The Battered Wife CHAPTER 20


Author : Krista1307
Genre : Random
🌻🌻🌻🌻🌻🌻
( AMELIA – POV – mother ni Franco )
Pagkatapos ng usapan namin nang anak ko ay agad kong tinawagan ang kanyang doctor.
” Doc , kamusta po ang kalagayan ng aking anak ? ”
” Ma’am , may sinabi ba sa inyo si Franco tungkol sa nakaraan niya ? ”
” Wala naman po Doc , ang napapansin ko lang noong mga huling araw na kasama ko siya dito sa bahay ay parang mabilis siyang magbago ng ugali.At ayaw na ayaw niyang mawawala sa kanyang paningin ang babaeng nililigawan niya.Doc , nababaliw na ba ang anak ko ? pasensya na po kung ganon ang tanong ko.”
” Naiintindihan ko po kayo.Dahil ako naman ang doctor ni Franco ako na po ang magsasabi sa inyo ng mga nakwento sa akin ng inyong anak tungkol sa kanyang nakaraan.Pero mas maganda po kung magkikita tayo sa personal.Maari ka po na pumunta sa isa ko pang clinic.itetext ko na lamang po kung saan.”
Mahabang litanya sa akin nung doctor.
Sobra na akong kinakabahan sa mga malalaman ko ngayong araw.
Hindi naman nagtagal ay nakarating na ako sa klinika na kanyang sinabi.
” Magandang araw po Mrs.Miller.”
” Doc , diretsohin mo na po agad ang inyong sasabihin kahit na kinakabahan ako.”
” Ayon po sa mga inamin sa akin ni Franco , Ang inyo pong anak ay naging biktima ng karahasan noong siya ay bata palang.Noon daw na isang araw ay hindi siya nakauwi sa inyong bahay ay ginahasa siya ng isang lalaki.Wala daw kayo noon sa inyong tahanan dahil nasa ibang bansa kayo para sa trabaho.Pagkatapos daw ng karahasang nangyari sa kanya ay parang basura nalang daw siyang iniwan.Tanda pa daw niya ang mukha nung lalaking gumalaw sa kanya.Matagal ko nang pasyente ang inyong anak dahil ako yung nakapagligtas sa kanya noon.Nagmamaneho ako noon papunta sa hospital at nadaanan ko ang lugar ng insidente.Nakita ko si Franco na umiiyak.Hindi siya nagsasalita.Pero isang araw biglang bumalik yung normal niyang ugali.At hindi ko akalaing muling bumalik sa kanya ang lahat ng nakaraan ”
Anak ko mismo si Franco pero hindi ko alam ang mga nagyari sa kanya noon.
Wala kase akong ibang inuna kundi ang trabaho.
Napabayaan ko ng lubos ang aking anak.
” Kahapon po nakausap ko si Franco.At tulad ng nabanggit nyo kanina sa telepono , may sinasabi siyang pangalan ng isang babae.Yun daw ang kanyang pakakasalan.Sa puntong iyon nakumpirma ko na ang inyong anak na si Franco ay mayroong mental illness.Pero hindi ibig sabihin nito agad ay baliw na siya.Nakaranas siya ng tinatawag na ” Psychological Trauma ” , at dahil yun sa karahasang naranasan niya noon.Kaya mabilis magbago ang ” mood ” ni Franco.May mga panahong mabait siya which is yung palagi niyang ipinapakita sa inyong lahat.At sa ngayon , nakikita nyo na ang other side ng kanyang ugali.Mabilis siyang magalit.At sa napapansin ko , doon sa babaeng gusto niya masyado syang malapit sa taong iyon.Doon niya siguro nakita yung hinahanap nyang atensyon at pagmamahal . Ngunit delikado kapag nasobrahan ang paglapit ng kanyang loob sa babae.Kapag sobra sobra na ang pagmamahal niya...


ay maaari itong mauwi sa isang sakit na tinatawag na ” Obsessive Love Disorder ” , kapag dumating sa point na iyon pwedeng may gawin siyang masama o masaktan niya ang babaeng iyon.Nakwento din niya sa akin na dating may asawa yung babae at ngayon ay muli itong nagpaparamdam.Masamang magselos ang mga taong may ganong karamdaman.Ang mga sakit na ” Psychological Trauma at Obsessive Love Disorder ” ay hindi madaling mawala.Walang specific na gamot para dito.Sa ngayon , mas kailangan ni Franco ng mga taong handa siyang tanggapin at mahalin.Yung mga tipo ng taong handang tanggapin ang tunay niyang kalagayan.”
Wala akong nagawa kundi umiyak.
Sobra akong naaawa para sa aking anak.
Hindi ko alam na may ganon siyang pinagdaanan.
( SKY – POV )
Nagising ako dahil sa sakit ng ulo ko
Bigla ko tuloy naalalang nag-inom nga pala ako kagabi.
” Nasan ako ? ”
Napansin ko kaseng hindi ito yung kwarto ko.
Pero nawala bigla ang sakit ng ulo ko ng makita ko si Elise.
Kakagising lang niya.
” Good morning Elise ”
” Good Morning Sky , hindi na ba masakit ang ulo mo ? ”
” Hindi na lalo pat ikaw ang nakita ko.Teka , nagtatampo nga pala ako sayo Bahala ka dyan.”
Nakita kong nag-iba ang timpla ng mukha ni Elise dahil sa sinabi ko.
Bigla ko kaseng naalala na nagseselos nga pala ako.
” Sky , hanggang ngayon ba nagseselos ka pa rin ? ”
” Wag mo akong kausapin.”
Bumalik ako sa pagkakahiga at nagtalukbong ng kumot.
Pero sa ilalim ng kumot at lihim akong natatawa dahil sa ginagawa ko ngayon.
Narinig kong nagsalita ulit si Elise.
” Ang tagal naman alisin ng selos na nararamdaman mo.Ano kayang gagawin ko sayo ? , alam ko na , ipagluluto nalang kita ng pabrito mong kare-kare , sana lang ay wag mong itapon.”
At naramdaman kong lumabas ng kwarto si Elise.
Inalis ko ang talukbong ng aking kumot.
” Mas lalo kitang minamahal Elise dahil sa ginagawa mo ngayon … ”
Inantay ko na matapos magluto si Elise.
Tulad nga ng inaasahan ko ay dinalhan niya ako ng pagkain dito sa loob ng kwarto.
” Sky , kumain ka muna … alam kong gutom kana ”
” Ayokong kumain Elise , ”
” Please naman Sky ”
” Ayoko ”
” Susubuan kita para kumain kana . ”
” Sige sabi mo yan ha ”
Kita kong napangiti si Elise.
” Sabi mo yan ha , kailangan mo itong ubusin.Teka lang , iniisahan mo ata ako Sky.”
” Alam mo Elise , wag mong sirain yung moment natin.Atleast kapag kasal na ulit tayo araw araw mo na itong gagawin sa akin.”
” Gaano ka kasigurado na magpapakasal ulit ako sayo ? ”
” 100 % sure Elise .. kase alam kong mahal mo pa rin ako.”
Hindi ko na siya hinayaan pang magsalita , agad ko siyang kinabig para halikan.
Nakita kong gulat na gulat siya.
Tumakbo agad ako palayo sa kanya matapos ang saglit kong paghalik sa kanya.
” Skkkkyyyyy ”
” I Love You nalang Elise.”
( TO BE CONTINUED … )






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top