HELLOW ON THE OTHER SIDE PART 1


HELLOW ON THE OTHER SIDE | Bb. Manunulat
Romance
PART 1: Message Request
“Hi, ikaw ba nagsusulat ng mga stories na pinopost mo? Wala kasing nakasulat na writer.” Basa ko sa message request mula sa aking messenger.
“Yeah.” Simpleng reply ko sa nagtanong.
___________________
Hanna’s POV
TIME flies, na halos di ko na alam na nag e-end of the month na naman. Okasyon dito, okasyon doon.Kasalan dito kasalan doon.
Di matapos tapos na trabaho. I only rest pag matutulog na. In short, walang upo upo. After work, I check my phone kung may importante bang ganap, emergeny message o kung ano pa.
Then, matutulog na. Everyday routine ko until maisipan kong magsulat. Magsulat ng kung anu ano para naman may bago.
I post every story that I wrote in my timeline.
“Hanna, Gumay! Lesh ta’khar enti? Bage wajed shugol! Yalla!”
(Hanna, gising! Bakit ang tagal mong magising? Ang dami mo pang trabaho. Go on!) sigaw sakin ng bruha.
Yeah, I call him bruha. 4 hrs or 5 hrs na tulog tas sasabihan ka pang, ang kupad kupad. Sa totoo lang, sarap sapakin ng wala sa oras.
Dali dali kong inayos ang higaan ko saka nagpunta sa CR para maligo. Madalian ang lahat. Pagkalabas ko sa banyo, deretso ako sa kwarto kwarto.
Ligpit dito ligpit doon. Magpupunas, mag va-vacuum. Next, ganun din sa sa sala, sa living room at dining room. After that maglalagi na ako sa kusina.
8 pm, maghahanda na ng breakfast. Tama ka ng nabasa, 8 pm. Aswang? Siguro HA! HA! Hindi po. Ganun dito sa amo ko sa Saudi.
Bukod kasi sa disyerto ang lugar ay naayon din ang relihiyon dito. Oh, bakit kamo? Expected na tanong.
Hindi pwedeng eexposed dito ang kababaihan. Kailangan takip lahat kaya walang lumalabas. Disyerto? Mababato ang bahay dito kaya matataas din ang pader.
Kaya wala kang makikitang tao sa lugar na ito. Pag makulimlim dito, nagmimistulang ghost town ang lugar. Pag lumalabas ako, vene-vediohan ko pa.
“Hanna! Wainash inti?” (Hanna! Nasaan ka). Tawag na naman ng bruha. Ang sarap barahin ng, “Ito po, nakahiga! Commonsense.”
Pero sempre, hindi natin gagawin yun. Pinuntahan ko siya at sumagot.
“Na’am madame.” (Yes madame). Araw-araw kong sagot.
“Shu sawwe inti? May shuf inti m’na m’na.” ( Ano ba ginagawa mo? Hindi kita nakikita?). Taas boses ng bruha.
“Madame! Ana nadhf minal guraf. Ana ma ba’ad nawm.” (Madame, Naglilinis ako sa mga kwarto. Hindi pa po ako natutulog. ” Inis kong sagot.
” Tayb” (Alright). Maikling sagot niya.
Oh di napahiya?! Kala nito, uupo upo lang ang tao. Kailangan nakikita bawat trabaho ko?
Inis akong bumalik sa aking pag tatrabaho. Natapos ang araw na ganun pa din. Nakakapagod. I check my phone and again, nakita ko na naman ang profile na iyon.
Hindi s’ya ang naka-profile sa account na iyon.
“Hi, this few days, ‘di ka na nag a-update ng stories. Followers here.” Gulat na basa ko sa message ulit ni Jm. Oo Jm kasi nakalagay sa fb account nya.
“Ahhhh nabusy lang ho masydo.” Paliwanag ko sa di ko kilala..
Pasimple kong inistalk ang account ng lalaking iyo. Wala ni isang picture na nandoon but, something catch my attention. He’s also a writer. Well, kung titingnan, s’ya yung writer na may kapasidad na. Di gaya ko, sulat lang ng sulat without rules.
He replied the message, “Galing mong magsulat. Nabasa ko lahat ng mga stories na pinost mo. Sakalam Kapatid.”
“Kapatid?” Mahinang tanong ko sa aking sarili.
“Salamat ho. Sa susunod, baka makapagsulat ako ulit but as of now, uunahin ko muna trabaho ko.” Reply ko sa message n’ya.
“Aabangan ko kapatid. By the way, sumali ka sa aming fb group nang mahasa naman ang talent mo sa pagsusulat.” Reply n’ya saakin.
” Sige, walang problema.” Last reply ko sakanya dahil matutulog na talaga ako. Di ko na inantay ang tatlong tuldok na naglulundagan.
____________
KINAGABEHAN, alas sais. Dating gawi, maliligo at deretso trabaho agad. Habang naghahanda ako ng pagkain ng amo ko, nakarinig ako ng ringtone mula sa aking cellphone. Tumatawag. Bago ito, I mean wala naman tumatawag saakin.
Pero dahil sa kuryusidad e sinagot ko nalang ito. Baka kasi emergency.
“Hellow.” Mahina kong sabi.
“Hi Ms. Hanna . Its me Jm, yung nag message sayo kahapon,” wika nito mula sa kabilang linya.
“Ahhhโ€ฆ O napatawag ka? May problema ba?” tanong ko.
“Na add na pala kita sa group. Accept the invatation nalang.” sagot nito.
“Ok but, saan mo nakuha number ko?” kuryos na tanong...


