Meant to be? Chapter 3


Pagod na pagod si Nice kakatulong magbanlaw ng pinagkainan ng bisita. Kaya ng matapos, pinuntahan lang nya ang ama sa banghouse malapit sa guard house para mag goodnight. Nauna nang pumanaw ang kanyang nanay. At sya lang mag isang anak.
“Papa, tulog na po ba kayo?”
Narinig nya ang tila naalimpungatang boses nito.
“Ay sige po pa, goodnight na.”
Pero nabuksan na nito ang pinto.
“O nak, tagal ba kayong natapos?”
“Opo pa, sumakit nga likod ko.”
“O halika mamasahiin ni papa.”
“Papa naman, huwag na alam kong mas pagod din kayo.”
Nasa labas sila ng banghouse na may bench.
Sumandal sya sa balikat ng tatay nya.
“Pa.. Miss ko bigla si nanay. ” di nya na napigilan ang mga luha.
“Anak, pati ako paiiyakin mo na naman.”
“Sorry po, di ko mapigilan.” lalo na ng maisip ang nangyari sa kanya. Tapos di nya pa masabi sabi sa tatay nya. Napansin nito ang paghikbi nya.
“May problema ka ba anak? ..”
“Wala pa.. ”
Kung andito lang si nanay hindi malamang mangyayari sakin yon. Dahil pipigilan nya ako sumama kung lakwatsa o kung hindi wala ako dito kung di nasa bahay. Kaso kami na lang ni papa at di ko kayang mawalay sa kanya.
Hindi ko akalain mangyayari sakin yon.. Ang sakit isipin, nawala nalang yon ng kay bilis! Ni di ako nagpapaligaw, kasi gusto ko ipagmalaki na mabuti ang pagpapalaki sakin ng magulang ko.. Huhuhu..bakit nangyari sakin yon.. Ang hirap tanggapin! Yong salitang, pakimi kimi pero sa loob ang kulo” parang ganon na yong mailalarawan sakin ngayon.
Niyakap na sya ng kanyang ama dahil humagulgol na sya, at di na nya kayang ihinto ang pag iyak.
“Sige po pa, namiss ko lang si inay, goodnight po uli. Mahal na mahal kita pa, ikaw na lang ang meron ako. ” sana makatapos ako ng pag aaral para maiahon ko kayo sa ganitong kahirap na trabaho, nang makabawi naman ako sa inyo. Wala na si inay, sa inyo ko na lang ibubuhos lahat. Sige pa”
Nakita nyang nagpahid ng luha ang tatay nya pagkatayo nya.
Muli sya nitong niyakap. Bago sya tuluyang tumalikod at naglakad. Sa paglalakad nakayuko lang sya dahil di pa rin maubos ubos yong luha nya at ng sakit ng dibdib.
Kaya
Owh!
Ahh!


/> Nagkabungguan sila ni Ace.
Ikaw? Huh!
Agad syang umiwas at nagpatuloy sa paglalakad.
” Sorry.. ok ka lang?”
Di nya ito kinibo, pero sinisinok na sya sa kakaiyak.
“Pwede ba tayong mag usap.”
Bahagya syang umiling at binilisan ang paglalakad.
“Nice.. Usap tayo.”
“Nice? ”
Bigla nya itong hinarap
Ayoko!! At bakit Huh? .. Huh? .. Kung meron man akong taong ayaw na ayaw ng makita! Ikaw yon! Klaro sayo? Wala kang kwenta! , dinaig mo pa ang bakla! sinamantala mo ang kalasingan ko!! Gago ka!! Wag na wag ka nang magpapakita sakin!”
tsaka sya dire diretsong naglakad.
Mabilis na napigilan ni Ace ang siko nya at hinarap sya.
Nagtama ang mga mata nila. Mga matang lumuluha at nababahala.
” Akala ko iba ka, kasi ipinagtanggol mo ako don sa mga walang hiyang yon! Sorry naman kung di ko na alam pinaggagawa at pinagsasabi ko non. Lasing na nga po kasi ako. Wala na ako sa katinuan. Kasi ang laki kong tanga, ang tanga tanga ko! .. Tanga tanga ko!!!! 😭😭
Nice.. I’m sorry..
“Isa lang hiling ko sayo, dahil gusto mong ibalewala na lang yon. Pwes wag ka nang magpapakita at mang iistorbo. Huh? Anong silbi at mag uusap pa? Wala!Get lost! Ok? Boh!”
Sabay sampal nya sa hangin malapit sa mukha nito. Tsaka tumalikod.
Naiwang tulala si Ace. Para syang binuhusan ng malamig na tubig at tanging pagkagat ng daliri ang nagawa. Nasaktan sya sa narinig. Bigla syang nagteary eyes.
Pag uwi nila sa kanila. Diretso sya sa mini bar at nag bukas ng wine. Sunod sunod nyang linagok ang bote, walang gamit gamit ng baso .
Di nya namamalayang pumatak na ang mga luha sa pisngi habang umiinom. Naiipit sya sa sitwasyon.. Ayaw nyang malaman iyon ng iba dahil malalagot sya sa papa nya pag nagkataon. Pero nasasaktan sya para sa dalaga. Alam nyang iba ito sa mga dalagang naangkin na nya. Mga dalagang, di na naghahabol kahit nakuha pa nya. Bigla nyang nasabunutan ang ulo. Kasalanan nya, nagpadala sya, di nya pinigilan!
Muli nyang inalala ang mukha ni Nice kanina na lumuluha. Parang may nag uudyok sa kanya kanina na yakapin ito, pero nahihirapan syang gawin.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top