Paalam


Paalam, Bff (Stranger Minds)
Genre: Random
Author: JakeRavier
Hello, ako nga pala si Jessa. At heto ang kwento ko.
Graduating highschool student na ako ngayon. Nakakatuwa ngang isipin na magkasama kaming grumaduate ng kapatid at nag-iisa kong bestfriend na si Maine. Mula kasi nung inampon ako nang lola namin ay lagi na kaming magkakasama. Kung saan siya pumupunta ay susundin ko siya.
Kaya lang isang araw, ginising ako ng isa pang pinsan naming si kuya Arnel dahil di pa raw nakauwi si Maine mula kagabi.
Nalito naman ako dahil di naman siya umaalis nang di nagpapaalam. At lalo na’t di siya lumalabas twing gabi pag walang kasama.
Agad naman akong sumugod sa barangay at inireport ang pagkawala ng kapatid ko. Ngunit nung bumalik na ako ay nadatnan nalang namin siyang nakahiga sa kwarto niya’t natutulog.
Ginising ko siya at tinanong kung saan siya nagpunta pero binalewala lang niya ito. Sabi pa nga niya na di raw siya umalis ng kanyang kwarto, at paano naman daw siya aalis nang di naman siya lumalabas twing gabi?
Pero kahit na dini-deny niya’t may mga alibis siya ay nag-dududa padin kami.
Pasunod-sunod nalang ang mga linggo na ginigising ako ng nababalisa naming kuya. Lagi niyang nasabi na wala na naman sa kwarto si Maine at nakita niya raw itong lumabas sa kalagitnaan nang gabi.
Ngayon siniguro kong e-double check ang silid namin at nadismaya nang di ko na naman siya makita.
Saan na naman kaya yun nagpunta? Tanong ko sa sarili ko.
Dahil sa pasunod-sunod na pagkawala niya’y napagisipan nalang naming di lumapit sa barangay dahil sure kaming babalik lang yun dito.
Ang strange lang kasi eh dahil di naman ganito si Maine dati. Ang responsable kaya nun tsaka masunurin pa. Bakit ba yun biglang aalis ng bahay sa kalagitnaan nang gabi ng di nagpapaaalam?
Buong araw ko siyang inantay ngunit mag-tatakipsilim nalang at di parin siya umuwi. Napagisipan ko nalang lumabas at hanapin siya. Pumunta ako sa may bangketa, nagtanong sa mga tambay, pumunta pa nga ako sa police eh ngunit sabi nila na di pa raw considered as “missing” ang isang tao pag di pa nakaabot nang 24 hours mula sa kanyang pagkawala.
Pa ikotΒ² nalang ako sa lugar namin hanggang sa tumawag si kuya Arnel. Sabi niya na umuwi na raw
si Maine at hinahanap niya ako.
Agad naman akong umuwi sa bahay at nakita ang pinsan kong maraming pasa sa mukha.
“M-Maine! Ano bang nangyari sayo? Ba’t may mga sugat ka? San kaba nanggaling ha?”
Nilapitan ko siya pero ayaw niyang lumapit sa akin.
“M-Maine? A-anong problema? Ba’t ayaw mong lapitan kita?”
Di parin niya ako tinitingnan sa mga mata. Naka yuko lang siya ngayon habang tumutulo ang mga luha niya sa sahig.
“Maine-”
“Go! Go! Bilisan niyo!” nabigla nalang ako ng may mga taong nagsilabasan sa aming bahay.
“T-teka sino kayo? Ba’t kayo nakapasok sa bahay namin?...


Maine sabihin mo nga sakin sino ang mga taong ito?”
Di niya parin ako sinsagot nang lumakas ang paghahagulgol niya, nakayuko parin.
“Maine! Magsalita ka naman-”
“Jessa please!” biglaan niyang pag singhal. “Sumama kana sa kanila! Di ko na kayang nakikita kang nagdudurusa pa! Takot na takot na ako Jessa, parang awa please sumama kana!”
“Ano bang pinag sasabi mo diyan Maine? At ba’t mo naman ako pinapasama sa kanila? Sabi mo pa nga wala tayong iwanan diba? Diba Maine-”
“Ilang beses ko pa bang sasabihin sa iyo na hindi ako si Maine! Hindi ako ang kapatid mo! At mas lalong hindi ako ang besfriend mo Jessa!”
Nagsisimula na ring tumulo ang mga luha ko “Ano ba Maine? Anong hindi ikaw eh magkapatid tayo! Besfriends forever tayo hindi ba?”
“Jessa, May sakit ka.” sabi naman ni Kuya. “Gusto mo bang ipapaalala ko sayo yung totoong nangyari kay Maine?”
“Kuya wag na!” putol ni Maine. Or kung sino man siya.
“Kylie, dapat niyang malaman yung totoo! Kung hindi natin ipaalam sa kanya ay mas lalo lang siyang malilito.”
Tama nga siya. Kung ano man yung ibubunyag nila’y dapat kong malaman iyon!
“Sige nga kuya Arnel, ano ang dapat kong malaman ha?”
Nagbugtong hininga siya. “Bago ka inampon ni lola, nakatira ka sa bahay ng papa mo. Kasama mo dun yung kakambal mong si Maine. At yung nanay mo nama’y nasa abroad. Nung una masayahin kayo na pamilya, pero nung nalaman niyong may ibang lalaki ang mama mo ay nagwala ang papa mo. Nagalit siya. At ang galit niya’y kasing init ng pulang apoy na di kayang makontrol. Isang araw nung umuwi ka galing sa skwela ay nadatnan mo ang kakambal mong may mga pasa sa katawan. Ayun pala at ni-rape siya ng tatay mong lasingero. Samantalang yung tatay mo ay nakita mong nakahalumbitin sa lubid ng inyong sala.”
Bumagsak ako sa sahig. Di ko akalaing, yun pala yung nangyari. Hinila-hila ko yung buhok ko at umiyak nang umiyak sa sahig.
“Patay na si Maine, Jessa. Mag tatatlong taon na siyang nakabaon sa lupa. Nag-alala lang kami sa iyo dahil bigla ka nalang nawawala sa kalagitnaan nang gabi. Lagi mong hinahanap si Maine. Kaya pinagkunwari namin si Kylie na siya si Maine upang di kana magwawala. Takot kami Jessa. Takot na takot kami sa iyo. Lalo na nung muntik mo akong mapatay pag ginigising kita.”
“Totoo ba talaga ang lahat ng ito? Totoo ba o nasa ulo ko na naman ang lahat na nangyayari?”
Ngayon namay tiningnan ako nang deritsahan ni Kylie sa mga mata ng tumango siya. Di na nga ako nakakakita nang maayos dahil sa tampok na tubig ng mga mata ko.
Buong akala ko na buhay pa si Maine. Akala ko’t nandito pa siya sa tabi ko.
Kaya lang akala lang pala ang lahat.
Patay na pala siya.
At nababliw na ako.
…………………………………………………….
Paaprove admods😊






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top