ko.
“Ahh nakalagay kasi yung number mo sa ABOUT mo sa fb kaya I tried to call you and yes! Now we’re talking,” paliwanag nito saakin.
“Ganun ba? Pero aware ka ba na kada 10 mins. ay kaakibat ng 50 php load dahil nasa abroad ako?” Napapangiting sabi ko.
“Whaaaaat!” Napalakas na maang niya sa kabilang line.
“Okay, I’ll chat you nalang through messenger.” Pamamaalam niya saakin.
Napatawa nalang ako ng wala sa oras. Pero in fairness, pers taym yun. Di kasi ako yung tipong tao na mahilig makipag cha-chat sa kung sinu sino nalang andyan. After a few seconds, yun! Nag beep na naman ang messenger ko. Siya nga talaga, si kuya.
“HA! HA! Thanks for letting me know. By the way, can we talk?” sabi n’ya sa message niya sa’kin.
“Hanna! Where’s the tea?” Tawag ng amo ko mula sa sala.
“Preparing madame! Just a minute!” Pasigaw kong sagot sa amo ko.
Wala sa sarili kong nereplyan muna si Jm bago nag prepare ng tea.
Di ko muna pinansin ang cellphone ko para makapag focus kahit panaka nakang naiisip ko kung may message pa ba yung Jm. Haist! Ewan ko ba sa sarili ko. Tuloy, tinuon ko lalo sa trabaho ang atensyon ko.
Mabilis umikot ang oras. Dagli akong naligo upang makapag pahinga na. I check my phone and yes! Naexcite ako kasi my message si Jm.
“Uy! Chat me if tapos ka na.”
“Hi! Parang ang haba ata ng oras ng trabaho mo.”
“12 hrs. ka ng hindi online.”
“Ah, may pa wricon sa group. Sali ka, e-mention kita.”
“Sali ka ha.”
“Wricon? Ano ‘yon?” tanong ko sa message n’ya.
“Writing Contest,” maikli n’yang sagot.
Napatawa naman ako. Na slow ako doon sa part na yun. So, nagpatuloy ang pakikipag chat ko sakanya nang hindi ko namamalayan. Instead makatulog agad e, nauuwi nalang sa chikahan. Pero worth it naman dahil tungkol sa hilig namin sa pagsusulat at buhay ang lagi na’y paksa namin.
Unti-unti na’y nakikilala ko s’ya. Di hamak na matured siyang mag-isip compared sa ipinakita niya noong una. Mahirap siyang mahagilap sa media. I mean, di siya basta basta nag rereply unless kung importante.
Pero saakin nga’y araw-araw nalang. Naging madalas ang pag cha-chat niya sa akin. Naging palasali na rin ako sa contest sa mga fb group kung saan ay kasali siya. Kaya talaga nama’y mas lalo kaming naging close.
Isang araw, bigla nalang di siya nagpramdam. Nakaramdam ako nang panghihinayang. Lagi kong chenecheck ang phone ko if may messge na siya pero wala.
Boung araw at gabe akong matamlay. Hinahanap ko na siyaโ€ฆ.
______________________
MAKALIPAS ang isang araw, walang Jm na nagparamdam. Gusto kong tanungin ang mga ka member namin sa group ngunit di pwede. Ayokong mag-isip sila ng kung ano. Lalo na’t ayoko ng issue. Pareho namin gusto ang pribadong buhay. Walang nakakaalam sa closeness naming dalawa.
Matamlay na naman ako sa work kahit ang daming utos ng bruha. Hanggang sa nag ring ang aking cellphone. Nabuhayan ang aking dugo nang makita ko kung sino ang nasa screen. Nasagot ko siya kaagad.
“Hellow, Hanna. Kumusta ka?” pangungumusta ng kabila.
“Ayos lang. Ikaw kamusta? Isang araw ka ng wala ah.” kunwari ay nagtatampo ako.
“Ay sus, hinihintay mo pala ako. Ayyieโ€ฆ,” Kantyaw pa niyang sa akin.
“Chee! Pero seryuso, ano ba nangyari?” asik ko sakanya na may halong pamumula ng aking pisngi.
“Ahhhโ€ฆ. Wala naman. Mommy ko kasi, sinugod sa ospital kaya ako na ang nagbantay,” Malungkot nitong sabi.
“Hmmm kaya pala. Eh, kumusta naman ngayon, mama mo?” Concern kong tanong.
“Actually, fatigue lang ‘yun dahil sa sobrang pagtatrabaho pero nailabas naman na sa ospital si mommy,” wika nito.
“Mabuti naman kung ganun,” sabi ko na lamang na.
“Hanna! Are you talking to someone?” Naiiritang tawag saakin ng bruha. Narinig naman ito ni Jm.
“I’m just singing madame!” Palusot kong sabi.
“Mukhang busy ka masyado. Nakaka istorbo na ako. Sige mamaya nalang. Kailan off duty mo?” Mabilis na tanong sa akin ni JR.
” Ahh mga 12 p.m dito. Una ang oras natin d’yan ng 5 hrs. so, mga 5 p.m ako available.” Pabulong kong sabi dito. Baka kasi marinig ng amo kong babae.
“OK, sige. Mga 5 p.m ha. Take care,” pamamaalam nito saakin.
“Sige,” maikli kong tugon.
Pagakatapos mamatay ng tawag, doon ko na lamang naisip if bakit ako makikipagtawagan sakanya. Ewan! Ah basta. Napangiti ako sa isiping iyon. Di ko mahagilap asan banda ang ikinatutuwa ko.
** Abangan **






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top