Sa loob ng palasyo ay Nagpatawag Ang hari ng pag puPulong kasama ang opisyal, naupo sya sa trono habang ang mga matataas na opisyal ay naroon Naman sa ibaba at naka hanay upang pakinggan ang mga papel ng pagpapahayaG.
“Iminumungkahi ni Ministro Young na makipag kasundo sa lupain ng baekje upang hindi na tumuloy sa digmaan ang maliit na hindi pagkakaunawaan sa Pagitan ng Goryo. ” anunsyo ng punong taga salaysay.
“Kamahalan” nagsusumamo ang boses ng Ministro. “Kamatayan ang nararapat sa akin dahil sa kalapastanganan kong pangunahan ang desisyon nyo.” anito tsaka yumuko hanggang sa sahig.
Tumikhim ang hari at pinagmasdan ang ministro. “tumayo ka ministro Young, Sang ayon ako Sa desisyon na nais mo kukuha ako ng Tao sa Sungkwan na syang mag aayus ng gusot na ito. ” sagot ng hari.
“kamahalan, balita ngayon sa bayan ang paglabas ng palasyo nang mahal na prinsipe totoo bang malaya itong nakakalabas ayon sa kanyang kagustuhan. ” anang ikalawang Ministro sa hanay.
“Ministro Go! Sino ka upang kausapin ng ganian ang hari. ” ani Ministro Choi.
Pilit na ikinalma ng hari ang sarili nya upang hindi makita kung gaano sya ka apekto sa isinalaysay ng ministro. “Kasali ba ito sa isasangguni? “Tanong ng Hari sa Tagasalaysay at kaagad itong yumuko.
“Kamahalan wala pong nakasalaysay na ganiang uri ng katanungan sa Papel ng pag Papahayag.” sagot ng tagasalaysay.
“kung wala na kayong isasangguni sa akin ay maaari ko na bang tapusin ang pag pupulong na ito? ” nakangiting saad ng Hari.
Yumuko ang lahat ng ministro bago tuluyang umalis Samantala hindi nawala ang masamang tingin ni Ministro Go sa Hari.
“Ministro Young… “tawag ng hari sa ministro na syang huli sa paglabas. “aanyayahan kitang uminom ng alak kung maaari.”
Ngumiti ang ministro. ” isang karangalan na makasama ka sa inuman kamahalan. ” anang Ministro.
“mukhang nagiging sakit sa ulo mo ang mahal na prinsipe kamahalan. ” nakangiting wika ng Ministro Habang naka upo sila ng hari kaharap ang inumin sa mababang mesa.
“walang ibang tao dito kaya’t maaari mo akong tawagin sa pangalan ko Joseo. “anang hari sa kaibigan. “si Yuwen ay isang pambihirang bata, napaka talino nya kaya’t hindi ko sya gaanong pinag hihigpitan…maiba ako, kamusta ang anak mong babae sa Sungkwan.”
“sya ang nangunguna sa Unibersidad na iyon kaya’t hindi ako nag aalala sa anak kong iyon.”
“kung gayon, maaari ko ba syang asahan tungkol sa Baekjae? ”
Napatingin ang ministro sa sinabi ng Hari, “hwag kang mag alala isasama ko ang prinsipe Sa pag lakad nya. “Tatawa-tawang saad ng Hari.
Napatingin ang ministro sa hari. “ano ang nais mong sabihin Bang Hyuk? ” tanong ng ministro sa hari sa seryosong tono.
“humiling sa akin ang prinsipe na mag aral sa Sungkwan, naroon ang anak mo kaya’t panatag ako kahit pa alam kong hindi pa sila nag kakakilala. ”
~
“MAHAL NA REYNA.. ” nag huhumangos ang punong tagasilbi nang pumasok sa kwarto ng kamahalan. Yumuko ito. “Ang Mahal na Hari, papunta po sya sa palasyo ng prinsipe.”
Nang marinig ito nang Reyna ay madali syang tumayo at tInungo ang lugar kung saan naroon ang prinsipe.
“kamahalan, dahan-dahan po sa pag hakbang.”anang punong tagapag silbi kasunod Pa ang labindalawang tagasilbi sa likod nito.
“Mahal ko, ano ang ginagawa mo dito? “Bungad na tanong ng hari sa Reyna.
“kung parurusahan mo ang prinsipe kamahalan, hayaan mong ako ang tumaggap noon. ” nagmamakaawang saad ng Reyna.
Umugong ang malakas na tawa ng hari. “hahahahah, nandito ko upang dalawin ang Anak mo at pagbigyan ang hiling nya. ” saad ng hari...