont care!”
“Alam mo bang subrang gwapo nya mel…may gasssshhh!”tili nito kaya tinalikoran nya ang babae at mabilis na umalis doon..
“Tara na ken!”nasa tapat ito ng van at mukhang sya nalang ang hinihintay..
Habang nasa daan ,
Sila patungo sa bayan..
Tanging ugong lamang ng sasakyan ang maririnig..
Dahil si mel ay nakapangalumbaba habang nakatanaw sa bintana niyong sasakyan..pinagmamasdan ang mga punot halaman na kanilang dinadaanan ..
Malayo layo pa kasi ang mga kabahayan..
Dahil private property ang daanang iyon…
“Mel?”tawag ni ken,si ken ay may 24-26na ang idad,samantalang sya ay nasa 20years old lamang..
May hitsura sya at maputi ngunit wala syang type sa kasama ngayon..
Kahit bata ang edad.hindi halata ito dahil sa pananamit at kilos nito na animoy matanda na talaga idagdag pa ang purmahan nya na pan lalaki..
“Uhh??”sempling sagot nya
“Titigil muna tayo saglit mukhang umuusok ang makina eeh!”dumako ang mata nya sa unahan ng sasakyan,pero parang hindi naman,anu may thirdeye si ken?
Pero kahit ganun ay ,nagpa oo na lamang sya habang ibinaling ang mata sa kabubukas lamang nitong bintana..
Bumaba ang binata..
Ngunit,nagtaka sya kung bakit pati ang sa pintuan na nasa gilid nya ay binuksan sin ng lalaki…
“Baba,!!!!”sabay hila kay melodia na ipinagtaka naman ng dalaga
,”Hoy teka!bakit?anung nangyayari??”
“Baba bilis!!”sigaw nito habang nanlilisik ang mga mata..
“Matagal na kitang gusto pero di mo ako pinapansin..kaya kung hindi kita kayang idaan sa santong dasalan,pwes sa santong paspasan nalang..”
“Aray!”hinila sya sa may damuhan ..
“Dyan kalang,babae!!”turo nito sa dalagang paatras kung gumapang…
Rerapin sya??
Napangise si mel..
Dahil ang kotselyo nito ay naroon lamang sa kanyang gilid..
Mukhang isusunod na nyang katayin ang hayop na ken!!!..
TO BE CONTENUE…
sisimulan na natin ang tawanan ..
Kaya laging mag abang mga solid readers ko dyan..
Wag kalimutang maglikes ..
Kahit likes lang..
Makakatulong iyon upang patuloy akong mag updates..❤️






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top