It’s All About Wealth CHAPTER 2


Ilang sunod-sunod na linggo pa bago ko hinarap si Armand, wala talaga akong planong pansinin siya pero nakakainis na kasi na kada-araw na siyang narito at nagmumukhang mayamang-pulubi sa harap ng building ko. At saka, hindi naman ako ganun kasama na pagdusahin siya nga sobra-sobra.
“Jesie! Jesie! Thank god at lumabas ka rin! Jesie, please, can we talk?” inismiran ko siya.
“Hindi ako lumabas dito para makipag-usap sa’yo, lumabas ako para sabihin sa’yo na kahit kailan ay hindi mo ako madadala sa pagpubta mo dito araw-araw. Matagal ko ng tinapos ang pakikipag-ugnayan ko sa inyo.” inilibot ko ang paningin ko sa kalsada saka nagpatuloy. “Naaalala mo pa? Nung umalis ako sa bahay ‘ni’yo’? Hindi ko na kayo itinuring na pamilya no’n, Armand. Kaya sana, ‘wag mo narin akong guluhin dahil tahimik na ang buhay ko, namin. Ikaw nalang ang sadyang nagpapagulo ng bawat araw namin. Hanggang dito nalang ‘to, Armand. ‘Wag mo nang palalain pa.” tinalikuran ko siya at muling pumasok sa building.
Akala ko ay matatapos na doon ang lahat, hanggang sa ang mismong kompanya mismo nina Armand at ng papa namin ang lumapit sa akin!
“Ma’am, are you willing to cooperate with S company?” tanong pa ng isang ahente ng kompanya nina Armand!...


Kanina ko pa siyang tinatanggihan pero makulit ang isang ‘to!
“Ano bang inutos sa’yo ng may-ari ng kompanyang pinanggalingan mo? At ang tigas mo naman yata? Ilang beses ko bang sabihin na may sariling pinagkakaabalahan ako? At hindi ko tatanggapin kahit kailan ‘yang inoofer mo!”
“Pasensya na po ma’am at napag-utusan lang po. Ayaw ko na rin po sana kayong kulitin pero kailangan ko po kasi ang kapalit ng pangungulit ko sa inyo.” sinamaan ko ng tingin ang lalaking ito, pinag-iisipan kung ano ang gagawin ko!
“Ilan ba ang kapalit ng pangungulit mo?” masinsinang tanong ko sa kaniya!
“M-ma’am, hindi ko po pwedeng sabihin, eh-”
“Magkano ang pangungulit mo?” pag-uulit ko kaya napatungo ang kaharap ko. Nilingon ko ang assistant ko na kanina pang naaawa sa kausap ko, pinagmamalditahan ko kasi ito para umalis na pero matigas siya.
“O-one hundred thousand pesos, M-ma’am..”
“Dodoublehin ko yan, ‘wag ka ng bumalik sa kompanya nila.”
ITUTULOY…
‼️ AUTHORS NOTE‼️
interesting ba ang storyy? Hahahah, napapaisip langgg. By the way, may nilalagay po akong links ng previous chapters at sa kasunod na chapter sa comment para mas mabilis niyong mahanap ang karugtong o kaya kung hindi mo nabasa ang naunang chapters ay mababalikan mo kaagad. Magandang gabi!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top