UNEXPECTED LOVE π€
π·οΈ CHAPTER 6: .β’Β°He’s Craz* ExΒ°β’.
Dahil sa nangyari kay Patricia hindi nakauwi si Jc sa condo nito, sa hospital ito nagpalipas ng gabi habang ang mga magulang ni Patricia naman ay labis ang pag-aalala ngunit hindi nila mabisita ang anak dahil nasa ibang mga bansa ang mga ito. Agad din namang nakalabas sa hospital si Patricia, sinabi ng doctor na ang pagkawala ng malay ni Patricia ay sanhi ng sakit na cancer at pagdadalang tao at subrang stress, pinaalalahanan din siya ng doctor na alagaan ang kanyang mag-ina at magpakatatag. Habang nagising si Mae na walang Jc na nakikita buong gabi.
Abala sa paglilinis si Mae ng biglang may kumatok, masaya at patakbu siyang tumungo sa pinto upang buksan ito ngunit ganon nalang ang kanyang gulat sa pag-aakalang ang Kuya Jc na ito ay hindi, isang babaeng kulang na lang ay makita ang kaluluw* sa napakaikling suot. Napataas kilay niya, hindi niya alam bat ganon inasta niyae basta naiinis siya dito. Naalala niya ang panlala*t na ginawa nito sa kay Patricia. Kaya imbes papasukin ay tinitigan lamang niya ito. Kapwa nagtitigan lamang ang dalawa, nainis naman ang dalagang kaharap ni Mae at hindi na nakapagtimpi.
“Ano, tapus ka na ba titigan ang kagandahan ko? Hindi mo ba ako papasukin?” Irit*ng tanong nito sa kanya.
“Wow! Talaga?” Kunyaring gulat pa si Mae. “Saang banda na maganda ka? Baka gusto mo bigyan pa kita mukhang kinakapos kana sa gandang sinasabi mo” Pang-iin*s niya dito. Naggagala*ti naman sa gal*t ang babae, balak na sana siyang sugurin nito ngunit mabilis niyang isinara ang pinto dahilan na tumama ang ulo ng babae sa pintuan na lihim na ikinatawa ni Mae.
Binuksan niya ng marahan ang pinto upang silipin ang babae na ngayon ay hinihimas ang noo. “Opsss! sorry diko alam bulag ka pala” agad sinara ni Mae ang pinto at nilock ito para siguradong hindi makakapasuk ang bal*w na babaeng iyon.
Rinig pa ni Mae ang pagsigaw nito na ikinatawa pa niya lalo, hindi alam ni Mae kung bakit nagawa niya iyon ang babae basta alam niya lang ayaw niya sa mga taong mapang-api gaya nong nakaharap niya. Hindi naman niya ito kilala pero sapat ang makitang panglala*t nito sa kanila para masabi niyang masama ito gaya ng sabi ng Ate Patricia niya, naikwento kasi sa kanya kahapon kong sino iyon noong una ay iniisip niya baka nagsisinungaling lamang si Patricia sa kanya ngunit ngayon na pumunta ang babae sa condo ni Jc ay naniniwala na si Mae na lahat ng sinasabi ni Patricia ay totoo.
Dahil sa walang magawa si Mae ay nakatulog na lamang ito sa sofa siguro...