Pinagtagpo pero hindi Itinadhana Kabanata 18


Author: Miss J
Maaga akong bumangon halos madaling araw eh gising na gising na ako, hindi ako halos nakatulog ng dahil sa pagiisip ng mangyayari, nagtimpla ako ng kape at nagasikaso na ako para maligo kailangan Kong makapunta ng maaga sa bahay nila Jane, gusto ko na tong matapos, gusto ko ng matuldukan kung ano man ang dapat tuldukan.
Pero hindi ko maialis sa aking isipan na hindi na niya siguro ako mahal o maaaring talagang wala ng pag asa pero hindi ako nawawalan ng pag asa na maaayos pa. Kailangan Kong ayusin to, kailangan Kong mabawi ang pamilya ko, kailangan Kong mabawi ang pagmamahal ng aking asawa.
Hindi ako mapakali, antagal nyang dumating halos kalahating oras nkong paikot ikot dito sa labas, nalunod ko na siguro ang mga halaman dito sa amin pero hindi parin sya dumarating. Mabuti nlng at kinuha ng pinsan Kong si kuya Ron ang mga bata at ipapasyal nya daw muna para makapg usap kami ni Jojo at hindi masaksihan ng aking mga anak kung ano man ang mangyayari. Ilang sandali pat...


may nag doorbell, agad akong pumunta sa may gate kahit na kinakabahan , isang hingang malalim bago ko binuksan.
” Pasok ka ” ako na tumalikod na papunta sa loob ng aming bahay, hindi ko na sya inaksayahan tingnan pero nilalamig ang buo Kong katawan, kinakabahan ako pero kaya ko to para matapos na ang dapat tapusin.
” Nasan ang mga bata ? May pasalubong ako para sa kanila ” si Jojo na mataman akong pinagkatitigan ” Wala eh, hiniram ng pinsan ko at ipapasyal daw nya muna ” patuloy Kong salita sa kanya ” Pwede na siguro tayong magusap para maipaliwanag ko na sayo ang lahat na kung bakit ko nagawang sumama sa ibang lalaki, na kung bakit ako nagloko at piliin na masaktan ka ” salaysay ko Kay Jojo na nakayuko ang ulo ” Sige at ng maintindihan ko nga kung bakit mo nagawa ang ganitong kabigat na bagay, bakit mo to nagawa sa pamilya natin Jane, bakit ?” Walang emosyon na salita nya sa akin ” Mahal mo ba sya? ” 💜






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top