I Fall Inlove
✍️ : Xabreena Valdez
Main Characters:
MAX LUCIO HERMOSA
(AFP First Lieutenant)
Born on June 17, 1987
SOLENN BRITNEY SANTIAGO
Born on May 5, 1990
ZANDRO HILLARIO
(Aldana Organization’s Mafia Boss)
Born on September 7, 1987
DIANA FEY SANDOVAL
Born on April 30, 1990
MEGHAN LORRAINE SANDOVAL
Born on August 1, 1988
Thank you, and enjoy reading!
Prologue
—KARINA POV—
“Winter, Spring, Summer and—–sa dinami-dami ng lalake sa mundo, bakit sa’yo pa ako na-Fall.” nanggigigil kong pagkakasabi habang pinagmamasdan ko ang crush kong si Dave na naglalaro ng basketball kasama ang ilan niyang mga barkada at kaklase.
“Asuus, ayan na naman s’ya. Kung tinatapos mo na kaya ‘yung essay na pinapagawa sa’tin ni Ma’am. Mamaya na ‘yung pasahan no’n. Sa klase natin ikaw nalang ang hindi pa nakakapagpasa. May balak ka bang grumaduate, Karina Lorraine Montemayor?” pang-iinis sa’kin ng kaibigan kong si Wendy agad ko naman siyang nilingon at tinaasan ng kilay.
“Tamad lang ako sa inyong paningin, pero ga-graduate parin.” sarcastic kong pagkakasabi. Saka ako nag-flip hair at lumakad ng mala-Miss Universe at pumasok na sa loob ng classroom namin.
Tinungo ko ang upuan ko at kinuha ang ballpen at papel sa loob ng bag ko. Hayst!! bakit kasi kailangan ko pa gumawa ng essay?! ipa-solve n’yo na sa’kin ang Math, wag n’yo lang ako pagawain ng essay!! Grrrrrr!!
Kukulumusin ko na sana ang papel na hawak ko ng bigla sumagi sa isip ko ang laging sinasabi sakin ni Mommy, noong nabubuhay pa siya.
“Karina, anak. Mag aral ka ng mabuti. Darating ang araw, matutupad mo lahat ng pangarap mo. Make your mom and dad, proud. Anak. I love you.”
“Ma, hindi ko na talaga keribells. Feeling ko susuko na ‘ko.” bulong ko sa sarili ko saka ako napasubsub sa arm-desk.
“Hoy! Karina, ayos ka lang?” may pag aalalang tanong ni Irene, isa sa mga kaibigan ko. Inangat ko naman ang ulo ko saka malungkot na tumingin sakanya.
“May sakit ka ba?” pag-aalala niyang muli. Agad naman ako umiling, saka ako nag pout.
“Eh anong nangyayari sa’yo?” muli n’yang tanong sa’kin.
“Gawan mo ‘ko ng essay, ililibre kita ng lunch mamaya. Please..” pakiusap ko at pinagdikit ko pa ang mga dalawang palad ko na animo’y nagdarasal.
“Karina naman, 4th year high school na tayo. Kaya mo na ‘yan.” saad ni Irene.
“Eh hindi ko nga kaya eh.” sagot oo.
“Tinatamad kana naman siguro ‘no? Hayst! sige na nga, akin na ‘yang papel mo. Pero next time, ikaw na gagawa ng essay mo ha.” saad ni Irene saka kinuha ang papel na hawak ko. Hindi talaga ako matitiis ng bessy ko.
“Ayieeee thank you..thank you..” masayang pagpapasalamat ko saka ko siya niyakap.
To be honest, kaya ko naman talaga gumawa. Ang kaso lang, sinapian yata ako ng katamaran. Ewan ko ba, mabuti nalang talaga at nand’yan si Irene na laging sumasalo sa’kin.
Chapter 1
—KARINA POV—
“Karina, bumaba kana d’yan male-late kana!” rinig kong sigaw ni Papa mula sa unang palapag ng bahay namin. Ngunit sa sobrang lakas ay abot hanggang dito sa kwarto ko.
“Bababa na po!” sigaw ko habang nagmamadaling inilagay ang libro sa bag ko. Nagre-review kasi ako para sa exam namin this week. Siyempre, kailangan kahit papano may laman ang utak hindi puro jowa—–ay wala pala ako no’n.
——
“Anong oras na, male-late kana naman sa first class mo.” bungad na sermon sa’kin ni Papa pagbaba ko ng hagdan.
“Pa, relax. Nakalimutan mo na ba? Ikaw ‘yung teacher ko sa first class ko?” nakangising pagkakasabi ko.“Hindi lang ako ‘yung male-late na. Pati rin naman ikaw eh.” nakangisi ngunit sarcastic na tono kong pagkakasabi.
“Sir, ito na po ‘yung susi ng kotse.” saad ng kasambahay namin na si Ate Mildred. At kaagad naman na kinuha ni Papa ang susi na inaabot sakanya ni Ate Mildred.
“Tara na.” seryosong pagkakasabi ni Papa ng tignan niya ako.
“Ate Mildred, alis na po kami.” paalam ko sa aming kasambahay na halos sa’min na tumanda. Masyadong loyal sa’min si Ate Mildred. Sabi ni Papa, dalaga palang si...