DEBBIE… ang KULIT KABANATA 3


– Sa Panulat ni : Rocel P. Cheche
” Lola Manenggggg!…” malakas at nakakabinging sigaw ni Debbie.
Mababagsakan na sana si Lola Maneng ng malalaking niyog ng biglang padaan roon si Jerry na may bitbit na mga pinamiling gulay, agad niyang binitawan ang kanyang mga bitbit na gulay at patakbo siyang lumapit kay Lola Maneng, hinila niya papalayo malapit sa puno ng niyog ang matanda at nakaiwas ang matanda sa nagbabagsakang mga malalaking niyog.
” Ay salamat ijo, akala ko ay huling araw ko na sa mundong ito kasi muntik ng magbagsakan ang mga niyog na iyan sa akin…” wika ng nagpapasalamat na si Lola Maneng.”
” Wala ho iyon Lola, saglit lang po at tutulungan kong makababa si Debbie sa puno ng Niyog.” wika ni Jerry.
Natulala si Debbie sa nakita niyang pagtulong ni Jerry sa Lola Maneng niya, hindi niya inasahan na ang taong seryoso at tahimik sa klase ang siya pang tutulong sa lola Maneng niya at sa kanya.
” Debbie, bumaba ka na riyan, iniintay kana ng Lola mo.” wika ni Jerry.
” Wait lang, paano ko makakababa eh… ang taas taas ng punong ito.” wika ng natatakot na si Debbie.
” Intay mo ako, aakyat ako riyan, aalalayan kita.” wika ni Jerry.
“Ah…eh… wag ka na umakyat rito, kakayanin ko na lang.” wika ng nahihiyang si Debbie.
Pero agad na umakyat si Jerry sa puno ng Niyog, inalalayan niya si Debbie para makababa.
” Kumapit ka sa aking mabuti Debbie, tapos bigla tayong tatalon pababa, bibilang tayo ng isa… dalawa…tatlo… talonnnnn.” agad silang tumalon na dalawa pababa pero napahiga si Jerry pagbagsak nila at si Debbie nasa ibabaw ni Jerry.
” Ang guwapo pala ni Jerry lalo na sa malapitan.” Bulong ni Debbie sa sarili niya.
Nagkatitigan sila at biglang pumasok sa malikot na imahinasyon ni Debbie na siya ay isang prinsesa at si Jerry ang kanyang prinsipe, nangarap si Debbie ng gising, sa imahinasyon niya ay naghahalikan sila ni Jerry… nagkapuknatan lang sila ni Jerry ng sumigaw na si Lola Maneng.
” Debbie… Debbie… Debbie… tumayo ka na riyan, umuwi na tayo at pagdating natin sa bahay natin, magtutuos tayo…” wika ng galit na galit parin na si Lola Maneng.
” Sige na Jerry, salamat uli sa tulong mo, uuwi na kami ni Lola Maneng.” wika ni Debbie na agad tumayo mula sa pagkakadagan kay Jerry.
Pinulot ni Jerry ang mga pinamili niyang gulay dahil ito’y nabitawan niya ng tulungan niya si lola Maneng kanina… matapos ay umuwi na rin ito.
Pagdating ni Debbie sa bahay nila kumuha ang lola Maneng niya ng malaking bilao na may lamang sangkatutak na butil ng...


munggo at napakaraming lumang libro, doon ay pinaluhod niya si Debbie at nakadipa ang dalawang kamay ni Debbie bilang parusa sa ginawa nitong kalokohan…
Habang nakaluhod si Debbie sa munggo panay ang talak at sumbat ni lola Maneng sa kanya.
” Debbie, hindi ka na natuto, maawa ka naman sa akin, mabuti pa ang Ate Diana mo sumusunod sa akin tapos gumagawa siya ng paraan para kumita siya, working student ang Ate mo, sa umaga nag- aaral siya sa kolehiyo at minsan sa gabi rumaraket siya sa mga pagent, sa pagsali sa mga beauty contest, ikaw ano ba nagawa mo? Gayahin mo naman ang Ate mo.” wika ni Lola Maneng.
Malayo ang tingin ni Debbie at hindi siya nakikinig sa Lola Maneng niya at kung ano anong naglalaro sa isipan niya.
Mga isang Oras na nakababad si Debbie sa munggo, Nang gabi na ay pinaalis na rin siya ng Lola Maneng niya sa kinapupuwestuhan niya, matapos ay kumain na sila ng hapunan.
Malalim na ang gabi hindi parin natutulog si Debbie, nakatanaw siya sa bintana, napansin siya ng Ate Diana niya.
” Debbie, matulog kana gabi na.” wika ni Diana.
” Hindi ako makatulog Ate, naisip ko lang paano kung kumpleto tayo? paano kung buhay pa si Inay siguro hindi magiging ganito ang buhay natin, may mag- aalaga sa atin.” malungkot na wika ni Debbie.
” Ano ka ba Debbie, kahit nawala na si Inay, nariyan naman si Lola Maneng, inaalagaan tayo, ikaw lang kasi ang hindi sumusunod sa kanya, ang tigas kasi ng ulo mo.” wika naman ni Diana.
” Ate, gusto mo pa bang makita yung Tatay nating Tisoy?.”
tanong ni Debbie sa Ate Diana niya.
” Ayoko na siyang makita, pinabayaan niya tayo, may sarili na siyang pamilya at may sarili na siyang buhay, sa palagay ko hindi na niya tayo naaalala, kaya bakit ko pa siya hahanapin, andito naman si Lola Maneng na di tayo pinababayaan.” wika ng nakangiting si Diana.
” Ako hahanapin ko siya at ipapamukha ko sa kanya na hindi tayo mga pusa na matapos ipanganak ay iiwanan na lang niya, magsisikap ako Ate para yumaman tayo at pag mayaman na tayo hindi ko lang siya papantayan, lalampasan ko pa siya at ipapamukha ko sa kanya na tayo yun mga pusang iniwan niya na titingalain niya at bukas luluhod ang mga tala…” wika ng nagdadramang si Debbie.
Binatukan ni Diana si Debbie…
” Debbie, tumigil ka nga ng kadramahan mo diyan, nangangarap ka na naman ng gising, hindi bagay sa iyo ang magdrama, halika na, matulog na tayo.” yaya at wika ni Diana na niyakap ang kapatid niyang si Debbie.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top