PASSWORD


“Chim, peram cellphone.” si Tyron, kaklase kong superduper crush ko.
Madalas niyang hiramin ang cellphone ko para mag ML. Ganun ako kabait sa kanya.
Nagloload pa ko ng GOSURF50 para lang sa kanya tapos naisip ko wala naman akong napapala. Kaya may naisip ako. Wahahahaha!
“Bakit may password na chim?” takang tanong niya.
“Ah yung kapatid ko kasi mahilig maki-elam.” pagsisinungaling ko.
“Ahh, ano pass?” tanong niya. Larong laro na ang loko. Hahahaha!
“Hugmomunako.” sagot ko. Hahaha!
Gulat naman ako ng lumapit siya sa akin at niyakap nga ako! Waaaaah!
“Oh ayan na ah. Ano na pass?” tanong niya ulit.
“Hugmomunako, yan yung pass walang space.” natatawang sagot ko dito. “Gulat ako niyakap mo ko e. May gusto...


ka siguro saken no?” biro ko. Hahaha! Namula naman ang loko.
“Chim! Pasaway ka talaga!” aniya. Hahaha! Cute mo talaga Dawnyyyy qoooueeehh!
“Hahaha. Sorry na. Wabyu.” ako.
“Chim ayaw naman mabukas e. Ano ba talaga pass?” tanong niya.
“Ay! Kissmomunapalako.” sagot ko.
Lumapit naman ang loko at laking gulat ko ng halikan ako sa pisngi! Ahhhhh!
“Okay na? Dali na.” pagpapacute pa niya habang namumula ko panigurado.
“Yun nga yung pass ko. Kissmomunako.” sabi ko dito.
“We? Totoo na ba yan?” paniniguro niya.
“Hmmm. Wait! Pinalitan ko na pala.”
“Ano nga? Bilisss!” aniya.
“Mahalinmomunako.”
“Tanga matagal ko ng ginawa.” saad ni Tyron na ikinahimatay ko sa pagkabigla at pagkakilig.
oppss ! HAHAHAHA try nyo malay mo tumalab pfft.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top