Nagsimula sa pangangaroling


Our story started nung December 2015 at dahil December na, tuwing gabi kami nangangaroling kasama ang aking churchmates para sa aming Christmas party. Isang gabi ay biglang bumuhos ang ulan at nagtakbuhan kami sa isang malapit na tindahan at doon nagpasilong, maya2 ay may dumaan na isang lalaki na may dalang malaking payong sya pala ay kaibigan ng aming kasama kaya tinawag nya ito at inimbita na sumama sa amin mangaroling para na rin may masilungan kami habang kumakanta. Habang nag lalakad kami ay nagka usap kaming dalawa at sa pag-uusap namin tinitigan ko sya at doon ko napagtanto na ang cute nya pala at doon nagsimula ang aming love story simula noon nag uusap na kami palagi at isang araw niligawan nya ako at madaling araw ko sya sinagot. Naging mag jowa kami ng isang taon pumunta talaga sya sa probinsya namin para makilala ang aking pamilya at doon namin nalaman na magkakilala lang pala ang mga pamilya namin sa side ng aking papa. Nag live in...


kami ng 5yrs at may dalawa na kaming anak na babae, noon ayaw pa nyang magpakasal at hindi ko na sya pinilit kasi ayaw kong maging dahilan ito ng away namin. Itong taon lang 2021 hindi ko inaasahang ito ang maligayang taon para sa aming dalawa kasi nag propose sya sa akin at sya na mismo ang gumawa ng paraan na makasal kami hindi ko akalaing ikakasal na ako at magiging mrs. Na ako. Ako na ata ang babaeng pinaka masaya dahil ito ang pangarap ng bawat babae na maikasal sa taong mahal nila.Noon lagi ko lang ipinapanalangin na sana ay maikasal na kami dahil para ma rin sa aming mga anak, ngunit ngayon ay dahan dahan ng natutupad ang mga pangarap naming dalawa. Nagsimula sa pangangaroling, kasama ko sa pangangaroling noon magiging asawa ko na ngayon🥰♥️.

Sana ay mapili pang dagdag sa gastusin para sa aming civil wedding 🙏 hindi mahalaga ang magkaroon ng bonggang kasal dahil ang importante ay ang masaya at malusog na pagsasama,♥️
09550515922






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top