“[Siguraduhin mo lang na mapagkatiwalaan siya, alam mo naman Parker kung gaano ka importante ang pinagawa ko sayo]” tinig ng isang boses ng lalaki na nasa kabilang linya.
“ Wag kang mag- alala mapagkatiwalaan siya at isa pa wala siyang alam sa ngayon” isang seryusong lumabas sa bibig ng binata.
“[ Sana naman dahil ayaw ko sa taong kinakalaban ako]” sagot nito bago pinatay ang linya. Nandito kasi ngayon si Parker sa apartment niya dahil may iniimbistigahan siya tungkol sa isang taong nawawala . Mahigit labing dalawang taon na kasing nawawala ito. Pinagmasdan niyang mabuti ang mga litratong nakadikit sa dingding. Mga litratong may organisasyon at koneksyon ang bawat isa.
“ Makikita rin kita Crisanto Valdemoria, dahil sayo namatay ang kapatid ko.” bulong nito sarili sabay kuyom sa kanyang kamao na puno nang galit at paghihiganti. Nadamay kasi sa putukan ang kapatid niya noong may ginagawa silang imbistigasiyon. Sa halip na siya ang tamaan ng bala sinalo ito ng kapatid niya. Siguro nagtataka kayo kung paano napunta ang kapatid niya doon dahil isa ring detective ang kapatid niya, sa tuwing may imbistigasiyon silang gagawin di kasi hahayaan ng kapatid niya na di siya sasama. Halos mapunit ang litratong hinawakan niya dahil sa galit sa na naramdaman niya.
Ilang araw ang lumipas inilibing na ang bangkay ng pinsan ni Jasmin. Hindi matanggap ng kanyang tiyahin ang nangyari halos di na nga ito matulog dahil binabantayan niya ang anak ang kabaong nito. Nagbabakasakaling gumising ito.
“ Anak ba’t mo iniwan si mama, gumising kana anak malulungkot si mama kapag di ka gumising” hagulhol na iyak at luksa kasabay ang pag- agos ng masaganang luha mula sa mata ng isang ginang. Nakatayo lang si Jasmin habang unti- unting tinatakpan ng lupa ang kabaong ng kanyang pinsan. Gusto sana niyang umiyak o magwala pero pinigilan niya lang iyon. Dahil iniisip niya ngayon ang tiya niyang nagluluksa sa...