CRAZY EX-WIFE CHAPTER 5


CRAZY EX-WIFE ”
CHAPTER 5
– LORRAINE –
Hindi maalis Ang ngiti ko sa labi ng sabihin ng doktor sakin na pwede na syang lumabas kahit anong araw ngayong buwan. Makakahinga na ako ng maluwag dahil nalampasan ko na Yung kinakatakot Kong stage ng pagbubuntis.
” Lorraine, pasensya kana Hindi na Kita nasamahan sa check up mo ha? ”
” Ayos lang Lara Wala naman daw problema Sabi ng doktor at dahil kabwanan ko na pwede na syang lumabas kahit anong araw at oras. ”
” Masaya ako para sayo Lorraine . Ito nga pala si Alex kaibigan ko. Psychologist din Ito at sa Ibang Bansa pa nagtapos. ”
Ngumiti Lang ako Kay Alex at saka nagpaalam na umalis. Kahit na mabuti syang Tao Kung titingnan ay mahirap para sakin Ang magtiwala agad.
” Pasensya kana Kay Lorraine Alex. Hindi talaga sya masyadong nakikihalubilo sa Ibang tao dahil sa nangyare sa kanya. ” Rinig Kong Sabi ni Lara
” Ayos lang, Hindi naman sya pwedeng pilitin sa bagay na Yan. Kailangan nya pa ng oras ” natuwa din ako at naiintindihan nila Ang sitwasyon ko.
– MARK-
Ilang araw Kong pinag isipan Kung ano ba Ang dapat na gawin ko. At narealize ko na si Jane Ang bibigay sakin ng pangarap Kong pamilya Kaya andito ako sa labas ng bahay nya para sabihin na seryoso ako sa kanya at handa na akong magmahal ulit. Hinding-hindi ko narin babanggitin Ang pangalan ni Lorraine sa kanya kahit minsan. Mag-isa Lang din sa bahay si Jane dahil nasa Ibang Bansa Ang mga magulang nya kasama Ang iba nya pang kapatid. Gusto sya ng pamilya ko Kaya Wala akong magiging problema Kung syA Ang magiging asawa ko. Hindi pa ako nakaka doorbell nang Makita ko agad syang lumabas
” Jane! Ako to si Mark! ” Nanliit pa Ang mata nya ng Hindi agad ako nakilala. Lumapit syA sakin Kaya nakilala nya ako. Gusto nya pa sanang pumasok ulit sa loob at wag akong harapin pero nag over the bakod na ako.
” Sandali! Mag usap tayo! Galit ka parin sakin? Sorry na”
” Bakit ka andito Mark? Gagawin mo nanaman akong panakip butas?”
” Hindi ako pumunta dito para sa Ibang dahilan maliban sa Ikaw Ang gusto Kong makasama. Pinag isipan ko na ng ilang beses at Ikaw Ang pinili ko Jane. Gusto mo paba akong makasama? ”
” M-Mark buntis ako! ”
Parang nabingi ako sa narinig ko Kay Jane.
” Anong Sabi mo? ”
” Buntis ako. Ngayong alam mo na, alam Kong hindi mo ako pananagutan Kaya umalis kana Mark! Papalaglag ko nalang to para Wala na akong problema saka para Wala kana ——-“.
Niyakap ko si Jane. Sa Isang iglap Lang ulit parang napawi lahat ng lungkot ko sa nangyare sa anak ko dahil naging ama nanaman ako
” Pananagutan Kita. Gusto ko ng anak Jane at Ikaw Ang gusto ko maging Ina ng magiging anak ko Kaya wag Kang mag isip ng masama para sa anak natin....



” Kung dahil Lang naman sa anak mo Kaya mo ako pakikisamahan wag Kang mag-alala Sige bubuhayin ko to Hindi ko syA ipagdadamot sayo pero Hindi natin pa kelangan magsama sa Isang bahay Lang. ”
” Hindi Jane. Kailangan Kita sa buhay ko at gusto Kong bigyan ng isang buo at Masayang pamilya Ang magiging anak natin . ”
” May check up ako mamaya pwede mo ba akong samahan ? Gusto ko Lang humingi ng advice sa doktor Kung ano Ang dapat Kong gawin para Hindi magkaproblema ”
” Ofcourse. Sa bawat check up mo nasa tabi mo lang ako. ”
” Thank you Mark. I love you ”
” I- I love you too ”
– LORRAINE-
Hindi maipaliwanag Ang sayang nararamdaman ko nang tingnan ko Ang mga damit na susuotin nang baby ko paglabas. Habang inaayos ko Ang mga gamit nya ay naalala ko Ang unang baby ko. Sayang at hindi nya nagamit Ito Kaya kapatid nalang nya Ang susuot. May Isa na sanang kumukulit sa akin ngayon habang hinihintay Ang paglabas ng kapatid nya. Anak, kahit Wala kana Ikaw parin Ang panganay ko. At kagaya mo, lalaki Rin Ang kapatid mo.
” Nakakatuwa namang tingnan Ang mga ngiting Yan ”
” Masaya ako Lara. Excited na akong maging ganap na Ina. ”
” Kung hindi palang ako nasisilang sa Mundo, gugustuhin Kong Ikaw nalang maging mama ko ” natawa ako sa sinabi ni Lara
” Hindi ko tatanggihan yon Kung sakali. Isang blessing Ang magkaron ng isang anak na mabait Gaya mo ”
” Kaya gustong-gusto Kita sa lahat ng naging pasyente ko, ikaw Yung very honest. May pagka suplada pero sweet parin haha”
” Salamat Lara Hindi mo ako sinukuan. Akala ko Hindi nako magkakaron ng kaibigan dahil lahat nalang nagagalit sakin”
” Nagagalit sila dahil hindi nila kilala Ang tunay na Lorraine. ”
” Sorry sa mga inasal ko sayo. Hindi ka Lang magaling na psychologist, makatao karin. Salamat Doc.”
” Magkaiyakan pa ba tayo? Nasanay nako na Lara nalang Ang tinatawag mo sakin at mas komportable nako don Kaya wag mo na baguhin ”
” Sige Sabi mo e! Haha”
” Bago ko nga pala makalimutan Lorraine , pinapapunta ka sa hospital ni Doc Ben para makilala mo daw Yong magpapa anak sayo . Pili Lang Ang pinapaanak non Kaya dapat makasama ka don. ”
” Oh Sige mamaya pupuntahan ko salamat”
Nang maka Alis na si Lara ay pumasok nanaman sa isip ko si Mark. Naalala ko Lang Yong mga panahon na nagpapa check ako at kasama ko syA lage. Hindi din maipinta Ang saya nya ng magpa ultrasound kami non at Makita na lalaki Ang panganay namen. Pangarap nya Kasi talaga na lalaki Ang maging panganay na anak nya Kaya nga, Ganon nalang sya nasaktan nang mawala Ang anak namin. Pero ngayon, nabuhay ulit Ang pangarap nya na yon. It’s a boy again.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top