GRADUATION GIFT
“Tigilan mo na ako, Kian. Bawal pa akong mag-boyfriend,” saad ko habang nagpapatuloy sa paglalakad.
“Maghihintay nga ako ‘di ba? Just please let me, Lia. Pangako! Ikaw lang ang babaeng gusto kong makasama.” Mahinahong saad niya.
After that encounter with him, tinotoo niya ang sinabi. Hindi niya ako ginugulo sa pag-aaral pero lagi siyang nakabantay sa’kin. Siya rin ang nagpapaalala na kumain na ako, kung minsan pa’y siya na ang bumibili. Pati sa pag-uwi ko ay lagi niya akong hinahatid. Nagmumukha na siyang stalker, but I find it sweet. At doon, nahulog na nga ako.
Ginawa ko siyang inspirasyon para magpursigi pa lalo. May tiwala ako sa kan’ya lalo na sa pangako niya.
———————————————–
“Evergarden, Dahlia T.” Pagkabanggit pa lamang ng pangalan ko ay masaya akong umakyat sa entablado. Finally, I made it.
Kaagad na hinanap ng mata ko ang lalaking nagpapatatag ng loob ko. Doon ay nakita ko siyang pumapalakpak at nakangiti sa akin.
“I am so proud of you!” He mouthed. But there’s something wrong sa mga mata niya. I don’t know why but parang malungkot ang mga iyon.
I smiled back and pinagsawalang-bahala nalang ang napansin.
Pagkatapos ng graduation ay kaagad ko siyang nilapitan.
“I made it, Ki. We made it!” I happily said and hugged him tight.
He sighed. Kumalas siya sa mga yakap ko at malungkot na ngumiti sa’kin.
“Congrats,...