TWO HEARTS BENEATH THE MOON


TWO HEARTS BENEATH THE MOON
Kabanata 1
“Is it really hard to love me back?” I whispered and sighed deeply.
Tinignan ko ang repleksyon ko sa malaking salamin. Ini-inspeksyon kung may mali ba sa itsura. Tinagilid ko ang ulo ko para suriin ang kaliwang bahagi ng mukha ko, ganoon din sa kanang bahagi.
Tumutulong ang liwanag ng ilaw sa aking silid para mas malinaw kong suriin ang bawat anggulo ng aking mukha. Hindi naman pango ang ilong ko, katamtaman ang tangos nito na nababagay sa maliit kong mukha. At ang singkit kong mata na namana ko kay Mommy.
Ngumuso ako. Pilit pinagduldulan sa isip ang nakikita mismo sa salamin. Maganda naman ako ah!
Sa murang edad, pinalasap na sa’kin ng mundo kung paano magmahal. Oo, masaya sa pakiramdam…. kung mamahalin ka din pabalik.
Masakit. Kapag hindi sinuklian ang pagmamahal na ‘yun. Hindi ko inakala, sa murang edad, ipalasap ito sa’kin ng mundo.
At sa murang edad ko din napagtantong walang pinipiling lugar, araw, oras at tao ni kupido. Look at me! I’m the proof. I just woke up in the morning, holding my chest tightly, where’s my heart located beating loudly his name.
I smiled bitterly, kita ko ang repleksyon kong iyon mula sa malaking salamin. Why of all people, isa pa ako sa mga taong nakabilang sa grupo ng mga hindi sinuklian ng pagmamahal.
Bumuntong hinga ulit ako. Umayos ako ng pagkakaupo, straigthening my back, I lifted my chin. I positioned my hand on my lap. Ready to berate myself through the mirror.
“Huwag kang aayaw, Candace! Okay?! Kulitin mo siya ‘gang mahulog siya! Hindi pwedeng ikaw lang ang nagmamahal sa inyong dalawa!” Gigil na sabi ko sa sarili.
Inipon lahat ang hangin sa aking baga, at pasigaw akong huminga palabas. Inilabas kasama ang negatibong iniisip kanina.
Pinakiramdaman ko ang aking sarili, normal na ulit ang tibok ng aking puso. Tila naalis ang isang batong nakadagan sa’king dibdib.
The ray of sun filled underneath my skin. Kaya mas lalong tumingkad ang kaputian ko. Walang nagpapatalo sa sakit ng sinag ng araw at simoy ng hangin ngayong hapon ng lunes.
Hinayaan kong sumama sa ihip ng hangin ang mahaba kong buhok. They’re dancing gracefully. I love the smell and softness of my hair touching my face.
Wearing our school uniform, sa kaliwang kamay bitbit ko ang isang pink na lunchbox. Patungo sa building ng mga kumukuha ng kursong inhinyero. Hindi kalayuan sa building namin. I took bussiness.
Ang mga mapanuring nilang mga mata ay sa’kin nakatuon, hindi na ako magtataka. Sanay na ako. At hindi maipagkailang alam nila ang sadya ko sa pupuntahan ko.
Nang makarating ako sa SACsw201, saktong lunch break nila.
Huminga ako ng malalim. My little friend inside of my chest started making a lot of noise, again.
Inihanda ko agad ang matamis kong ngiti pagpasok, namataan ko agad siyang prenteng nakaupo habang nagbabasa ng may kakapal na libro. His strongly formed body occupy the chair. Kahit nakaupo, nakakabali pa din siya ng leeg sa mga studyanteng nakakalat sa labas ng kanilang silid. Para silang mga hayop na hayok sa isang masarap na ulam, at naghihintay kung kailan ihahain sa kanila.
Naglaho ang ngiti ko nang makarinig ng isang boses,
“Hey, you are here again! Can’t get enough not to see me, huh? Miss me that much?” he said with full of confidence. I just rolled my eyes at him. Imbes na patulan, nilagpasan ko siya.
Kung hindi lang siya bestfriend ni Travis. Nunka akong pakisamahan siya. Kung sakali man kausapin ko siya, pagiging mataray ko ang ihaharap ko sa kanya.
He asked something, pero huli na para sagutin ang tanong niya dahil nakalapit na’ko sa sadya ko talaga.
He lifted his head as I stop infront of him. Sinalubong ko ang mapanganib niyang tingin. Ang kulay itim nitong mata ay mas lalo pangdumilim nang makita ako.
Ngumiti ako, labas ang mga mapuputi kong ngipin. Pero agad din naglaho dahil sa narinig ko mula sa kanya.
