BINUO KITA, NGUNIT DINUROG MO NAMAN AKO


โœ๏ธ:Coffea Rei
Hi, I’m Chelle Madelle Lopez 21 years old.
Isa akong r’pier. 18 lang ako nung pumasok ako sa mundo ng rpw. Wala akong nilabag na kahit anong rules sa mundong iyon. Sa rpw ay isa akong sikat na threader. Dalawa ang rp acc ko, yung isa ay famous, then yung isa naman ay hindi.
Ang name ko sa fame kong rp acc ay, Hycinth at doon naman sa hindi ko fame na acc ay, Seijen Salvador.
Sa acc ko na, Seijen Salvador ay meron akong boyfriend dun. 2 years na kame and still counting.
Siya si, Calix Denver Lee. Isang sikat na writer. Ni minsan ay hindi kopa o namin nagawang mag send ng vm, op o mag vc. Ayaw kong lumabag sa rules eh.
Pero minsan napaisip narin ako. Two years na kame at aminado akong mahal ko siya. Alam kong malabo dahil nasa pekeng mundo kame, pero wala eh dahil nahulog ako sa kanya.
Hindi siya ang first boyfriend ko sa rpw kase may nauna sa kanya, at minahal ko rin kaso nasaktan lang ako dahil hindi naman niya talaga ako mahal at may girlfriend na raw siya sa realworld.
Si, Calix ang bumuo sa’kin nung mga panahong durog na durog ako kaya sana ang hiling ko lang ay ang hindi niya ako saktan o iwan.
“CHELLE!!” Dinig kong sigaw ni, Mama mula sa baba kaya kaagad akong bumaba sa sala.
“Bakit po, Ma?” magalang kong tanong rito.
“Ikaw na muna anak ang maglinis dito sa bahay, kase pupunta pa ako sa palengke.” sabi nito sa akin.
“Sige po, ingat kapo.” ngiting sabi ko at umalis na siya.
Unang nilinis ko ang sala. Nag-walis, nagpunas, nagpalit ng mga basahan at kurtina ang ginawa ko.
Hindi nga pala kame mayaman, sakto lang na may nakakain sa araw-araw. Isang construction worker ang Papa ko at helper naman ang mama ko. Pero walang pasok ngayon si, Mama dahil sabado.
Pagkatapos kong maglinis ay naghugas na ako ng mga naiwang hugasin. Hindi naman ganon karami kaya napabilis lang ang paghuhugas ko.
Pag-tapos nun ay umupo muna ako sa upuan at nag cellphone. Pag-open ko sa account kong, Seijen ay chat kaagad ng boyfriend ko ang bumungad sa’kin.
[Hi, Babe]
[How are you hmm?]
[Miss na kita, Babe]
[Babe, malapit na ang 3rd anniversary natin.]
Doon ay naalala ko bigla.
“Oo nga pala, malapit na pala yun.” sabi ko sa sarili ko at kaagad ko siyang chinat.
(Anong plano, Babe?)
[Hay nag open din]
[May plano na ako sa anniversary natin, Babe.]
(Ano yun, Babe?)
[Mag-meet na tayo, I want to see you in personal.]
Nagulat ako sa gusto niyang plano. Like wtf! ehh baka kapag nakita niya ako sa personal ay madisapoint siya.
Hindi ako maganda, pero hindi rin naman panget.
(Babe, labag yan sa rules, alam mo yan.)
[I know, I know. Pero, Babe marami narin ang lumabag sa rules nayan. Karamihan sa magjojowa dito, dinadala kaagad nila sa realword ang mga gf or bf nila.]
[Babe, please pumayag kana. Ayaw moba na maging mas legal tayo?]
Ewan ko kung papayag ako, pero mahal ko siya, sobrang mahal.
(Sige, payag na’ko. Magkita nalang tayo sa araw ng anniversary natin sa Maria Christina park.)
Sigurado na ako. Alam kong mahal niya ako kaya magtitiwala nalang ako.
[Really?]
(Oo, Babe)
[Oww shit! Thankyou so much, Babe. I love you, muah.]
Kinilig ako sa reply nito.
(I love you too)
Nag-off muna ako saglit. Napa talumbaba ako sa lamesa at napaisip kung tama ba ang ginawa ko.
“Hayts self kaya mo yan.” sabi ko sa sarili ko.
Hindi alam ni, Calix na may isa pa akong account at diko pa balak ipaalam.
KINABUKASAN
Andito ako ngayon sa campus. 4th year college na ako at graduating na this month.
Sobrang saya ko dahil dun. Doctor, kase ang balak ko kapag nakapag tapos na’ko kaya sana, sana matupad.
Para sa pamilya ko itong ginagawa ko, para naman mabigyan kona sila ng magandang bahay na masasabi kong ‘KANILA’ talaga.
Nangungupahan palang kase kame ngayon...


