I OWN HER BUT NOT HER HEART


“D-daddy? You’re gay?” Tanong sa akin ng dose anyos kong na anak kong si Kelly nang mahuli akong tinitingnan ang larawan ni James.
“No.” Sabi ko naman at lalapit sana sa kanya pero umatras siya.
“Dad I saw you yesterday, you stalked him on Facebook. Nakita rin kita na sinusundan mo siya last week.”
“Kelly hindi nga.”
“Then why, dad?” Naguguluhan niyang tanong.
“I’ll tell you , come here.”
Kahit nag-aalangan ay lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.
“James was your mother’s first love. He’s your mother’s great love.” Pagsisimula ko.
Napatingin siya sa akin.
“Ayaw lang ng mga magulang ng mama mo noon kay James dahil hindi ganoon karangya ang buhay nila pero mahal na mahal siya ng mama mo. Kahit noong nagpakasal siya sa akin, alam kong si James pa rin talaga ang mahal niya.”
Ngumiti ako sa anak ko.
“I own her but not her heart. Ako iyong pinakasalan at nakasama pero alam kong hindi ako ang pinipili...


niya.”
“K-kahit po ba noong anak niyo na ako?” Biglang tanong niya.
“Kapapanganak sa’yo ng mama mo noon nang mabalitaan namin na may malubhang sakit sa puso si James. Iyak nang iyak ang mama mo kaya pinayagan ko siyang magbantay sa hospital at ako naman ang nag-alaga sa ‘yo.”
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko.
“Until one day, nangailangan si James ng heart donor. Your mom volunteered.”
“W-what?” Hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Kelly.
Tumango lang ako.
“Pumayag ka, dad?”
“I told you, I own her but not her heart.” Ulit ko,
“Nakiusap siya sa akin at wala akong nagawa kahit hindi ako pumayag. Binigay niya ang puso niya sa taong mahal niya.”
Napa-iling na lang ako habang tumatangis pa rin.
“Hanggang sa kahuli-hulihan ng hininga niya, hindi niya ako pinili.” Wika ko,
“Kaya ko laging binabantayan si James kase alam kong nandoon pa rin ang puso na hindi man naging akin, ay iningatan ko na at iniingatan ko pa rin.”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top