He gritted his teeth. “Sabi ng ‘wag ka ng pumunta dito. Do I need to remind you everyday?” magkasalubong ang makapal niyang kilay. Magsimulang tupukin ng apoy ang kanyang mga mata.
He’s being rude…. again.
Nginisian ko siya imbes na matakot at tumakbo palayo. Sa tagal kong pinupuntahan siya dito at walang pinagbago ng pakikitungo niya sa’kin… sanay na ako. Sanay na itulak niya palayo. At hindi ‘yon dahilan para tumigil ako sa mga ginagawa ko, this is what my heart wants, and my mind told me to do so.
“I-i have something for you, Travis.”
Hindi niya ako pinansin. Ibinalik ulit ang tingin niya sa libro. Tulad ng dati, sa libro niya na naman nakatuon ang kanyang pansin. He’s always with his books. Hindi siya nerd. Kung sakaling isa man siyang nerd, hindi pa rin mababawasan ang mga babaeng may gusto sa kanya. At isa na ako do’n. I’m still going to court him.
Nakatayo pa rin ako sa harapan niya, at pinapanuod siyang nagbabasa. Nakahawak sa libro ang kaliwang kamay niya, samantalang nakatukod naman ang kanang siko niya sa braso ng upuan habang pinaglalaruan ang hawak na ballpen. Isang paa niya’y nakapatong sa isa pang upuan sa harapan niya.
Even in that simple sight of him can take my breath away…
Masipag talaga siyang magbasa samantalang ako noon pagbukas ko pa lang ng libro umaayaw na’ko. Pero nang magkolehiyo ako at naging professor ko si Ma’am Elyneia. Palagi na akong nagbabasa. Sa subject nga lang niya. My favorite professor. Paborito ko din ang hawak niyang subject. Paborito ko din ang nag-iisang anak niya… si Travis.
Parehong professor ang mga magulang niya dito sa Santa Alicia College, pribadong paaralan at nag-iisang paaralan pang-kolehiyo sa bayang ito, sa magka-ibang subject at sa...


kursong hawak.
Pinakiramdaman ko na naman ang aking sarili. Mabilis ang tibok ng aking puso, kasingbilis ng isang kabayo habang ito’y nakikipagkarera.
Gamit ang mahahabang daliri, inilipat niya sa kabilang pahina ang hawak na libro. Kunting galaw niya lang, parang matutumba na ako dito sa kinatatayuan ko. Ganyan ang epekto sa’kin ang isang Travis Gellego. Walang pinagbago, mas lumala pa ‘tong nararamdaman ko para sa kanya. Hindi na paghanga itong nararamdaman ko kundi higit pa doon.
“Ano iyang hawak mo, Candace?” tanong ni Aidan.
Just blink of an eye, nasa kamay na ni Aidan ang sagot ko sa tanong niya. He didn’t even wait for me to answer. He just forcefully grabbed it!
I raised my eyebrow at him. “That’s not for you!” I hissed.
Napalabi pa siya. “Damot!” Parang batang sabi niya. Inirapan ko naman siya. Lumapit ako sa upuan niya para kunin ang lunchbox. Pagkatapos, lumapit ulit ako kay Travis.
“T-travis,” Tawag kong pansin.
Hindi niya ako binigyan ng kahit isa man lang sulyap. Naiinis na’ko. Pinipigilan ko lang ang sarili kong ‘wag siyang pagtaasan ng boses. Pilit kong hindi inaalis ang ngiting nakapaskil sa’king labi.
I composed myself for a while. Trying to calm all my nerves.
“Travis.” Ulit ko. I smiled pagkasabi ko sa pangalan niya.
He raised his head. Sinalubong ko ang malalim niyang mga mata.
“Gumawa ako ng lunch para sa’yo.” sabay abot sa lunchbox.
Hindi siya gumalaw para abutin ang lunchbox. Walang ekspresyon nakapaskil sa kanyang mukha, patuloy pa rin itong blangko. Hindi siya kumurap, nakatingin siya ng diretso sa’king mga mata. Palalim ito ng palalim.
Iniwas ko ang tingin sa kanya ng bigla akong tamaan ng pagkailang. He was like digging my soul the way he stared at me.
“Fckin’ move your hand and take that fucking lunchbox, dude.” malulutong na mura ni Aidan.
Epal talaga ‘tong kaibigan niya! Hindi alam ang salitang privacy!
“Shut up, Aidan!” Tinignan ko siya ng masama. He just shrugged his broad shoulder.
