πŒπˆπ’π“π€πŠπ„ CHAPTER 3


“Hey! What’s wrong, love?” nag-aalalang tanong ni Sanny. Kanina pa ito walang imik. Mula nang binanggit ng dalagita ang apilyedo nito ay hindi masisid ang lalim ng kanyang iniisip.
“Ah ha? There’s nothing wrong.” ngiting sagot niya.
“So, ano yang iniisip mo?” Tanong ni Sanny sa asawa. Hindi siya sanay na hindi alam ang iniisip ng asawa. Hindi siya mapapalagay, baka malunod ito sa problema at iwan nanaman siyang muli.
“Let’s hire an investigator!” Biglang sabi ng asawa na ikinapagtataka niya .
“Aanhin mo ang investigator? Takang tanong ni Sanny sa asawa.
“Gusto kong paimbestigahan ang batang Lopez. Do you still remember Amelia Lopez? Magkahawig sila love. Baka ito na ang panahon. Baka may koneksyon si Amanda kay Misale.” aniya na wari’y ay positibo na maging magkadugo ang dalawa.
“Oh, I still remember her. Pero ilang years na din ang lumipas at wala tayong nakalap na balita sa kanya. Ni anino niya, wala. But if that’s what you want, you’ll have my 100% support, love.” pagsang-ayon niya. Matagal na din ang panahon na hinanap nila si Amelia ngunit wala silang nakuhang balita. Ang alam lang nila ay nabuntis ito at namatay ang mga magulang at pagkatapos nito ay wala na. Naglaho na parang bula.
*************
Mag alas otso na nang gabi bago siya nakauwi. Masyado pa kasing maraming customer. Nagmamadali siyang naglakad pauwi mukhang uulan yata. Kaya tumakbo na siya, madilim na ang paligid at tanging post nalang ang umiilaw.
Nang makarating na siya bungaran ng kanilang bahay. “Saan ka galing, Misale?” ma otoridad na tanong ng kanyang ina.
Nagulat siya sa biglaang pagtanong ng kanyang ina. Hindi niya kasi napansin na nasa pinto pala nakatayo ang ina, hinihintay siya.
Umamba siyang mag mano ngunit inilayo lang ng kanyang ina kamay nito. “Tinatanong kita Misale! Huwag mo akong madaan daan sa pamano-mano mong iyan!” bulyaw ng kanyang ina sa kanya.
Napayuko siya “Nagtrabaho po ako kina Aling Eding, mama. Masyadong marami ang customer kaya ginabi akong umuwi.” Paliwanag niya sa ina.
“Trabaho? Baka nakikipaglandian ka, ang sabihin mo. Kababaeng tao mo, nagpapagabi ka sa daan. Kating kati na ba, Misale?” sarkastikong tanong ng kanyang ina na mas lalong nagpapasakit sa kanyang damdamin.
Sino nga ba ang hindi masaktan, gayong wala kang ginawang masama ngunit basta basta ka nalang pagbibintangan.
“Mama, hindi po ako nakipag landian. Saka wala pa naman po iyan sa isipan ko.” sabi niya ngunit inismiran lang ito ng kanyang ina.
“Tsk, hala pasok kumakain Kana at hugasan mo yang mga pinggan dahil matutulog na kami.” saad nito at naglakad na patungo sa kanyang silid.
“Amelia! Halikana at matulog na tayo!” tawag ng lalaki mula sa loob ng kanilang silid. Nagtataka siyang tinignan...


ang ina. Sana ay nagkakamali lamang siya sa kanyang narinig.
“Mama sino ang lalalaking yan?” Marahan niyang tanong sa ina. Takot lang baka bugahan nanaman siya ng apoy.
“Ah, Si Tito Conrado mo, simula ngayon dito na yan titira. Kaya gumising ka ng maaga upang maaga din kaming makakain. Naiintindihan mo?” Baliwalang sagot ng kanyang ina na wari’y ay isa lamang siyang katulong kung makahabilin ng mga gawain. Anak siya ngunit isang katulong ang trato sa kanya.
Hindi niya magawang mag reklamo dahil masyado niyang mahal niya ang ina.
“Naiintindihan ko po, mama.” tanging sagot nalamang niya.
Kinabukasan maaga siyang nagising at naghanda ng pang umagahan gaya ng sabi ng kanyang ina.
Nang matapos na siya sa pagluluto, nilinis niya ang kanyang kalat at nagwalis sa sahig. Short at sando lamang kanyang suot at hindi pa nakaligo. Bakat na bakat ang hubog ng kanyang katawan sa suot.
Napapitlang siya ng biglang tinampal ang kanyang puwetan. Wala siyang maisip na pwedeng nito sa kanya kaya agad siyang lumingon at nakita niya ang lalaking kinakasama ng kanyang ina na malagkit siyang tinitigan.
“Mukhang masarap ka, Misale.” bastos na sabi nito at sumisipol sipol pang naglakad patungo sa refrigerator nila at kumuha ng malamig na tubig.
Nagmamadali siyang lumabas sa kusina at bumalik sa kanyang silid at naligo. Nagbihis ng uniporme. Pagkatapos niyang mag bihis ay nagmamadali siyang lumabas sa bahay. Alas singko y media palamang ng umaga, masyado pang maaga para pumasok kaya napag-isipan niyang tumambay muna kina Alice at doon mag papalipas oras. Takot na siyang magtagal pa sa kanilang bahay dahil doon sa kapangahasan na ginawa ng lalaki.
Nang makalabas na siya ng bahay, hindi na napansin na nandoon din pala ang lalaki, naninigarilyo ito.
“Hindi bagay sa iyo ang iyong uniporme. Mas masarap kang tignan kapag wala kang damit Misale. Napakaganda ng iyong katawan. Sayang at nandito ang iyong ina, kung wala pa ay kanina pa kita pinasok sa CR habang ikaw ay naliligo.” nakakakulong sabi nito. Napayakap siya sa kanyang katawan, hindi makapaniwala na mayroon ng nakakita sa kanyang hubo’t hubad na katawan.
“MANYAKIS KA!” Pasigaw na sabi niya at hahampasin niya sana ito ng kanyang bag ngunit nasalag ito ng lalaki.
“Sige mag ingay ka, Misale tingnan natin kung papaniwalaan ka ba ng iyong ina na isang basura ka lamang sa kanyang paningin.” Sabi nito na sapol sa kanyang damdamin.
Oo nga’t hindi siya paniwalaan ng kanyang ina ngunit hindi iyon sapat para hayaan ng niyang babuyin siya ng hayop na ito.
Tumakbo siya palabas ng bahay hindi siya sumagot pa. Takot siyang umuwi sa kanilang bahay.
“MATITIKMAN DIN KITA MAMAYA!” habol na sa sabi ng lalaki at mala demonyong tumawa…..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top