HUMAN PUPPET


HUMAN PUPPET.
written by; CHICHI
Mga mayayamang tao na nagkakatuwaan sa mga puppet na ginagalaw sa entablado. Ang kanilang mga halakhakan at higikan ang katibayan na sila talaga ay tunay na nasisiyahan.
“Mom, totoo po ba na mga tao ang puppet na ‘yan?” Takong ko sa aking ina na masayang nanonood habang hawak ang kaniyang pamaypay. Curious lamang ako dahil ang mga puppet ay kasing hugis ng isang normal na tao.
“Anak, syempre hindi. Mga manikin lamang sila,” natatawang sagot nito. Napangisi ang isang lalaki sa tabi namin na ikina-taka ko.
Habang tinitignan ko ang mga tau-tauhan o puppet, para bang may iba akong nararamdaman. Para bang tunay silang mga tao na ginawang puppet para pasiyahin ang mga taong limpak-limpak ang kayamanan.
“Bata, manood ka na lamang kung ayaw mong mapahamak.” Banta ng lalaki sa aking tabi.
“Ano ang nais mong ipahiwatig mister?” Nakasimangot na tanong ko ngunit ‘di na sa akin ito tumugon.
“Mom, iihi muna ako.” Paalam ko na tinanguan nito.
Pumunta ako sa palikuran— ngunit may isang pintong itim ang nakapukaw ng atensyon ko. Dahan-dahan kong binuksan ang seradura nito at kadiliman ang bumungad sa’kin. Kadiliman at maalingasaw na amoy.
Hinanap ko ang pandaran ng ilaw at ito ay pinindot. Gan’un na lang ang aking gulat nang tuluyan ko ng masilayan ang buong kabuo-an ng kwarto.
Mga taong nakakulong sa isang malaking hawla— at nakabihis ng maayos samantala ang iba naman ay nakalublob sa isang balde na puno ng dugo.
Hinawakan ko ang katawan ng isang tao na maayos na nakabihis, napukaw ng atensyon ko ang tahi...


banda sa kaniyang dibdib. Dinikit ko ang aking tainga dito at ni isang pintig ako ay walang marinig.
“S-Sabi ko na nga ba,” mahinang bulong ko. Tama ang kutob ko na totoong mga tao ang ginagawa nilang tau-tauhan sa lugar na ito.
“Kailangan ko ng maka alis dito!” Mahina kong sigaw. Biglang namatay ang ilaw na ikina-lakas nang kabog ng dibdib ko.
“Sabi ko naman sa’yo bata na ‘wag ka na masyadong maki-alam para ‘di ka na mapahamak. Dahil sa iyong kakuryosidad ang buhay mo ay nalalagay na sa panganib.”
“N-Nasaan ka!” Sigaw ko habang kumakapa-kapa sa madilim kong paligid. May masakit akong naramdaman sa braso ko kaya napa-upo ako.
“Bakit kailangan niyo pang tanggalan ng puso ang mga taong iyan kung pwede niyo naman na silang kunin bilang isang tauhan niyo na lang?”
“Mas malaki ang kita bata kapag patay na tao ang gagawing tau-tauhan sa entablado— huwag kang mag-alala dahil matutulad ka na sa kanila na kapag ‘di na kailangan o kapag wala ka ng pakinabang ililibing na lang basta basta,”
“Tanggalin ang puso niyan at gawin puppet sa susunod na palabas.” dugtong nito.
“H-Hindi,” mahinang bulong ko.
Gan’un nga ang kanilang ginawa, tinanggal nila ang puso ko sa brutal na paraan pagkatapos ay nilinisan at binihasan higit sa lahat ginawang tau-tauhan sa entablado. Sa isang palabas na kung saan ako ang bida sa harap ng mga mayayamang walang kamuwang-muwang.
Isang malaking pagkakamali ang tumapak sa impyernong lugar na ito, na kung saan ang may-ari na sakim at uhaw sa kayamanan ng kaniyang mga taga panood.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top