Nakangiti kong binalingan ng tingin si Travis. Napabuntong hinga siya. Nakatingin pa rin siya ng diretso sa’king mga mata. Na para bang pinag-aaralan akong mabuti. Ibinaba niya ang hawak na libro. Now, I get his whole attention. Dapat na ba akong magpasalamat sa lunchbox na ito? Maybe, later.
“What if we make a deal?” suhestyon niya.
“What deal?” I said immediately.
“I’ll eat that… pero ito na ang huli.”
Napanganga ako sa sinabi niya. Parang sinabi na din niyang titigilan ko ang panliligaw sa kanya.
Gaga! Ganun na din yun! Anang bahagi ng isip ko.
Nalunok ko ata ng tuluyan ang dila ko, ni isang salita wala man lang gustong lumabas. Hindi iniwan ng mata ko ang kanya. Hinihintay kong tumawa ito at bawiin ang sinabi niya.
But knowing Travis, seryoso siyang tao. Lahat nang lumalabas galing sa bibig, pinaninindigan. He stands for it.
Tumawa ako ng malakas. Not minding people around me. Siguro kung nandito lang ‘yung dalawang kaibigan ko baka sinabunutan na’ko.
“Nagbibiro ka ba, Travis?” I asked in disbelief.
“Alam mo kung ano ang magiging sagot ko. Ayoko!” dagdag ko.
Napapikit siya ng mariin. Hinilot niya ang kanyang sentido.
“Candace.” matigas at buo niyang pagbigkas sa pangalan ko.
Kitang kita ko kung paano niya masasehin ang tungki ng ilong niya atsaka nagsalita,
“Hind-”
I cut him off before he totally said the word that can break my heart into a million pieces like a broken glass.
“Then don’t eat it.” mataray kong sabi.
Iniwas ko ang tingin sa kanya. Napunta ang tingin ko sa nakaupong lalaking matamang pinapanuod kami. Si Aidan. Isa sa mga kaibigan niya.
“Sa’yo na!” sabay abot sa kanya.
Mabilis ang kilos niya, may munting ngisi sa kanyang labi, at kinuha ang hawak kong lunchbox.
“Damn it, Aidan!” Travis roared. Rinig sa buong silid. Nakaramdam ako ng kunting takot pero hindi ko pinahalata. His eyes never leave mine. Umigting ang panga niya.
Nakipagtitigan ako sa kanya. Bukod sa nakakapaso, nakakalunod din ang paraan ng titig niya. At nakapanlalambot ng tuhod. Lahat ng pwede kong maramdaman ay ipinaramdam niya sa’kin kahit sa paraan lang ng pagtitig niya.
Napunta ang tingin niya kay Aidan. “Akin na yan, Aidan.” mariing wika niya.
“Tangina naman! Gutom na ako! Kanina pa ako dito eh!” reklamo ni Aidan. Dahil wala siyang magawa. Patabog itong tumayo at binigay ang lunchbox sa kaibigan.
Lihim akong napangiti. Kukunin mo rin pala. Hindi mo rin pala ako matitiis eh. Gusto mo na rin ba ako, Travis?
“Leave, Candace. Dalhin mo’to. And never come back again.” pagkasabi niya no’n ay marahan itong tumayo. Kinuha ang libro at lumipat ng mauupuan sa bandang likod. Malayo sa’kin. At pinagpatuloy ulit ang pagbabasa.
Ayokong magsalita. Dahil pag nagsalita ako, baka pagsisihan ko pa kung ano ang masabi ko. I know myself, really well. Hindi ko pinag-iisipang mabuti ang sinasabi ko pag ganitong naiinis ako.
At sa nangyayari ngayon naiinis talaga ako, hindi dahil kay Travis kundi dahil sa lunchbox na’to. Kung hindi ko sana nakita ang lunchbox na’to kaninang umaga, hindi na sana sumagi sa isip ko ang planong ‘to.
Palpak! Puro nalang palpak!
Pilit kong inihakbang ang magkabilang paa ko patungo sa may pintuan. Bago ako makalabas ng silid narinig ko ang boses ni Aidan.
“Can I have that instead, Candace?” Isa pa ‘to, ang yaman yaman tapos walang pambili ng pagkain. Isa siyang malaking joke na nakilala ko!
Hindi ko siya binalingan ng tingin. Diretso ang lakad ko. Naiinis din ako sa kanya.
Patuloy ang lakad ko nang may makita akong trash can sa gilid, at walang pag-aalinlangang tinapon ang lunchbox doon.
Kung paano niya pinapatibok ng malakas ang puso ko sa mga simpleng galaw niya lang ay gano’n din niya kaybilis saktan ang puso ko sa simple niyang pagtanggi.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top