Tatlong araw na nga ang nakalipas,ay nasa manila na kami ni inay.
Ganito pala ang manila napakaingay di tulad sa probinsya tahimik lang,at buzy buzyhan ang lahat nang tao dito,sabi ko Kay inay na palingon lingon ako sa mga taong ang bibilis nang kilos.
Pasok muna tayo sa simbahan chuchay,sabi ni inay nang madaanan namin ang simbahan.
Kakamangha din ang simbahan dito inay ang laki,di tulad sa probinsya maliit lang.
Napadaan naman sila Don federico sa simbahan.
Pumasok muna tayo nang simbahan,agad nitong sabi nang makita na nasa harapan sila nang simbahan.
Anak tara yaya naman ni Aling maricar kay chuchay nang matapos itong magdasal.
Paglabas at pagpasok naman nila aling Maricar at Don federico at nagkabungguan sila chuchay at Syra.
Sorry sorry agad ko namang sabi.
Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan ei sigaw ni Syra.
Sorry mahina ko namang sabi na nakayuko.
Ok lang iha,ok lang agad namang sabi ni Don Federico habang nakatitig kay Chuchay at sumagi agad sa isip niya ang kanyang baby Janelle.
Parang sarap titigan ang batang ito,bulong ni Don Federico sa sarili na nakaramdam nang saya nang makita ang maamong mukha ni chuchay.
Sorry ho talaga sir ha,agad namang sabi ni aling maricar habang yumuyuko.
Kahit lumalakad na papalayo sila aling maricar at chuchay ay nakatitig parin si Don Federico kay chuchay,at ganun din si chuchay nakatitig din ito habang ngumiti sa kanya papalayo..
Ang gaganda nila pagmasdan inay,ang ganda nung bata at ang ganda nang damit tapos ang babango pa parang prinsesa,at may tatay din kasama ang bata..
Nang marinig iyon ni Aling maricar kay chuchay ay kumirot ang kanyang puso.
Alam niya na habang nagkakaisip si chuchay ay...