Author: Prin Cess
Genre: Romance
CHAPTER 9 ||”Xywill!Anong ginagawa mo dito?”||
Ilang araw na rin ang lumipas at ngayon ay sabado na maaga Akong nagising at tinawag ako ni Maam Kelly..
“Ano po yun?”magalang na tanong ko
“Ito si Sheila siya ang tagalinis ng mga Kwarto Kaya Simula ngayon di kana maglilinis sa mga Kwarto ang tanging gagawin mo Lang ay bantayan sila Xyra at Xywill sabihin mo sakin Kung may ginagawa bang kalukuhan yang mga yan lalo na si Xywill”sabi nito
“Sige po”magalang na sagot ko
Maaga pa naman Kaya ngayon ay Nandito ako sa may garden napagtripan ko Lang magdilig kahit may tagadilig naman Wala namang masama Kung magdidilig ako…
Nakakatuwa rito dahil hindi na kailangan ng tabo at balde para magdilig dahil my hose na nakakonekta dun sa gripo, mahilig rin naman ako magtanim mahilig ako sa mga halaman
“Ang galing mo magdilig”
“Ay k!ng!na”gulat na sabi ko at natapat pa ang hose dun sa nagsalita na si Xywill
“Ano ba Bakit pati ako dinidiligan mo di ako halaman Kaya wag Mong itapat sakin yang hose”sabi nito
“Sorry Bakit kase nangugula….”Hindi ko na tuloy ang sasabihin ng matalisod ako sa hose at Buti na Lang nasalo ako ni Xywill “Bitawan mo ko”sabi ko sa kanya, binitawan nga ako nahulog tuloy ako “Bakit mo ko binitawan?!”
“Sabi mo eh”sabi pa nito “hay nako tignan mo tuloy basang basa ako”inis na sabi nito
“Ede magpalit ka”sabi ko sa kanya
Nginisian Lang ako nito at dahan dahan niyang binubuksan yung butones ng polo Niya…
“Anong ginagawa mo?”tanong ko sa kanya
“Ede huhubarin tong polo ko basa na eh kesa matuyuan ako”sabi nito saka hinubad yung polo
“Pwede naman sa loob diba”sabi ko pa
“Ede mababasa sa loob”sabi Niya “Oh Labahan mo yang binasa mo ah saka dalhan mo ko ng damit”sabi nito Sabay abot dun sa basa niyang damit, naglalakad na ko palayo “saglit!”sigaw nito
“Bakit?”tanong ko
“Ingat ka Baka Mamaya eh matalisod ka nanaman”pang aasar nito inikutan ko na Lang siya ng mata
Kumuha ako ng damit Niya sa may cabinet sa Kwarto Niya at binigay yun sa kanya at pagdating ko Roon sa Garden ay andun na yung mga kaibigan Niya…
“Oh ayan na po yang Damit mo”pagalit na abot ko sa kanya
“Dalahan mo nga Kami ng juice”Utos nito
“Opo sir”sabi ko saka umirap sa kanya, kumuha ako ng juice sa may kusina pati na rin sandwich para di na ko pabalik balik alam ko namang iuutos Niya rin yun
“Ito na po”sabi ko saka ngumiti ng pilit
“Saglit Baka may gayuma toh o Kaya lason”sabi nito,saka tumawa yung mga kaibigan Niya
“Assuming porket gwapo”bulong ko sa sarili
“Ha?”tanong nito
“Ang sabi ko po wala yang gayuma”sabi ko
“Btw Xywill sasama ka ba sa camping?”tanong nung isang lalaking mukhang Dancer
“Syempre naman Tim lagi naman kasama sa mga activities si Xywill”sabi nung lalaking mukhang mabait
“Ace Kailan ba yun?”tanong nung lalaking mukhang tahimik Lang
“Next week pa yun Ken”sabi nung lalaking tinawag na Tim nung lalaking mukhang mabait na Ace daw pangalan
“Tamang kinig Lang sa usapan?”Biglang tanong ni Xywill sakin
“Sorry naman wala ka na bang iuutos Kung...
hay….