THAT WAS TOO CLOSE


𝒈¬𝒆¬𝒏¬𝒓¬𝒆 : Romance , Comedy, Boys love ( BL )
¬𝒂¬𝒖¬𝒕¬𝒉¬𝒐¬𝒓¬: Tool
(PAAPPROVE PO ADMIN THANKS !)
Prologue:
‘Hindi ko alam kung bakit ganito, hindi akma ang nararamdaman ko ‘ ipinilig ni Font ang kaniyang ulo dahil sa hindi makapanipaniwalang dahilan. ‘totoo ba ang narinig ko ? Gusto niya ‘ko?’ tanong niya muli sa isipan. Hindi makapaniwalang tiningnan muli ni Font ang idolo na si Sort , namamangha siya sa lakas ng loob nitong salubongin ang mga titig niya, lalaki siya at lalaki din ito, kung siya man ay tila parang naiilang na makipagititgan din dito dahil sa gender issue, si Sort ay hindi isa sa mga hinagaan niya sa lalaki. Muli itong humakbang papalapit sa kaniya, gahibla na lamang ang lapit nng lalaki sa kaniya, amoy na amoy ni Font ang menthol sa bibig nito,
“I like you Font” muling hakbang nito papalapit habang sinambit ang mga salitang nagpapaulit ulit sa pandinig ni Font. ‘ bwisit nman oh! I said I want a girlfriend , bakit naman ito ang binigay niyo? May lawit din kagaya ko! ‘ maktol ni Font sa isipan niya.
“ h-hey” mahinang itinulak niya ito paatras, ngumiti lamang ito na siyang dahilan nang pagkawala nang mata nito.”T-That.. was too c-close” nanghihiyang sambit ni Font. Sinalubong niyang muli ang nakangiting mga mata nito, salubong na salubong ang mga kilay na tumingin siya diretso sa mga mata nito. “ gulo ‘to Sort” seryosong sambit niya.
Biglang nagbago ang kaninang nakangiting ngiting mata nito, seryoso at maawtoridad na ito di gaya kanina “ I know Font, but I don’t care .“
“ Sort.. hindi pwede.. hindi tayo pwede” hindi pa rin nagbago ang expression ng mukha nito.
“ bakit? Dahil lalaki ako?” walang emosyong tanong nito.
Bumuntong hininga si Font saka yumuko at muling pinasadahan ang kabuuan nng lalaking nasa harapan niya ngayon. May matangos na ilong, makinis na mga balat hlatang napapangalagaan ito ng maigi, di naman kalakihan ang katawan sakto at tamang tama lang sa edad nito, ang buhok nitong pinoat halos matabunan na ang mga mata , malinis din itong tingnan sa suot nitong puting pulo, dagdag mo na ang mata nitong nakikisama sa kung anong emosyon anng pinapakita niya.
‘siguro...


kung babae ako, hindi ko matatanggihan ang kagaya niyang lalaki’ sambit ni Font sa isipan niya. ‘bakit ako pa ang daming magagandang babae dito sa industriya at sa campus tss! Bulag ata ito eh!’
“answer me Font” bumalik sa wisyo si Font ng muli itong magsalita.
“ alam mo naman siguro ang Entertainmet na meron ako? At Entertainment na kinabibilangan mo?Sort mag isip ka naman kung anong kalokohang pinaggagawa mo!” hindi napigilan ni Font ang sumigaw dahilan para pag tinginan sila ng mga estudyanteng dumadaan. Napansin ni Font na dumadami na din ang lumalapit sa gawi nila nagbubulungan, at bumubungis ngis pa ang iba, ang iba ay tila kinikilig pa sa nasasaksihan na usapan nila.
Ngayon ay si Font naman ang lumapit sa lalaki, na halatang ikinabigla nito.
Lumapit si Font sa may gawing tenga nito at inilapit ang bibig niya ” you have a girlfriend right?” sambit niya malapit sa tenga nito , katahimikan lamang ang naisagot ng lalaking Idolo.
Bahagyang lumayo si Font at tiningnan muli ang Idolong si Sort. “ and now you are confessing to me? Tss” inis niyang inayos ang bag sa likod niya mahinang itinulak niya ang lalaki at tinalikuran niya ito saka muling nagsalita “ I am a boy and your also a ‘Boy’ ” pag didiin niya pa sa hulihang salita. “ sana aware ka sa industriyang meron tayo Sort, aware ka din sana na may girlfriend ka” sinambit ni Font ang mga salitang yun habang naka yuko at nakatalikod, ewan ba niya’t may kung ano sa loob niya ang nagpapabigat ng dibdib. Isang malalim na buntong hininga na lamang ang pinakawalan ni Font saka diretsong tumingin sa hallway nang kanilang locker area saka iiling iling na tumingin sa mga babaeng papalapit na habang nagtitilian.
“ Font!!”
“ Font ! ackkkk!”
“Font I l-..” naputol ang sasabihin nang isang fan niya nang muling magsalita ang lalaking nakatayo sa likod niya.
“ I Like you Font” gulat na napatingin sa likod niya si Font. Kung gaano kalaki ang mata ni Font sa gulat ay doblehin mo pa ang sa mga fans niya ata sa fans nitong nandito ngayon.
“ what the f*ck!” sambit ni Font ng walang boses.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top