pero ayos lang dahil malapit na sila magkaroon ng anak na, Doctor.
“Uyy, Bessy” nabalik ako sa realidad ng tapikin ako ni, Mira.
Nakaupo kase kame dito ngayon sa bench.
“Ayy bakit?” Tanong ko
“Kilala moba si, Drake Valdez?” Tanong rin nito sa’kin kaya kumunot ang nuo ko.
“Ehh hindi? teka sino ba yun?” Tanong ko
“Gosh! super famous nun tapos hindi mo kilala? arrgh palibhasa kase naka-focus ka lagi dyan sa rp boyfriend mo.” mataray nitong sabi.
“Ehh malamang boyfriend ko yun.” sagot ko
“Whatever! basta ako crush ko si fafa Drake.” malandi nitong sabi with matching kagat pa sa labi.
“Bahal ka dyan, diko naman kilala yun.” sabi ko rito.
“Hmp” mataray nitong asik.
LUMIPAS ang ilang araw at heto na ang pinaka-aantay ko. Ang araw ng anniversary namin ng boyfriend ko na si, Calix.
Nakabihis lang ako ng Violet Drawsrting jumpsuit at may partner na black kitten heel.
“Woooh” malakas kong buga ng hangin bago ako lumabas ng kwarto.
“Saan ang lakad mo, anak?” Tanong sa’kin ni, Papa.
“Amm may pupuntahan lang po akong importante.” sagot ko
“O sya sige, mag-ingat ka at umuwe rin kaagad huh.” tumango ako sa sinabi ni, Mama.
“Sige po alis napo ako.” sabi ko
“Ingat ka” sabi nila, Papa at Mama kaya ngumiti ako at tumango.
Nang makalabas nako ng bahay ay kaagad akong pumara ng tricycle.
“Mananong, doon lang po ako sa Maria Christina Park.” sabi ko kay, Manaong driver.
Habang nasa byahe ay biglang nagchat ang boyfriend ko.
[Babe, I’m here na]
[Where are you?]
(Papunta na, Babe)
[Okay, take care, I love you]
[I love you too]
Kabado ako na medyo na-eexcite.
FAST FORWARD
“Dito nalang ho Manong,” sabi ko at inabot ko na ang bayad sa driver. “Wooh” huminga muna ako ng malalim bago lumakad.
Habang naglalakad ako ay biglang…
/*boogghss
“Aww” daing ko at napahawak ako sa nuo ko dahil sa sakit ng pagkakabangga ko.
“Tsk!” asik nitong nakabangga ko at naglakad lang palayo.
“Aba” inis kong sabi at napailing nalang tsaka ulit lumakad.
Habang naghahanap ako na pwede kong pagkamalang si, Calix ay biglang tumunog ang cp ko.
[Babe, asan kana?]
Si, Calix pala
(Andito narin ako, Babe. Ano bang suot mo?)
[Anong suot mo?]
sabay pa naming chat isa’t-isa.
(Drawstring jumpsuit na color violet at may shoulder bag din na white)
[Denim jacket, white t-shirt, black pants and oxford shoes.]
sabay din namin ulit na chat. Hinanap ko kaagad ang may ganong suot. Isa lang ang nkita ko at nakita narin niya ako.
Kaagad niya akong nilapitan kaya kinabahan ako.
Pag-lapit niya ay doon ko nakita ang mukha niya. Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa. I admit, gwapo siya.
“Ikaw si, Seijen?” kunot nuong tanong nito.
“A-Ammm o-oo” utal kong sagot
“Akala ko maganda ka yun pala, argh never mind.” napayuko nalang ako sa sinabi nito.
“Sa-Sabi mo ma-mahal mo’ko di-diba?” utal kong tanong at tumingin sa kanyang mukha na natatawa.
“Hahaha are you crazy huh? ako? magmamahal ng kagaya mong cheep? eww madiri ka nga sa sinasabi mo.” tumatawang sabi nito kaya diko napigilan na hindi maiyak.
Ang sama niya
“Pe-Pero *sob* Calix, a-akala ko tatanggapin mo ku-kung ano ako *sniff* ” umiiyak kong sambit.
“Tanggap? oo sana…..kung maganda ka kaso, hindi eh. Ang panget mo at ang baduy mopa kung manamit.” panglalait nito sa’kin.
“*sob* bi-binuo moko, ta-tapos ikaw *sob* rin pala ang *sniff* du-dudurog sa’kin ulit *sob*” umiiyak kong turan.
Wala nakong pake sa mga tao dito sa park.
“Tsk!it’s not my fault idiot. Mukha mopa nga lang ay panget na, kaya malamang mahirap ka lang. Ayaw ko sa mahirap na kagaya mo, dahil wala akong mapapala sayo.” Galit nitong sabi
“I HATE YOU!! huhuhu” umiiyak kong sigaw at nagmadaling tumakbo.
Sino siya para insultuhin ako? ang pagkatao ko? ang kahirapan ko
“Argh huhuhu” huminto ako sa isang bench at doon ako umiyak ng umiyak.
Dapat pala hindi ako nagtiwala sa mga salita niya.
Manloloko lang siya
Napaka walang hiya niya arrgh
Buong pagkatao ko ang tinapakan niya.
-END-






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top